Chapter 13

123 10 7
                                    

Chapter 13

•~•~•

Unti-unti akong humakbang palikod at palayo kay Seokjin. Nakita ko ang ngisi sa mukha niya habang palapit ng palapit sa akin.

"H-huwag kang lalapit." Natatakot kong sabi sakaniya habang dinuduro duro pa siya. Huminto siya at itinabingi ang ulo niya. Akala ko ay may ilalabas siya na baril para patayin ako pero bigla itong tumawa at napahampas pa sa bakal ng waiting shed habang humahalakhak ng malakas. Ewan ko kung saan ako matatakot, sa iniisip kong baka siya ang killer o sa tawa niyang parang basahan na pinupunas sa bintana.

"Oh my gosh! You should see your face!"

"Tumigil ka nga! Hindi magandang biro yun!" Inis kong sigaw sakaniya at lumapit. Hinampas ko siya ng hinampas sa dibdib niya pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"I think I'm gonna die!" Sabay tawa pa rin ng tawa. Napairap ako at hinahayaan siyang tumawa na lang.

"Okay, okay. Okay na ko."

"Mabuti naman. Ang sakit sa tainga ng tawa mo." Sabi ko sabay kamot ng tainga ko.

"Grabe ha? Pero hindi ako nagbibiro. Totoo yung sinabi ko." Bigla akong naalerto sa sinabi niya at akmang lalayo uli nang hawakan niya ang pulso ko dahilan para mapatingin ako sakaniya ng kinakabahan.

"Come on, bat nanginginig ka? Hindi ako ang killer siraulo." Sabi niya sabay ayos ng tayo at binitawan ang pulso ko.

"Kaya ko lang naman nasabi yun kasi adiksyon ka ng isang tao diba? Hindi ba't maganda kung mawala ka bigla? Hindi ko sinasabing patayin mo sarili mo pero magtransfer o lumipat ka sa ibang lugar. Ganon."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil nakakalma na ako mula sa pagkatakot ko sakaniya. At hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pinaniwalaan ko agad siya.

"That's a nice idea pero wala akong ganoong budget dahil ang ginagamit ko ay yung mga tirang pera ng magulang ko at yung perang binigay rin sa akin ng magulang ni Jimin pati isa pa, hindi ako mapakali hangga't hindi pa nahuhuli kung sino ang mga gumawa nito."

"How about go missing for days? Isipin mo na lang na isa 'tong plano para makuha natin kahit isang katiting na ideya o impormasyon lang tungkol sa killer mo. Tapos bumalik ka uli agad."

"Hindi ko alam kung paano takbo ng plano na yan."

Napakamot siya ng ulo bago uli magsalita, "May suspect ka na ba?"

Napakagat ako ng labi at tsaka umiling sakaniya.

"Talaga? Wala ka bang pinaghihinalaan?"

"Ikaw sana kaso gago ka e'." Sabay irap sakaniya dahilan para mapahagikgik siya, "Kaso ang hirap kasi mambintang. Pati siguro may ilan akong pinaghihinalaan kaso hindi ko kasi matanggap na baka isa sakanilang mga kaibigan ko ang gumawa nun."

"Ang hina naman ng loob mo. Paano mo mahahanap kung sino pumatay kung wala kang lead? Pati hindi ka naman mambibintang e'. Suspect lang naman."

Hindi na lang ako nagsalita at napakibit-balikat na lang.

"Pero kung sabihin mo kaya sa mga kaibigan mo isa-isa na aalis ka. Pero iba iba ang dahilan? Malay mo, may isang magtake ng seryoso nun o umakto na parang weird. Diba? Malalaman mo kung sino lead mo dun kahit papaano?"

May punto siya pero..

Nahihirapan talaga ako magpoint out ng fingers sa mga kaibigan ko. Sobrang hirap kasi talaga tanggapin.

"Abby?"

Napatingin kami parehas ni Seokjin sa tumawag sa akin at nakita si Yoongi na seryoso ang mukha niya. Napatingin rin siya kay Seokjin pero hindi niya 'to napansin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. Lumingon ako kay Seokjin at mukhang nagulat rin siya sa biglang ginawa ni Yoongi.

"I'll take you home." Sabi niya sa malamig na tono.

Wala na akong nagawa kundi sumunod at sumenyas na lang kay Seokjin na aalis na kami. Tumango naman siya at nagsimula na rin maglakad palayo.

Tumigil kami ni Yoongi sa isang harap ng pulang kotse. Binitawan niya ang kamay ko at kinuha ang susi. Binuksan niya ito at sinenyas sa akin na sumakay na ako kaya sinunod ko na lang siya. Pagkasara ng pinto ay hindi ako tumingin sakaniya at diniretso ang tingin ko sa kalsada. Rinig ko ang pag buntong hinga niya nang sinimulan niyang buksan ang makina. Napapikit ako at napakagat sa labi ko. Magsasalita na sana ako nang mauna siya.

"I'm sorry."

Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik.

"I'm sorry for what I acted earlier. Siguro naging greedy lang ako dahil sa nararamdaman ko. Dahil ayoko na mawalan ng kaibigan pa, Abby." Sabay nilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko kaya napatingin ako dito.

"I'm begging you, Abby. P-please."

Napahawak ako sa kamay niyang nasa ibabaw ng isa ko pang kamay. Tumingin ako sakaniya at tsaka ngumiti, "I won't die." Sabi ko sakaniya.

"I know that." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nagtitigan kami ng ilang segundo.

"Abby, hindi kita mahal." Diretsong sabi niya na ikinagulat ko.

"T-then ano y-yung inaakto mo kanina? B-bakit mo ko hinalikan?" Gulat na tanong ko sakaniya.

"Nagsasakripisyo ako. Dahil nawawala si Jungkook. Patay na si Jimin at hindi ko hahayaang may mangyari pa kay Hoseok."

Bigla akong naguluhan. Anong sinasabi niya? Parang kanina pinapalayo niya lang ako kay Hoseok ah? Bakit? Hindi ko makuha ang pinupunto niya.

"Anong sinasabi mo Yoongi? Hindi ko magets."

"Hayaan mo na lang ako, Abby. Mahal naman kita pero bilang kaibigan lang pero kailangan kong gawin 'to."

Magtatanong sana ako nang nilagay niya uli ang labi niya sa labi ko at sunod sunod ang luhang lumabas sa mata niya.

Nilayo niya ang mukha niya at ngumiti ng malungkot. Na para bang aalis na siya. Na parang hindi na siya magpapakita pa.

Bigla akong kinabahan at natakot.

"Abby, mahal ko kayo. Sana matapos na 'to. Dahil ang pumatay kay Jimin at sa magulang mo ay si—"

Bago pa masabi ni Yoongi kung sino ay biglang nabasag ang salamin sa harap namin at napatakip ako sa tainga ko dahil sa ingay nito at dahil sa nagtalsikan ang ilang bubog nito sa akin. Nang maka-recover ako ay unti unti akong tumingin kay Yoongi at napahawak ako sa bibig ko nang makita kong may tama siya ng baril sa dibdib.

"Y-yoongi.. yoongi.." sabay paulit-ulit na tapik sa mukha niya pero wala na akong reaksyon na nakuha mula sakaniya. Napabuhos bigla ang mga luha ko at napasigaw na lang ako dahil sa frustration, sa nangyayari, sa galit, sa sakit at dahil alam niya kung sino.

Kung sino ang killer.

•~•~•

Addiction • BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon