Kabanata 17(3/14/15)

9.1K 194 1
                                    

Nakahalukuipkip akong nakaupo habang hinihintayin ang ano mang sasabihin ni harold. Nakaharap ito sa bintana habang nakapamulsa ang isang kamay. Nangangatog ang tuhod ko dahil alam kong sa oras na ito ay galit na galit si harold sa akin. He kept on cursing. Mahina lamang pero rinig na rinig ko.

Humarap ito sa akin na walang emosyon ang mukha.

"Harold?"

"Paggising ko wala ka. I look for you. Hinanap kita kung saan. I even called nanang and tatang. Nagbabakasakali akong pumunta ka roon. But you where not there. Halos mabaliw ako. Akala ko kung napano kana. You dont know anything about manila. Hindi lahat mapagkakatiwalaan mo. Ang i know how much fragile you are-ang dami kong iniisip, baka....dammit pero ano, kasama mo lang pala ang eneru na iyon. Putangina lang!!!"

"Sa buong araw, ang hinayupak na tangnang hayop na yun ba ang kasama mo?" Grabe naman kung makapagmura nitong si harold. Sa mga salitang lumalabas sa bibig nito ay palagay kong galit na galit ito.

Umiling ako. Nais ko sanang magsalita ngunit pinangunahan ako ng kaba. "Dammit! Kung ganoon bakit mo siya kasama at bakit ka niya niyakap"frustrated na sigaw nito sa akin.

"Harold?" Hinawakan niya ang balikat niya. At tumingin sa akin.

"Wala kabang ibang sasabihin kundi ang pagtawag sa panganlan ko." Kita ko sa mga mata niyo ang galit ngunit mas nangingibabaw ang pagpipigil niya. Lumamlam ang mga mata saka niluwagan ang pagkakahawak sa magkabila kong balikat.

"Please, tell me. Parang mababaliw ako ng kakaisip. Are you two dating?" Mahinang sabi nito. "Do you l-like him?" Are you.. are you not in love w-with m-me?" Hirap na tanong nito sa akin. May hinanakit sa mga mata nito.

"Im sorry.." mahina kong sabi. Tuluyan na niya akong pinakawalan at saka tumalikod.

"Maybe all my efforts are not enough. Thats why your heart cant give in. Akala ko...."

"Harold?" Tawag ko sa kanya. Maling-mali kasi ng pagkakaintindi nito. Mali at hindi tama. Akala marahil nito ay may gusto ako kay sir eneru at hindi ko siya mahal. Kung alam lang niya kung gaano ako kabaliw sa kanya, kung gaano ko siya kamahal. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mukha nito. "You got it all wrong!"

Kumunot ang noo niya. I smile bago siya kinintilan ng mabilis na halik sa labi. "Pumunta ako ng mall kanina naisip ko kasi na wala na rin stock sa bahay. Hindi na rin kita ginising dahil alam ko pagod ka. Im sorry, and then doon sa mall nakita ko si sir george at ang asawa niyong si mam jade. They invited me. Sumama naman ako."

"Why didn't you call me?" May pagtatampo sa himig nito.

"Nawala sa isip ko" pag-aamin ko sa kanya. Masyado akong nasiyahan sa presensya nina tita jade kaya hindi ko na marahil naisip pa ang tungkol kay harold. Napakagat ako ng labi ng makita ko ang hinanakit sa mga mata nito.

"You forgot me?" Tanong nito. Marahan akong tumango. "Damn, thats unfair!!!" Sigaw na sa akin na kinabigla ko. "Sa buong araw walang laman ang isip ko kundi ikaw. It's always you. Walang iba. Tangna" Itinulak niya ako palayo sa kanya.

"Im sorry, harold. Maybe my mind forget you for awhile. Pero ito" turo ko sa parteng dibdib ko. "Kahit kailan hindi ka kayang kalimutan."

"So your telling me now that you love me huh?"

"Yes!! I love you, mahal kita." Pag-aamin ko rito.

Kita ko ang kabiglaan sa mukha niya. Halatang hindi ito makapaniwala sa pag-amin ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at muling hinawakan ang mukha niya "i love you the moment i laid my eyes on you. Marahil noon ay paghanga at respeto ang meron ako sayo. I adore you for saving my life but my feelings for you change, it is beyond respect and adoration. Because now wala akong ibang nararamdaman para syo kundi pagmamahal. I love you as a man. Mahal kita."

The Bride's Man Series: Now that I've Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon