Chapter 1

1.1K 28 25
                                    

TRIGGER WARNING: 

This chapter will narrate scenes and dialogues about rape, violence, suicide, and self-harm. This may be triggering to readers with similar experiences.
Please engage in self-care as you read this chapter.

━━━━━━━━━━━━━

Chapter 1

Maingay ang kapaligiran dahil sa abalang mga tao na namimili sa palengke sa sentro ng Casiguran. Maluwag na ang kalsada dahil sa mga ipinatupad na batas ni Andres Ignacio, ang kasalukuyang mayor doon. Ngunit kahit na maraming tao, mabilis ang naging paandar ni Connor sa kaniyang pick-up—walang pakialam kahit na may ilan nang hinahabol ng mura ang kaniyang sasakyan.

Kung normal na araw, ngingisi pa siya at pagtatawanan ang mga iritadong ekspresyon ng mga tao sa sasakyan niya habang papalayo ito. Pero sa nangyayari ngayon at sa bumabagabag sa isipan niya, hindi niya 'yon kayang gawin.

Kailangan niyang umuwi ngayon sa mansyon dahil kasalukuyang gumagawa ng kumosyon doon ang pinsan niyang si Andronicus Dela Vega.

That guy.

Napailing siya. Kahit na sumasakit ang ulo niya sa pinsan, hindi niya magawang magalit dito dahil naiintindihan niya ito.

Namatay ang babaeng binabalik-balikan nito sa Casiguran nitong nakaraan lamang. A lot has happened and Connor can't deny that it's been bothering him for the past days. 

They discovered that the girl Andronicus likes is the daughter of a rapist and a criminal. The same person who abducted, raped, and killed Amelia Ignacio, the daughter of Andres Ignacio. At nangyari ang lahat ng ito malapit sa kagubatang sakop ng lupain ng mga Dela Vega.

Galit si Andres Ignacio dahil dawit ang anak nito sa gulo. Galit si Andronicus dahil nawala ang minamahal nito. Galit si Herodion Dela Vega, ang kaniyang Lolo, dahil dawit ang lupa nila sa kaguluhan.

At ngayon, galit na galit ang kanilang Lolo kay Adronicus dahil isinama nito si Tabitha Dela Vega, ang kanilang kaisa-isang pinsang babae sa kung saan pinapahirapan ni Andres Ignacio ang salarin sa pagkamatay ng anak nito.

Magulo ang lahat ng nangyari. Kaya naman nang tuluyang makauwi si Connor sa kanilang mansyon at naabutang nakasalampak sa marmol na sahig ng sala si Andronicus, putok ang labi at mukhang nanghihina ay buntonghininga na lamang ang nagawa niya.

Dumagundong sa buong sala ang galit na boses ni Herodion Dela Vega. Hawak ng kanilang lola na si Celeste ang braso nito, pinipigilan ang asawa.

Umiiyak si Tabitha maging ang ina ni Andronicus na si Andrea Dela Vega na inaalo ng asawa nitong si Thomas.

"Lolo, please! I'm alright!" iyak ni Tabitha, sumasabog na ang maikli at kulot na buhok sa mukhang punong-puno na ng mga luha.

Napailing si Connor at iniwas ang tingin, hindi kayang tingnan ang pagluha ng pinsan. Wala naman siyang magagawa. Kung papagitna siya sa galit na lolo at sa kaawa-awang si Andronicus, lalo lamang magagalit ang matanda at parehas silang malilintikan ng pinsan.

"Shut up, Tabitha!" galit na sigaw ng pinakamatandang Dela Vega.

Napapikit si Connor, hindi maitago ang bahagyang pagkislot niya sa sigaw ng matanda.

The old man's really something. Umiling si Connor at naramdaman ang kilabot na dumaan sa batok niya. 

"I will send you to another country! Wala akong pakialam kung saan ka ipapatapon!" pinal na sinabi ni Herodion. "Huwag kang babalik dito hangga't hindi mo naaayos ang sarili mo! Que Cabron!" anito bago tuluyang umalis.

Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)Where stories live. Discover now