~Don't leave me~ part two ^_^

Bắt đầu từ đầu
                                        

“Aldrin? Bakit nandito ka?” lumapit sa amin si Mommy .

“Anak gusto kasi nyang magkasabay kayong pumasok” napatingin ako kay Aldrin. Nawalan na tuloy ako ng gana.

“Hindi na kailangan kaya ko namang pumasok mag-isa”  tapos tumayo na ako at kinuha yung bag ko.

“Sige na! Kahit ngayon lang.” Sabi ni Aldrin. Hayy! Ano pang magagawa ko?. Humalik ako sa pisngi ni Mommy pagkatapos naglakad na ako palabas ng bahay.

Bakit di pa sya sumunod sa akin? Lumingon ko sa kanya.

“Bakit nakaupo ka lang dyan? Akala ko ba sabay tayo?” nakita kong ngumiti sya ng malapad. Adik ata! To ee! Kainis.

“Andyan! na po Boss”

 

 

 

Habang nasa sasakyan kami hindi ko sya pinapansin.  Hindi ko pa kasi malimutan yung nasa tabing dagat kami .ah! Basta galit ako sa kanya.

*sighed* namimis ko na si Harvey! :( . Bakit kaya ganun na lang sya magpaalam sa akin kagabi? Tapos parang uimiiyak sya nung pinaandar nya yung kotse nya.

“Ok! Ka lang ?” hindi nga ee! Nagtanong ka pa!

“O-ok lang naman namimis ko lang si Harvey” sabi ko at nakita kong lumungkot sya. Hindi na lang ako nagsalita.

“Aliyah? Hindi na ba natin mababalik yung dati? Yung ako ang mahal mo.” Napatitig ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa daan.

“Matagal ng tapos yun. Isa pa marami ng nagbago” umayos ako ng upo. Buti na lang malapit na kami sa school.

Light my fireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ