~Rejection~ part two

20.1K 115 0
                                    

Harvey’s POV

 Tama pa ba itong nararamdaman ko para sa kanya? Dapat ko na sigurong itigil yo. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Yun dapat ang isakisak ko sa utak to. 

 “Harvey hindi pa ba tayo uuwi?” sabi nya sa akin at umupo sya sa tabi ko sa bench nandito kami ngayon sa tapat ng orphanage.

 “Bakit gusto mo na ba umuwi tayo? Gabi na rin pala! “

Tumayo ako at inaya ko na siyang umuwi dahil baka hanapin na namna siya ng mga magulang niya. 

 Tumayo ako mabilis na naglakad patungo sa sasakyan. Malalaking hakbang ang ginawa ko para hindi kami magkasabay at hindi rin ako madikit sa kanya.

 Binuksan ko ang pintuan sa may Driver seat. Hindi ko na siya pinagbuksan dahil ayokonh lalong lumalim ang mga iniisip niya. Kaibigan lang talaga.

Nagtaka ako ng hini pa rin siya pumapasok. "Aliyah? Sakay na." Para siyang bato na nakatayo lang doon. 

Sumakay siya agad at tinignan akong maigi. Inistart ko na yung kotse ang pinaandar na ito? Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa manibela.

"May Problema ba?"

Umiling ako. "Wala to. Pagod lang siguro." 

 "Ganun ba? O sige kung may problema ka. Nandito lang ako." Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

"Alam ko. That's why I like you a lot."    "..as a friend"  Pag dudugtong ko. Ayokong may isipin na naman siya.

Bigla akong napatapak sa preno dahilan na muntik na laming mabangga.

"Ayos ka lang?"  Tumango siya sabay hawak sa dibdib niya.

"Nabigla lang siguro ako. ".

Aliyah’s Pov

 

 Okay na sana yung I like you. Kung wala lang sana yung as a Friend na hyan. Kainis. Napanguso na naman tuloy ako.

“Aliyah?! Napagod ba kita?” tanong nya sa akin

 "Hindi naman. Ibaba mo na nga lang ako sa 7 eleven." Tatambay na lang muna ako doon. Para hindi ko naman na mafeel yung tinatawag nilang Rejection.

 “7:00 pm pa lang naman gusto mo. Samahan kita?"

"Naku! Wag na Friend. Maabala pa kita Friend. Ayos lang Friend." Tumingin ako sa labas. Para maiwasan siya. Gusto ko talagang ipag diinan yung Friend na yan. Shet! Ayoko nga umiyak

 "Galit ka ba sa akin?"

 "Hindi. Bakit  naman ako magagalita sayo? May ginawa ka ba? Wala naman." Winasak mo lang naman ang puso ko.

 

"Gusto mo bang sa Park na lang tayo?"

"Ayoko sa 7 Eleven na lang pwede ba?" Naku! Hindi lang ako badtrip sa lalaking to!


"Sorry Miss. Pero ako ang Driver kaya akong masusunod." Sinamaan ko sia ng tingin. Bahala siya.

Light my fireWhere stories live. Discover now