Chapter 036

15K 328 28
                                    

Eto yung dahilan ng paglayas ni Misty.

Misty's POV

"Lakad!" Singhal saken nang isang lalaki. Napalunok ako at unti-unting hinakbang ang paa ko. Naiiyak na'ko dahil sa mga naiisip ko.

"Aba't walang hiya! Sinasadya mo ba?" Sigaw nya ulit sabay tulak saken. Napangiwi ako at binilisan ang lakad ko.

"Tangina! Bagalan mo naman hayup!" Napatigil ako at hinarap sya kahit na may piring ang mata ko..

"Mas hayup ka kuya! Sabi mo bilisan ko tapos ngayon na binibilisan ko sasabihin mo na bagalan ko. Nagfa-function ba utak mo?" Singhal ko pabalik. Oh great Misty,nakidnapp ka na tapos nambabara ka pa?

"Aba't--" magsasalita pa sana sya nung may pumutol sa kanya.

"Stop!" Sabi nung lalaki. Pakiramdam ko nasa 18 ang edad neto.

"B--boss" nauutal na sabi nung lalaki kanina. Natigilan ako nung may humawak sa magkabilaang braso ko.

"H--hoy! Bitawan nyo'ko! Mga gago! Freak!" Nagsisisigaw ako dun habang nagpupumiglas. Lalo nilang hinigpitan ang hawak saken dahilan para mapaungol ako.

"Upo" kalmado pero napipikon na utos nung lalaki. Unti-unti akong umupo at pasikretong nagdasal.

Lord,patnubayan nyo si Travis..

"Welcome" natigilan na naman ako nung narinig ko ang pamilyar na boses. Unti-unting bumalik saken ang alaala na ayaw ko nang balikan.

"Kamusta Misty?" Alam kong nakangiti sya. Ramdam ko yun... a--anong ginagawa nya?

"Matagal na kitang gustong makasama Misty. Ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon" litanya nya. Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko at sya namang iwas ko.

"Di mo man lang ba'ko kakamustahin huh? Di mo ba'ko namiss?" Nilayo ko lalo ang sarili ko. Gusto ko syang itulak kaso yung kamay ko nakatali.

"D--di kita kilala" bulong ko habang inilalayo ang ulo ko. Natigilan sya sa paghaplos sabay--

*pak*

Sinampal nya'ko. Pinilit kong tatagan ang sarili ko. Ayokong nakikita nya'kong umiiyak..

"Ganyan ka ba pinalaki Misty? Wala ka na nga talagang galang" napapitlag ako nung hawakan nya ang buhol ng tali sa nakapiring sa mata ko.

Tinanggal nya iyon. Napaigting ako ng bagang sabay sama ng tingin sa kanya.

"Kamusta. Misty anak?"

Di ko sya pinansin at hinayaan lang sya. Di ko sya tatay,di ko sya kilala..

"Di mo man lang ba'ko yayakapin anak? Namiss kita" parang demonyo na sabi nya. Nginisian ko sya sabay irap.

"Namiss? Well,fck you" malutong na bulalas ko. Sasampalin nya sana ulit ako nung may pumigil sa kanya.

"Itigil mo" ma-awtoridad na sabi nya. Pinasadahan ko ng tingin ang pumigil sa kanya. Nanlaki ang mata ko nung--

"K--king?" Humarap saken si King na wala ni isang emosyon. Sya yung lalaki na pinagtanungan ko noon nung hindi ko mahanap si Travis.

"Kamusta.. ate" natigilan ako at di nakapag-salita. Ngumiti si King ng mapait sabay tingin kay-- ayokong sabihin,nandidiri ako..

"Aalis muna ako." Paalam nya sabay tingin saken. Tinanguan nya'ko na ikinataka ko.

"Akong bahala" he mouthed sabay lakad paalis. Di ko makuha. M--may kapatid ako? Pero pano?

"Ampon ko sya Misty.."sabi nya habang nakatanaw kay King.

"Huh?" bulong ko. Di ko namalayan na may luha na palang pumapatak sa mata ko. Nagawa nya pang mag-ampon? Ni ako nga di nya nagawang alagaan.

"Alam kong masama ang tingin mo saken Misty. Pero nagkakamali ka. Ako ang bikitima dito!" Ma-awtoridad na sigaw nya. Pumikit ako at nagsalita.

"A-anong ibig mong sabihin?" Ngumisi muna sya bago sumagot.

"Noong dumating kayo sa mundo,sobrang saya ko. Syempre,sino bang ama ang hindi sasaya kapag nagkaanak ka at kambal pa?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. M--may kambal ako?

"Nag-iba lang ang masayang pagsasama natin dahil sa magulang ng nanay mo. Pinaghiwalay nya kami. Di ako pinaglaban ng nanay mo na ikinasama ng loob ko. Pinalayas ako ng Lolo nyo nung araw na umalis ako. Gusto ko kayong yakapin bago man lang umalis. Di mo ba natatandaan? May kambal ka hindi ba? Sya dapat si Misty hindi ikaw.. umalis ako at di ko namalayan na sinundan ako ng kambal mo. And then-- shit!" He cursed sabay hagis sa bote. Nagulat ako sa ginawa nya at agad  din iyong binawi.

Tinignan ko lang sya at hinintay ang iba pa nyang sasabihin. May kambal ako? Sabagay,pano ko matatandaan? naaksidente at Nagka-amnesia ako nung bata pa'ko. Sabi ng doktor,pili lang ang nakalimutan ko. Sabi din nya,yung mga taong di ko madalas iniisip,yun ang nakakalimutan ko. Hindi narin siguro pinaalala saken ni Mama ang lahat dahil narin siguro sa takot. Ang saklap naman ng buhay ko,nagkasakit na nga sa puso,nagka-amnesia pa.

"Inalala ko ang pagmumukha nya. Nangako ako na ipaghihinganti ko ang ang kambal mo. Di ko nagawa yung pangakong yun dahil umalis sila ng bansa. Siguro para tumakas sa nagawa ni Stephanie." Nanlaki agad ang mata ko nung narinig ko ang pangalan ni Tita.

"Stephanie?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo.  Ang  nanay ni Travis Dane ang dahilan kung bakit namatay ang kambal mo"

Ininom ang ang wine na hawak nya. Pumikit ako at pilit na pinasok sa utak ko ang sinasabi nya. Si Tita Steph ang dahilan nang pagkamatay ng kambal ko?

"Kaya ngayon. Buhay din ng anak nya ang kapalit Misty" napadilat ako sabay tingin sa kanya. Kumuha sya ng baril at kinasa iyon.

"WAG!" Natigil sya sabay tingin saken. Binaba nya ang baril at gulat na tinignan ako.

"Di mo ba naiintindihan? Pinatay nya ang kambal mo. Kaya dapat buhay din ng anak nya ang kapalit!" Singhal nya. Umiling ako at yumuko.

"Wag please.. maghiganti ka nalang sa ibang paraan wag ang pagkuha ng buhay ng iba" natigilan sya at nilapitan ako.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong nya. Tinignan ko sya mata sa mata at binigyan ng 'nagmamakaawang tingin'

"G--gagawin ko lahat wag mo lang patayin si Travis" napiyok ako sa huli kong sinabi. Mas mabuti narin to kesa naman sa mamatay sya.

Di sya nakapagsalita at lumayo saken. Nagpaikot ikot sya sa harap ko sabay sabunot sa sarili.

Natigilan sya bigla sabay ngisi.

"Gagawin mo lahat?" Naniniguradong sabi nya. Tumango tango ako.

"Layuan mo sya.. di sya ang nararapat sa'yo.." nanahimik ako sabay yuko. Kinuyom ko ang palad ko at unti-unting hinarap sya. Mas mabuti narin yun kesa naman ang mamatay sya.

"M--masusunod" hirap man,pinilit ko paring sabihin yun. Isang ngisi ang pinakawalan nya bago tumalikod.

"Kunin mo na lahat ng gamit mo. Lumayo ka na" yun lang ang sinabi nya bago tuluyang lumisan.

xoxoxoxo

Hi ^^

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang