~Malandi~

19.6K 113 3
                                    

Harvey’s POV

 

“Ahhhh! Bwisit! Bwisit talaga” sa inis ko binabato ko lahat ng gamit na makita ko dito sa kwarto ko.

“Sir! Bakit------“

 

“LEAVE ME ALONE! FUCK!”  Sabi ko at umalis naman agad yung caretaker ng condo ko

Ano bang dapat kong gawin ? pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip sana pala hindi ko na lang pinuntahan si Michelle. At hindi ko iniwan si Aliyah na may sakit. Hindi ko nga alam kung okay siya.

FLASHBACK.......@ THE BAR

 

“Harvey! Salamat at dumating ka” sabi ni Michelle at niyakap ako ng mahigpit

“Bitiwan mo nga ako. Ano ba yung sasabihin mo?” umupo ako sa may stool at sumunod sya sa akin.

“Let’s have a drink first!” at kinuhanan nya ako ng beer.

“No! Ayoko nyan” baka mamaya nilagyan pa nya ng kung anong pampatulog yan. Mahirap na Tsk.

Nakita kong dumilim ang mukha nya nasa loob talaga ang kulo ng babaeng to! at huminga naman ako ng malalim.

“Simulan mo nang magsalita dahil marami pa akong gagawin” sabi ko

“Simulan mo na ring Hiwalayan si  Aliyah!” yun na naman!

“Ilang beses  ko bang sasabihin sayo na hindi ko sya iiwan. Nagsayang pala ako ng oras na magpunta dito” at ibinagsak ko sa harap nya ang baso ng wine ko at tumayo na.

“Alam mo bang malapit ng malugi ang kompanya nila Aliyah?” nilingon ko sya.

“O! Ano naman? Anong connect?”

 

“Harvey ang kompanya ng papa ko ang nilapitan nila para humingi ng tulong” di ako nagsalita hinayaan ko lang sya.

“Kung hihiwalayan  mo sya sasabihin ko sa papa ko na tulungan sila!”

 

 “Eh! Paano kung hindi ko hiwalayan si Aliyah?” sabi ko sa kanya 

At tumawa sya  na parang baliw at tinungga ang inumin nya.

“Well! Alam mo kahit hindi mo hiwalayan si Aliyah! Magkakahiwalay pa rin naman kayo” lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mahigipit ang magkabilang balikat nya.

“Anong ibig mong sabihin? Diretsyuhin mo nga ako. Ang dami mo pang sinasabi.”  Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya.

Light my fireWhere stories live. Discover now