Kabanata 2 (1/3/15)

15.1K 264 1
                                    

Kabanata 2: The Past

Naitulak ko ng bahagya ang dibdib niya, ngunit naging dahilan lamang iyon upang bumangot ang kakaibang kilabot sa katawan ko.

"Si-sir" kandautal-utal kong sabi. Nahimasmasan marahil ito kaya tuluyan ng inilayo ang katawan niya sa pagkakadikit sa katawan ko. Ngunit huli na para takpan po ang kahubaran ko dahil nakita ko kung paano niya pagmasdan ang basa kong kamison kung saan aninag na aninag ang buo kong katawan,

Dali- dali akong tumaikod at agad na isinuot ang damit ko sa hindi kalayuan. Ilang sandali pa ay muli ko siyang hinarap na ngayon ay nakahilig ang katawan sa puno. Gumawi ang tingin niya sa akin. Ngunit gaya ng dati ay walang ka-emoemosyon ang mukha nito. Lumapit ako ng bahagya sa kanya, umalis ito sa pagkasandal at umayos ng tayo.

"Sir" mahina kong tawag sa kanya. " may kailangan pa po ba kayo?" Tanong ko.

"I'm lost"

"Pabalik na rin po ako, kung---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng nauna na itong maglakad. Napayuko na lamang ako. At sumunod sa kanya. Ilang saglit ay huminto ito sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.

" Hurry up, and lead the way" malamig na utos nito. Humabol naman ako sa kanya at nauna na sa paglalakad. Hindi ako komprontable sa sitwasyon na ito. Paminsan-minsan lamang akong nakakalapit sa kanya. At walang magandang nangyari sa mga sitwasyon na iyon. Laging tanga ang aking kinalalabasan sa tuwing magkikita kami. Tulad ngayon-!

"Malapit na po tayo sir" hinawi ko ang ilang sangay ng mga puno at halaman. Napangiwi ako sa sakit ng may biglang mahapdi akong naramdaman sa aking braso. Marahil hindi ko namalayan na may nakausling matulis na sanga kaya gumihit ito sa aking balat.

Nakita ko agad ang masyon. Tumigil ako sa paglalakad. At tumitig sa aking braso na may bahid ng kaunting dugo. Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng biglang may kamay na humawak sa braso ko at nilagay ang isang puting panyo upang marahil pigilin ang pagdurogo nito. Hindi na ako nakaimik pa at pinagmasdan na lamang siya sa kanyang ginagawa.

"That will not prevent the spread of infection" sabi nito at humakbang na papalayo sa akin. Tinitigan ko lamang siya habang papalayo. At muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan.

Flashback...

Nanghihina ako ng makalabas ako sa masukal na lugar. Halos wala akong lakas upang makatayo at maglakad pa. Umiikot na rin ang paningin ko kaya hindi ko na gaanong nakikita ang aking dinaraan. Hinang-hina ang katawan at sapalagay ko ay bibigay rin ako. Naglalagad ako sa gitna ng kalsada ng biglang makarinig ako ng busina ng sasakyan at kasabay noon ay ang pagbuwal ko sa lupa.

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa. Ramdam na ramdam ko rin ang matitipunong braso na hawak-hawak ang nanghihina kong katawan.

"Ano pang hinihintay mo, Andrew. Dalhin na natin sa hospital ito." Rinig kong sabi nito.

"Seriously, Yalaine! Araw ng kasal mo ngayon" boses ng isang lalake ang sumagot.

"Basta, kawawa naman ang babaeng ito. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak siya. Andrew! Ano pa bang hinihintay mo, paandarin muna." Ngunit sa bawat andar naman nito ay namamatay din ang makina.

"What h-appen?"

"We are out of gas"

Ilang sandali pa ay isang boses ulit ang narinig ko. "What happen?" Tanong nito. Boses lalake ito ngunit nakakasiguro ako na iba ang lalakeng ito sa kanina.

"may nakita kasi kaming babae na nakahandusay sa kalsada dadalhin sana naming sa malapit ng hospital ang kaso we are out of gas"

"Thank goodness, Akala ko ay wala nang tutulong pa sa amin. Buti na lamang at dumating ka." Usal ulit ng babae

"Marcus, is so worried about you. Nag tatantrums na nga doon ang groom mo, I never thought na ganito ang aabutan ko, anyway you can use my car at ako na ang bahala sa babaeng ito, baka kasi tuluyan ng magwala ang groom mo at mawasak ang buong simbahan" narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng sasakyan.

Bago ako mawalan ng ulirat ay rinig na rinig ko ang pagsigaw ng babae. "Harold, take care of the woman!"

Napabalikwas ako ng bangon ng muli ko na naman maalala ang tagpo na iyon. Kung bahagi man iyon ng nakaraan ko ay hindi ko alam. Halos ilang taon ko ng napapaniginipan iyon ay ganoon na ganoon pa rin.Akma akong tatayo ng higaan ng biglang sumidhi ang kirot sa aking tagiliran. Nakabalot ng benda ang aking katawan habang sugatan at puno ng galos ang aking mga braso at binti.

Pilit kong inaalala ang lahat ngunit wala akong maalala kahit ano. Mariin kong pinikit ang mga mata ko nagbabasakaling may maalala ako. Ngunit sumakit lamang ang aking sintido kaya muli akong nahiga.

Wala akong maalala maliban na lamang ng muntikan akong masagasaan kanikanina lamang. Inilibot ko ang panigin ko sa buong silid. May hinala ako na nasa hospital ako ngayon. Mahihinang katok ang narinig ko at kasabay noon ay ang paglumawa ng pigura ng isang lalake.

Seryosong-seryoso ang mukha nito. Ngunit hindi nabawasan ang taglay nitong kagwapuhan. Bagay na bagay din sa kanya ang suot nitong american suit.

"Your okay?" Malamig na tanong niya sa akin. Halata naman na wala itong pakealam sa kalagayan ko. Tumango na lamang ako.tumitig siya sa akin. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ng nito.

"Your eyes?" Makahulugan tanong niya.

"What about my eyes?" Ganting tanong ko. Ngunit imbis na sagutin ako ay umiling-iling lamang ito. Nagkibit balikat na lamang ako.

"Anyway, I'm Harold, dinala kita dito ng mawalan ka ng malay sa kalsada. Mutikan ka na kasing masagasaan but im pretty sure na hindi ka tinamaan." Napadako ang tingin nito sa mga sugat ko sa katawan.

" Whats your name.?" Tanong niya bigla.

Napakunot ang kilay ko sa tanong niya. Agad ko naman siyang sinagot na naging dahilan ng pagtataka niya.

"I.... I don't .... Know"

The Bride's Man Series: Now that I've Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon