Chapter 9

124 9 1
                                    

Chapter 9

•~•~•

It's been a month.. again.

Ang dami agad nangyari and I have never been depressed like this before. It just got worse at hindi na rin ako halos pumapasok dahil sa hindi ako okay at ilang araw na kong hindi nakakatulog ng ayos.

I can't help it but to blame myself from everything.

Matatapos ba 'tong pagpatay sa mga tao sa paligid ko kung ako ay mamamatay rin?

I'm the only reason why those people were killed merciless.

Dumiretso ako sa kusina at napansin na ubos na pala ang sleeping pills ko dito. Napabuntong hinga ako at kinuha ang jacket na nakasabit sa upuan at sinuot 'to. Ipinuyod ko ang aking buhok sa ponytail at nagsuot na lang ng tsinelas at lumabas para bumili ng gamot at ng mga instant food.

Nang makarating ako sa pinakamalapit na convenient store ay agad akong bumili ng cup noodles at dumiretso sa malapit na pharmacy. Papasok na sana ako nang makita ko si Seokjin na nasa loob rin at nagbabayad para sa binili niyang gamot. Agad akong tumalikod nang lumabas siya at lumayo ng kaunti.

Hindi na rin kasi kami naguusap at nagkikita simula nung namatay si Namjoon dahil hindi na ako halos pumasok pa. At ayoko rin naman na makita niya ako sa ganitong estado. I don't want people to look at me with sympathy in their eyes. I just want them to leave me alone. The more the strings are attached, the more it tears apart.

Nang silipin ko si Seokjin ay nakita ko ang pag labas niya ng gamot mula sa supot at kumuha ng tatlong pill. Napatitig pa siya saglit dito bago buksan ang bote ng tubig na hawak niya rin. Sa gulat ko ay nilagay niya ng sabay ang tatlong pill at tsaka uminom ng tubig. Napahawak siya sa ulo niya at napailing bago umalis. Hindi kaya ma-overdose siya doon?

Nang tuluyan nang nakaalis si Seokjin ay tsaka ako pumasok sa pharmacy. Binigay ko ang reseta sa cashier at binigyan na nila ako ng sleeping pills. Nagpacheck up rin kasi ako nung mga nakaraan na araw dahil hindi ako makatulog, good thing ay niresetahan nila ako kasi hindi nagbebenta ang mga pharmacy o drug store ng sleeping pills kung walang reseta kasi baka pagiisipan nilang magsusuicide ka.

Dumiretso na agad ako ng uwi at kumain ng binili kong cup noodles. Pagkatapos ay uminom na ako ng kalahating sleeping pills at napatitig sa kisame.

What now? Ano na gagawin ko?

Dumiretso akong kusina at naghilamos. Napatitig ako sa mga nakasabit na utensils sa cup board. Napasampal ako sa sarili ko dahil sa mga naiisip ko at napaupo na lang.

Bakit ba naiisipan kong magpakamatay?

"But… they were killed.." tumayo uli ako at kinuha ang kutsilyong nakasabit sa cup board. Pumunta ako sa kwarto ko at tinitigan ang sarili ko lalo na ang pulso, dibdib at leeg ko.

".. because of me."

Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ko at napapikit.

"Sorry." Akmang isasaksak ko na ang kutsilyo sa sarili ko nang mabitawan ko 'to dahil biglang may nagdoorbell.

Mas lalo akong naiyak.

What am I really thinking?!

Sunod sunod ang pagtunog ng doorbell kaya agad kong binuksan ito at bumungad sa akin si Taehyung kasama ang iba pa. Kumpleto sila at pare-parehas may bitbit ng supot.

No.. kulang pa.

Hindi pa rin nahahanap si Jungkook hanggang ngayon and it's also been a month. Some suspected him for killing Namjoon and some are thinking that he is also the one who is behind my parent's death and Jimin. But I can't believe anything. My mind is too occupied with my own feelings and thoughts that I don't want to listen to anyone anymore.

Napatingin sila sa akin at ngumiti pero nawala ang ngiting yun nang mapansin nilang hindi ako okay at namumugto ang mga mata ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malambot at walang gana kong tanong sakanila.

"We haven't seen you in a month and we are worried about you. So we brought some beers and food for a chill!" Sabi ni Hoseok at pinakita pa ang supot na hawak.

Hindi ako nagsalita at tumabi para papasukin sila. Nang pare-parehas silang nakapasok ay dumiretso si Taehyung sa kwarto ko at paglabas ay dala dala ang kutsilyo na gagamitin ko sana na pangkitil sa buhay ko. Napalunok ako habang napayuko na lang para iwasan ang galit niyang mga mata.

"You.. you are thinking of killing yourself right?"

Napatahimik sila pare-parehas at tumingin sa akin. Hindi pa rin ako nagsalita at nanatiling nakayuko.

"What the hell are you thinking, Abby?!" Galit na sigaw sa akin ni Taehyung. Kinuha ko mula sa kamay niya ang kutsilyo pero inilayo niya ito sa akin.

"Just give that back. Ilalagay ko uli sa kusina. Baka makasugat pa yan." Sabi ko sakaniya pero hindi niya pa rin binibigay ang kutsilyo sa akin at nilagay pa ito sa likod niya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla akong yakapin ni Hoseok mula sa likod ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Abby." Tawag niya ng malumanay sa akin.

"We know what you have been through. But don't ever think about killing yourself." Sabay bitaw sa akin.

"Tama si Hoseok. Nandito pa kaming mga kaibigan mo." Sabat ni Yoongi.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"I don't want to be your friend anymore." Madiin na sabi ko sakanila.

"Then what's the purpose of coming here? Such a waste of time." Napatingin ako kay Yoongi na biglang tumayo mula sa pagkakaupo at tsaka nag-inat inat ng katawan. Nang tignan niya ako ng malamig ay nagbigay ito ng kilabot sa buo kong katawan. Ewan ko, pero sobrang nakakatakot talaga pag wala kang makikitang ekspresyon sa mukha niya.

Parang may demonyo akong kaharap.

"Yoongi, we are all here to know whether Abby is alright—" biglang pinutol ni Yoongi ang pagsasalita ni Hoseok at ngumisi sa akin.

"And we just saw her. She's fine."

"She nearly killed herself!" Biglang sigaw naman ni Taehyung at pinapakita pa ang kutsilyo.

"And she didn't want us to be friends with her anymore. Magpapakamatay siya pero hindi man lang niya inisip mararamdaman natin? Fucker."

"Hey!" Sigaw ni Hoseok nang padabog na umalis si Yoongi sa unit at naiwan kaming tatlo na tahimik.

He's wrong and right.

I didn't think about how would they feel if I killed myself. But rather think about their lives while I'm still living.

"I'm so freaking tired." Sabi ko at naramdaman ko na tinatamaan na ako ng sleeping pill na tinake ko kanina.

Unti unti na lang na pumikit ang mata ko at nandilim ang paningin ko.

•~•~•

Addiction • BTSWhere stories live. Discover now