Chapter 8

267 8 2
                                    

TRIGGER WARNING:

This chapter will narrate scenes and contain dialogues about death, murder, rape, and violence. This may be triggering to readers with similar experiences.
Please engage in self-care as you read this chapter.

━━

Chapter 8

Hindi alam ni Connor kung ano ang dapat niyang maramdaman. Halu-halo na ang emosyon niya at hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.

Nakatitig siya sa mga mata ni Adina na punong-puno ng apoy ng galit hindi para sa kaniya pero para sa lolo niyang hindi niya akalaing kayang gawin ang lahat ng ibinibintang ni Adina.

Si Herodion Dela Vega? Nagkaroon ng ibang babae? At ang babaeng iyon ay asawa ni Pablo Abrantes! Ang walanghiyang si Pablo Abrantes!

Kung ganoon, ang lahat ng gulong ito, nagmula ang lahat kay Herodion Dela Vega?

Kaya ba sinasabi ni Adina na pinagtatakpan ng mga Dela Vega ang mga kawalang-hiyaan ni Pablo Abrantes? Siguro. Siguro nga.

Siguro, nang magkaroon ng relasyon si Herodion sa yumaong asawa ni Abrantes ay tuluyan na itong nabaliw at nagawa ang mga nagawa nitong kababuyan. Dahil sa kunsensya ni Herodion dahil sa ginawa niya at sa pagkamatay ng dating asawa ni Pablo, hinayaan niya ang mga ginagawa ni Pablo sa sarili nitong lupain. 

Kaya siguro hinayaan ni Herodion Dela Vega na magpakalat-kalat sa lupain nila ang walanghiyang si Pablo. Kaya hinayaan niyang tumira ito sa lupain ng mga Dela Vega!

Napapikit nang mariin si Connor at sinubukan niyang lunukin ang lahat ng napagtanto.

Kung gayon nga, tama si Adina. Nagbulag-bulagan ang mga Dela Vega. Hinayaan ng sarili niyang pamilya ang kawalanghiyaan ni Pablo Abrantes. Binigyan ng laya sa lupain ng kaniyang angkan at pinagtakpan ang lahat ng kabulastugan nito.

Ano ang mararamdaman ng mga Ignacio sa oras na malaman nila ito? Tiyak na mawawasak ang relasyon ng mga Ignacio sa mga Dela Vega. Paanong kayang harapin ni Herodion Dela Vega ang mga Ignacio sa kabila ng lahat ng ito?

Herodion is indeed a monster. Connor knows it. Matagal nang hayop ang kaniyang lolo pero patuloy lang nilang tinanggap ang katotohanang iyon. Paano na ang lola niyang si Celeste Dela Vega? Masiyado pa man din itong relihiyosa. Madalas sa simbahan at maganda ang imahe sa lahat ng mga taga-Casiguran.

Pagkatapos ay ano? Sobrang dumi ng pangalan ng mga Dela Vega sa ilalim ng lahat ng kasinungalingan! Tiyak na ikasisira ng pangalan ng mga Dela Vega ang katotohanang ito.

Iminulat ni Connor ang mga mata niya at naabutan ang paninitig sa kaniya ni Adina. Mahigpit niyang hinawakan ang mga balikat nito.

"Adi, you have to leave. Kapag nalaman ni lolo—"

Sinampal ni Adina palayo sa kaniya ang kamay ni Connor at umatras ito palayo.

"Wala akong pakialam kay Herodion Dela Vega!" anito.

"Hindi mo naiintindihan—"

Ipinikit ni Connor nang mariin ang mga mata niya.

Hindi naiintindihan ni Adi.

Hahanapin siya ni Herodion at patatahimikin. Hindi alam ni Connor kung ano ang kahihinatnan ni Adi. Ayaw niyang isipin. Ang alam niya lang ay kailangan nitong magpakalayo-layo.

Natatakot si Connor. Hindi niya akalain na duwag siya. Duwag na duwag. Gusto niyang tumakbo na lang at itakas si Adi palayo ng Casiguran.

Bakit kailangan nilang maranasan ang lahat ng ito? Hindi ba pwedeng nagkita na lang silang dalawa sa isang mas normal na pagkakataon? Pwede bang nakita na lang niya si Adi sa Maynila at liligawan niya ito kahit na itinataboy siya nito palayo?

Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)Where stories live. Discover now