Chapter 2

508 24 10
                                    

TRIGGER WARNING:

This chapter will narrate scenes and dialogues about suicide, depression, and self-harm. This may be triggering to readers with similar experiences.
Please engage in self-care as you read this chapter.

━━

Chapter 2

Pinagmasdan ni Connor ang pinsang si Andronicus na ngayon ay hindi kumakain. Tahimik lamang ito at walang ganang nakatingin sa kaniya.

"I don't feel like eating, Connor," anito sa malat na boses.

Andronicus looks really bad right now—for Connor. Hindi kasi ito nasa karaniwang ayos nito. Andronicus always keeps his hair clean, even his stubbles. Ngayon ay wala na itong pakialam kahit magulo ang buhok at tinutubuan na ng maninipis at maiikling mga buhok sa panga.

Pero siguro, kung makikita ito ng mga nagkakagusto sa pinsan niya na mga taga-siyudad ay magugustuhan pa rin nila si Andronicus. Mula sa clean look nito ay nagmukha na itong bad boy.

Napailing si Connor at tiningnan ang kasambahay na nakaantabay doon. Agad nitong kinuha ang tray at inalis iyon sa tapat ni Andronicus bago umalis na ng kuwarto ng binata.

Bumuntonghininga si Andronicus bago muling isinalampak ang sarili sa malawak nitong kama. Mas nagulo ang kulay abo nitong comforter.

Malawak ang kwarto ni Andronicus sa mansyon tulad ng mga kwarto ng mga pinsan niya. Hinaluan na ng ilang pagkamoderno ang mansyon dahil sa ilang mga renovations na ginawa sa mga nagdaang panahon kaya halo na ang makabago at makalumang disenyo nito. Ganoon din ang kinalabasan ng kuwarto ni Andronicus.

Humalukipkip si Connor at pinagmasdan ang pinsan niyang natulala sa kisame ng kuwarto nito. Mayroong maliit na chandelier doon at ang kisame ay kulay itim na nawiwisikan ng mga tila ba bituin na umiilaw tuwing madilim o gabi. Sila ang nagkabit noon noong mga bata pa silang magpipinsan katulong ang mga kasambahay.

"Andro, if you keep being like this, maaalala at maaalala mo lang ang lahat," pagod na sambit ni Connor. "Abalahin mo ang sarili mo sa ibang bagay."

"Shut up, Connor." Pumikit si Andronicus at nakita ni Connor ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nito.

Agad na nakaramdam ng awa si Connor Dela Vega para sa pinsan. Hindi niya kailanman maiintindihan ang lalim ng nararamdaman nito pero gusto niyang maging maayos ang pinsan niya. Alam niyang kailanman ay hindi niya mararamdaman at madadamayan ang sakit na nararamdaman nito, pero gusto niyang makaahon man lang si Andronicus sa lahat ng nangyari.

Si Andronicus, sa lahat ng mga pinsan niya, ang pinakamalapit sa kaniya. Kaya ang makitang nagkakaganito ito ay nagpapabigat nang husto sa damdamin ni Connor.

"Andro. You have to live. Please. Hindi matutuwa si Persis kung—"

"Please don't say her name!" galit nitong sabi sa kaniya at natahimik si Connor.

Hindi na niya alam kung ano ang gagawin kay Andronicus. He's empty. He's very broken. He's drowning himself too much.

Gaano na ba nito katagal na nakilala si Persis? One month? Two? Five? Ang nasisigurado niya lang ay wala pa ni isang taong nakikilala ni Andronicus si Persis. O nakilala nga ba niya ito nang lubusan?

"Andro," he calls but his cousin doesn't answer. "I know you're hurting. . . Pero walang ibang makakatulong sa 'yo kundi ang sarili mo," marahan niyang sabi sa pinsan.

Nanatili pa ring tahimik si Andronicus. Nakatakip na ang braso nito sa sariling mga mata.

Napabuntonghininga si Connor bago lumabas. Pagkalabas niya ay naabutan niya ang kasambahay na pinagbantay niya roon sa labas ng pinto ni Andronicus para may matawag ang pinsan niya kung may kailangan ito.

Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)Where stories live. Discover now