~Don't leave me~ part two ^_^

Start from the beginning
                                        

“Ang usapan natin lalayuan ko si Aliyah pero hindi lalapit sa kanya si Aldrin diba?. Bakit magkasama sila ngayon? Ipaliwanag mo nga.”

 

 

 

“Kasal lang nila ang mapipigilan ko pero ang paglapit ni Aldrin sa kanya hindi ko Alam.”

 

 

Tinalikuran ko na lang sya. Walang kwenta psh.

“Saan ka pupunta?”

 

 

 

“Bakit saan ba nagpupunta ang taong nasugatan?” pumasok ulit ako sa loob ng school. Sa clinic na lang ako magpapagamot.

Aliyah’s POV

 

 

“Hoy! Tama na nga yan halos punuin mo na yang basurahan ng tissue.” Sabi ni Rhoanne at hinila ako pabalik sa upuan.

“Babaita ka. Tama bang sa harap ng basurahan ka mag-emote? Ha?” lalo lang ako naiyak

“Si harvey kasi ayaw nya ako pansinin.” :”(

Pumasok na sa loob yung Prof. Namin pero hindi pa rin ako ok!. Kaya tinulungan ako ni Rhoanne para makalabas.

“Ahm! Sir? Masakit po daw ang ulo ni Aliyah” kaya hayun nakalabas ako. Buti pumayag si Sir.

Habang naglalakad ako nakita ko si Harvey na lumabas ng clinic.

“Harvey!” lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Galit ka na naman ba?. Sorry na. Si Aldrin yung nagpunta sa bahay at nagpilit sya na magkasabay kaming pumasok. Sorry na talaga plese forgive me!.” :( sana maniwala naman sya T___T

“Halika nga!” sabi nya tapos. Sumakay kami sa kotse nya.

Light my fireWhere stories live. Discover now