Hindi Sapat

160 0 0
                                    

Hindi Sapat

Sa pagdaan ng araw

Maraming salitang ibinibitaw

Sapagkat, hindi ko alam kung ano ako sa'yo

Kaya patuloy lang akong sumasamo

 

Mahirap basahin ang iniisip mo

Lalo na't hindi ako ang laman nito

Mahirap ibaling sa iba ang aking pagsinta

Kung ikaw ay laging nandyan at nag-iisa

 

Masaya sana kung parehas tayo ng nararamdaman

Yun nga lang, at mali ang ating nalalaman

Tinatanggap ko naman na 'yon ang katotohanan

Pagka't sa'yo, ako'y nasasaktan

 

Gusto ko sanang sabihin sa'yong, "Salamat"

Pero sa kabila nito, ay ang salitang, "Paalam".

Ayoko sanang malaman mo na nagsisinungaling ako

Dahil hindi sapat na mahalin ka, dahil mali talaga ang mga ginawa ko para sa'yo.

Believe, Guilt, Change...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon