~Final Chapter 2: I do~

11.1K 124 17
                                    

Dedicated to theDuckling

Salamat sayo! :D

Dedicated din sa LAHAT ng naghintay, :)) Especially to Ate DisenchantedNow <3

Aliyah's POV

Everything is Perfect. Well, hundi sobrang perpekto. Dahil alam kong marami pa kaming kakaharapin na struggles ni Harvey na alam kong malalampasan din namin.

Hindi sapat na mahal mo ang isang tao. Kailangan niyo rin ng tiwala sa isa't-isa. 

Nandito ako ngayon sa isang pribadong kuwarto. Nakaharap sa malaking salamin. Tinitignan ang sarili ko na nakasuot ng isang wedding gown. Every woman dreams to marry the person they love. At isa ako sa kanila NOON. Pero ngayon hindi na dahil ilang oras na lang ikakasal na ako. Magiging Misis na ako.

Bumuntong hininga ako. Sobrang dami ng naiisip ko. Biglang nagbukas ang pintuan at iniluwa niyon ang mag-aama ko. 

"Mommy!!" Sigaw ng dalawa kong baby.

"Hello! Babies. Anong ginagawa niyo dito? Akala ko nasa church na kayo?" I lowered down para makapantay ko silang dalawa.

"Mommy can we kiss you?" They said in chorus. I smiled at their attitude. But im happy dahil ang sweet nila.  Tumango naman ako. Agad silang lumapit sa akin at pinugpog ako ng halik sa mukha. 

"Okay. Stop that kids." Suway ni Harvey. 

Tumayo ako at hinarap siya. 

"Wag kang KJ Mister."  Ngumisi lang siya sa akin. I raised my eyebrows. "Bakit ganyan ka makangisi?" Imbes na sagutin niya ang tanong ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Itinaas niya ang right hand ko at hinalian niya ang likod nito. Hahablutin ko na sana ang kamay ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang kapit. 

"Harvey!!" Suway ko sa kanya. "Anong problema?" nakanguso niyang tanong. "Stop that. Nandyan yung mga bata." Tingin ko doon sa dalawa kong anak ay I mean anak namin pala. Parehas silang dalawa na nakatingin sa amin na mga inosente.

"Fine." Binitawan niya ang kamay ko. At inis na tinalikuran ako.

Umiling na lang ako sa inaasta niya.  "Palagi na lang sila. Kainis" Hinawi niya ang kurtina sa may bintana. At nakabusangot na tumingin sa labas.

Light my fireWhere stories live. Discover now