Nakakahiya ang inaasal ko. Para akong batang inagawan ng kendi. Samantalang ang anak ko ay tahimik at kalmado. Like a grown up man.

Kinapa ko ang bulsa upang kunin sana ang cellphone para tumawag ng pulis. Ngunit napapikit at napasandal na lang ako dahil sa labis na inis nang maalalang iniwan ko iyon sa lamesa sa kusina. Wala na. Durog na 'yon. Kapag minamalas ka nga naman at dinapuan ng katangahan. Parang wala na akong magagawa pa kundi ang maging sunod-sunuran na namang muli kay Zykiel.

Seems so familiar huh?

Ang bilis ng pagpapatakbo ni Zykiel at walang kahit na sino sa aming tatlo ang umimik. Kanina nabingi ako sa pagsabog pero ngayon naman ay nabibingi ako sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.  Ngunit mas lalo akong nagpuyos sa inis nang pa-zigzag zigzag ang sasakyan namin habang pilit umiiwas at nag-oovertake sa iba pang mga sasakyan dahil hinahabol kami ng dalawang taong balot na balot ang katawan at mukha. Nakasakay sila pareho sa kani-kanilang mga motorsiklo.

Hindi pa ba tapos ang mga nakakagimbal na pangyayaring ito? Well, obviously. Maliban sa pagwasak ng bahay ko ay may gusto namang pumatay sa amin ngayon.

Naabutan kami ng isa at pilit binabangga ang side ni Zykiel.

"Hold on tight" sabi niya at biglang kinabig ang manibela.

Tumilapon ako sa kanang bahagi na dahilan para bumangga ang katawan ko sa pinto ng  kotse.  Buti na lang naka-seatbelt ako. Kung hindi nabagok na ang ulo ko sa bintana. Napasigaw naman ako nang dire-diretso ang kotse namin. Inaakala ko kasing mahuhulog kami sa tulay. Buti na lang kontrolado ni Zykiel ang lahat at hindi iyon nangyari.

Bakit ba kasi ang haba ng tulay na 'to?! Kanina pa namin 'to binabagtas pero hindi pa rin kami nakakaabot sa dulo. Naabutan na tuloy kami!

"Fuck" he cussed.

Naabutan na rin kasi kami ng isa pa at binangga ang likurang bahagi ng kotse. Gusto ko mang sitahin siya dahil sa pagmumura niya at naririnig ni Aki ay wala na akong oras para diyan. Mas mahalaga ang buhay namin sa ngayon.

Bahagyang humina sa pagtakbo ang isang motorsiklo na siyang unang nakahabol sa amin at sinabayan ang kasama niya sa likod.  Samantalang patuloy pa rin sa pagharurot ang kotse namin. Sampung metro na ang layo nila sa amin nang bigla silang humarurot ulit ng dire-diretso saka sabay na binangga ang likurang bahagi kaya napahiyaw ako. Malakas ang impak nun. Muntikan pa akong mapasubsob sa dashboard buti na lang talaga naka-seatbelt ako.

That's why never forget to wear your seatbelt. Kahit helmet kung babyahe kayo sakay ng motor. Hindi niyo alam kung ano ang mga maaaring mangyari kapag nagkataon. Hindi mo hawak ang oras. Hindi mo hawak ang tadhana. Mas lalo namang hindi mo hawak ang buhay mo. Laging tatandaang nasa huli ang pagsisisi.

Kung malalim ang sugat, huli mo nang mararamdaman ang sakit.

Hindi pa ako nakakarecover sa nangyari nang muli na namang binangga ng isa sa kanilang dalawa ang side ko. Nasa magkabilaang side na sila ngayon at magkasabay na binabangga ang kotse. Hindi ko namalayang kanina pa pala kami nakalampas sa tulay at ngayon ay isang mapunong bahagi na ang dinadaanan. Napasigaw ako nang bigla kaming pinaulanan ng bala.

"Shit" he cussed again. Yes, he doesn't talk but when he open his mouth all you could hear is his swears.

Kinakabig ni Zykiel ang manibela at pilit na iniiwasan ang mga bala pero hindi iyon sapat dahil may tumatama pa rin sa amin. Doon ko rin napagtanto na bulletproof ang kotse dahil kung hindi ay kanina pa basag ang salamin at tinamaan na kaming tatlo dahil sa dami ng balang pinapaulan sa amin. Lalo na siguro si Aki dahil napapansin kong parang ang side niya ang pinupuntirya at mas malakas ang impak ng pagbangga doon sa side niya. Malakas din ang pagbangga sa side ni Zykiel pero halata talagang si Aki ang mas pinupuntirya. 

Hiding The Mafia's SonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu