Chapter 044

17.9K 332 14
                                    

Misty's POV

"Umuwi ka na sa inyo" asik saken ni Cherry. Umiling ako sabay sandal sa sofa nya. Ayokong umuwi! Dahil tinatamad ako. Walang tinapay at ketchup doon.

"Ano bang ikinagagalit mo kay Travis? E weird naman kasi talaga ang hinihiling mo" inilapag nya ang tinapay na may ketchup na palaman. Naglaway naman ako sabay kuha nito. Ang sarap talaga!

"Ayoko nga e. Madamot yun" reklamo ko habang nginunguya ang kinakain ko. Napangiwi naman si Cherry sabay inom ng juice.

"Nasusuka ako Misty. Masarap ba talaga?" Nandidiring tanong nya. Tumango ako with matching ngiti.

"Naku. Ayoko na" tumayo sya sabay pasok sa kusina. Nagkbit balikat nalang ako at tinuloy ang kinakain.

May narinig akong nag-ring na agad na sinagot ni Cherry.

"Hello?... oo andito,sunduin mo kaya ano?! ... oo na--sige sige" lumapit si Cherry at inilapag sa harap ang phone nya.

[Hi anak! Si Daddy to,kamusta? Okay ka lang? Aww]

Napaigting ang bagang ko dahil anak nya lang ang kinamusta nya. Aba gago ka Travis!

"WAG KA NANG TUMAWAG!" sigaw ko na ikinatawa nya. Ihahagis ko sana yung phone nung pinigilan ako ni Cherry.

"Wag mong sirain gamit ko. Makikibista ka na nga lang e" inirapan nya'ko sabay inom juice.

[Di pa kasi ako tapos Mommy ko. Kamusta ka? Okay ka lang ba nang baby natin?]

Nanlambot naman ang ekspresyon ko sabay punas luha. Nitong nakaraang buwan,naging emosyonal na'ko. Para akong may mood swings. Minsan naaawa ako kay Travis dahil sa mga ginagawa ko sa kanya.

Minsan nga pinapasuot ko sya ng pambabae na ikinakahiya nya. E bakit ba,yun ang gusto ko e.

"Tse! Manahimik ka,siguro kayo na nang secretary mo ano? Mas sexy ba saken ha?! Ano sagot!" Natatawa nalang si Cherry sa mga pinagga-gawa naming dalawa. Minsan naaabutan nila si Travis na nakasandal sa labas ng bahay. Dun ko sya pinapatulog e.

[Anong sexy? E mas sexy ka nga doon e]

Pambobola nya na may kasamang tawa. Alam kong nagsisinungaling sya. Kabuwanan ko na din kasi kaya lumalaki na talaga ako.

"Sexy daw! Utot mo!" Bulyaw ko. Tumawa na naman sya at nanahimik dahil may pumasok yata.

[Mommy,ibaba ko na. May meeting pa'ko. Ingat kayo,I love you]

Sasagot sana ako nung bigla nyang binaba ang phone. Napapangiti nalang ako dahil napaka-sweet nya kahit na inaaway ko sya.

"Oy! Vibrate pwet ka na naman" inirapan ko nalang si Cherry sabay kain.

---

Naisipan kong maglakad-lakad muna. Hinahawakan ko ang tiyan ko dahil sa bigat.

"Gutom ka ulit baby? Mamaya nalang ulit tayo kumain pagdating nu Daddy ha. Para may tagaluto tayo" napapangiti nalang ako dahil para akong baliw na kumakausap sa hangin.

"Misty?" Unti-unti kong hinarap ang tumawag saken. I saw Pen staring at me at di ko alam kung ano tong mararamdaman ko.

"P--pen?" Nanatili lang syang nakatitig saken. Biglang na namang nag-init ang dugo ko nung naalala ko ang litrato nila noon.

"A--anong kailangan mo?" Di ko na sya hinintay na sumagot at nauna na sa paglalakad.

"Wait" naramdaman ko ang pahigpit ng hawak nya sa braso ko. Tinignan ko sya at agadna iwinaksi iyon.

Seducing My Gay Husband (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora