~Find the truth..~

15.3K 95 10
                                    

Charlotte's POV



"Ma'am ano pong gusto nyong gawin ko dito sa babae?."
Tanong ng lalaki na nasa harap ko. Iniabot ko kasi ang picture ni Aliyah sa kanya.


"Gusto kong alamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya. Kung ano ang mga pinag kaabalahan nya nitong mga nakaraang taon?"
Tumango-tango ito.

"Yun lang po ang ipagagawa nyo?"




"Oo at ingatan mong walang makaalam nito at isa pa pala. Imbestigahan mo na rin si Aldrin Yu."




"Sige po Ma'am." Tumayo na ako lumabas ng Restaurant. First step pa lang tapos na. Kailangan ko ng ayusin ang Second step.

Pumunta sa Botique shop ni Aliyah...

"Good mor----." Nakita ko ang pagka bigla ni Aliyah sa pagdating ko.

"Ahh. Charlotte ikaw pala." Pumasok ako sa loob ng Shop nya. I smiled.

"Nasaan ang anak mo?" Tanong ko. Kailangan magawa ko na ang Third step. 

"Uhm. Nasa bahay e. Bakit?"



"Wala lang. I find him cute kasi. Gusto ko pag nagkaroon na kami ng anak ni Harvey maging mag kaibigan sila ha?" Nakita kong nasaktan sya sa sinabi ko. Gusto kong tumawa sa itsura nya.

"Oo naman. Ano nga pa lang ipinunta mo dito?" Pag-iwas nya sa usapan.

"Nandito ako para sana makipag laro sa anak mo, Kaya lang wala naman sya. And ibibigay ko rin pala tong invitation para sa engagement party namin." masaya kong sabi. Bakit parang nagdadalawang isip sya na tanggapin yun.

Light my fireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu