Kabanata 14 (3/8/15)

9.3K 197 2
                                    

Sa buong conference meeting ay wala akong naramdaman kundi kaba. Nanlalambot ang tuhod ko bagamat wala man akong ginawa kundi makinig, maupo at mag take down notes para kay sir eneru. Sino ba naman ang hindi, kung nakatitig sayo ang isang Harold Reyala.

Umiwas na lamang ako ng tingin ngunit may pagkakataon na nahuhuli ko ang sarili ko na nakikipagtitigan sa kanya. His presence make me nervous lalo na at may dahilan ako para kabahan. Nakita nito ang paghawak sa akin ni sir eneru sa bewang.

"You just made me jealous"

Palihim akong napangiti ng maalala ang sinabi nito. Magseselos pala siya. I love the thought of him jealous because of another man. Pero ayoko naman ng ganito na nagtatampo siya.

Once again i looked on him. Muling bumalik sa isipan ko ang pagtatagpo naming dalawa. Almost three years ago ngunit sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari, how come i ended up like this.? Paano ako naging ganito kalapit sa lalakeng tinitingala ko lang dati? Kung iisipin kasi ay masyadong mabilis ang pangyayari. Paano ako minahal ng tulad ni harold. He is the man of every woman's dreams. Samantalang ako ay isang babae na walang alam sa nakaraan nito.

Tama! Ang nakaraan ko, hindi ko pa muling natatanong ito kay harold, wala din itong nababanggit tungkol sa akin. Wala pa rin akong maalala. Bagamat nahhilom na ang mag sugat katawan ko ay hindi pa rin bumabalik ang alalala ko sa tatlong taon na pananatili ko kay harold.

Sino nga ba ako? Sino nga ba?

"Olive" napapitlag ako ng may tumawag sa akin, nakita ko si rose na nakanuot ang noo habang nakatingin sa gawi ko. "Anong nangyari sayo kanina pa tapos. Ikaw naman tulala ka" nagpalinga-linga ako and true to her words. Iilan na lamang ang mga tao. "Napano kaba girl?"

"Nasaan si sir eneru?" Tanong ko sa kanya. Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. Hindi ko namalayan na tapos na pala.

"Gravity! Hindi mo man lang sinagot ang questioning ko." She flip her hair bago namaywang sa akin "si sir eneru ay kanina pa lumabas. Kasama nito si sir geoge. Nauna na sila sa labas. Sumunod na lamang daw tayo" tumango ako sa kanya. I packed may things at lumabas na.

"Waley ako naintindihan sa pinag-uusapan nila. Sulat na lang ako ng sulat dahil iyon ang utos ni sir george sa akin. Nasira ng slight ang beauty ko." Nakikinig lamang ako sa kanya habang salita ng salita si rose.

"Ayun pala sina sir."turo nito kina sir eneru at sir george. Akma akong lalapit sa kanila ng may pumigil sa braso ko. Tumingin ako rito. Ang seryosong mukha ni harold ang nakita ko.

"Come with me!" Matigas na sabi nito.

"Ay gwapings.. sir wag nyo pong i harass si olive. Ako na lamang po." Sabi ni rose. Tiningnan ko siya ng masama. " Biro lang. Di kana mabiro. Sige gogora na me" sabi niya at lumakad papalapit kina sir george. Inalis ko ang pagkakahawak nito sa braso ko ngunit hinawakan niya ang bewang ko at inilapit ang katawan ko sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Kumusta po tito" bati ni harold kay sir george.

"I'm fine. Perfectly fine, mabuti naman at nagkita kayo ni olive." Kumento nito, i smile and tumingin sa gawi ni sir eneru. Nakatingi ito sa akin. Bumaba ang tingin nito sa bewang ko kung saan mahigpit na niyayakap ni harold.

"Ako na lamang ang maghahatid kay olive. Tutal naman ay uuwi na rin ako, kung hindi nyo na naitatanong, we live together" tiningnan ko siya ng masama. Kailangan pa ba niya ipagsabi na magkasama kami sa tinutuluyan nito.

"I see, Martin are you okay with that?" Tanong ni sir george kay sir eneru. Hindi ito nagsalita. Nakatingin lamang ito sa akin. Kita ko ang pagtiimbagang nito. "Martin?" Muling tawag nito kay sir.

The Bride's Man Series: Now that I've Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon