Chapter 020

21.4K 523 37
                                    

Misty's POV

kasalukuyan akong nakatitig aa dalawa na naglalampungan sa sofa,hala sige landi lang. Wala kasi dito yung asawa.

napaismid ako at padabog na tumayo para sana kumuha ng pagkain sa kanila,nakakahiya e. Napasulyap ako kay Travis at nahuli ko ang pagsulyap nya saken pero agad nya rin na binawi,pamartsa akong naglakad papalapit sa kanila at sinadyan ko talagang bungguin ang hita ni Pen.

Akala mo kung sinong anghel ahas din pala!

tinignan nya'ko sabay irap at angkla na naman sa braso ng asawa ko,umupo ako sa tapat nila at hinayaan nalang.

"kamusta?" tanong nya sabay tingin kay Travis,tinignan ako ni Travis sabay lunok,nagdadalawang isip kung sasagutin nya ba o hindi,bago nya pa ibuka ang bibig nya inunahan ko na.

"okay naman.. nung wala ka" inismiran ko sya at di na hinintay ang sasabihin nya.

"di kita tinatanong" mataray na sabi nya na nagpalingon saken.

"O--Okay naman kami Sissy" nauutal na sagot ni bakla sabay ngiti sa kanya.

"psh Sissy? SissyG,tama sisig pfft" tumawa ako dahil sa naiisip ko,para kasing crispy pata yung legs nya,ang sarap ichop chop at gawing sisig.

"atleast sizzling hot" aba't bumanat pa? ngumisi ako at napacross legs.

"mali! Pata! para kasing pata yang legs mo" pinasadahan ko ng tingin ang legs nya kaya mukhang nainsulto sya,napaigting ang panga nya sabay tayo kaya napatayo rin ako.

"pwede ba manahimik ka?!" bulyaw nya saken,nagpamewang ako at tinaasan sya ng kilay.

"at pwede ba.. manahimik ka din,nandito ang asawa oh,mahiya ka naman" bulyaw ko pabalik na nagpangisi sa kanya ng malapad.

"Asawa? bakit mahal ka ba?" at yun ang nagpatigil saken at nagpaatras,umiwas ako ng tingin sabay kagat labi.. shit.

"look,di ka makasagot kasi hindi ka mahal,kaya manahimik ka na" sinulyapan ko si Travis at nakita ko ang gulat sa mata nya,naaawa sya saken ramdam ko..

ano Travis? tumayo ka dyan,ipagtanggol mo'ko..

naghintay ako ng ilang minuto pero di sya tumayo,napapikit ako at tumungo sa kwarto para magbihis.. gusto kong mapag-isa muna.

nagsuot ako ng pants at sweat shirt at saka converse,tinali ko ang buhok ko at huminga ng malalim bago lumabas,nagmadali ako sa paglalakad at di na sila sinulyapan.

"M--Misty san ka pupunta?" tanong nya pero di ko sya pinansin,tumakbo ako papasok ng elevator at pinindot ang pinakababa.

pagkalabas ko,tumungo agad ako sa Park. Gabi na pero nasa labas ako mag-isa? aba ayos.

napaupo ako sa bench at nilasap ang hangin,napapikit ako habang dinadama yun..

ang sakit... sobrang sakit isipin ang katotohanan,napadilat ako at naramdaman ang tubig na tumulo mula sa mata ko,ngayon nalang ulit ako umiyak..

"gabi na ha,bakit ka umiiyak?" nagulat ako sa biglang nagsalita,napalinga ako at nadatnan si James na nakatayo sa gilid habang nakaabot ang panyo.

"J--James,ikaw pala" bulong ko sabay punas ng luha,napangiti sya sabay upo sa tabi ko.

"bakit ka nga umiiyak?" tanong nya,napatingin ako sa kanya sabay yuko.

"nakakaiyak kasi yung pinanuod ko kanina" palusot ko,nakagat ko ang dila ko at nagbabakasali na maniwala sya.

"sinungaling" madiin na sabi nya with matching duro pa,napasandal nalang ako at ganun din ang ginawa nya.

"inaway ka nya noh" bumuntong hininga lang ako at pinagmasdan ang stars.

"bakit kasi sa lahat ng pwede mong mahalin,sya pa" napaisip ako sa  tanong nya,bakit nga ba?

"di ko alam James.. di ko alam" mahinang sambit ko sabay hikbi,naramdaman ko ang presensya nya na yumakap saken.

"Aish! sasapakin ko talaga yun e" bulong nya kaya natawa nalang ako,kumalas ako sa yakap nya.

"nasasaktan din ako kapag nakikita kitang umiiyak Misty,sayang nga lang kasi di na'ko pwede para sa'yo" napangiti nalang ako sa sinabi nya,mas mabuti narin yun.. ayoko syang saktan.

"alam mo kasi sa isang relasyon,kailangan parehas kayong nakikinabang.." tinamaan ako sa sinabi nya,si Travis lang naman ang nakikinabang sa pagmamahal ko e.

"totoo nga yung sinabi nila,Truth really hurts" bulong ko sabay iyak,nailing nalang si James sabay hagod sa likod ko.

"mabuti pa,pag-usapan nyo yang kadramahan nyo,nababaliw na'ko sa inyo e" natawa nalang kami kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

nagkwentuhan kami at di napansin ang oras,tumingin sya sa relo nya at tumayo.

"alis na'ko Misty.. umuwi ka narin baka kung ano pang mangyari sa iyo,sige bye" kumaway sya at lumakad palayo,sinundan ko sya ng tingin sabay habol sa kanya.

"Thanks" wika ko sabay yakap sa kanya,gumanti sya sa yakap ko sabay haplos na buhok ko.

"wala yun.. kaibigan mo'ko kaya walang kaso yun.. basta kapag may problema ka nandito lang ako" tumango ako at kumalas,ngumiti ako ng matamis sabay kaway sa kanya.

Makauwi na nga lang din,baka umuwi na yung linta.

---

napalinga ako dahil sa sobrang dilim,ano na naman bang nangyayari? isinawalang bahala ko yung dilim at papasok na sana sa kwarto nung biglang bumukas ang ilaw..

"san ka galing?" seryosong tanong ni Travis sabay kuyom ng palad,natigilan at napanganga. Shit ang hot nya sa pink strawberry pajama.

"wag kang tumunganga,tinatanong kita!"

"ah..eh..uhm.. sa l--labas" ngumiti ako pero walang epekto sa kanya,napaatras ako nung umabante sya.

"sa tingin mo ba maloloko mo'ko? Alam kong nakipagkita ka kay James sa park at nakita ko pa ang pagyayakapan nyo! oh ano,may ipapalusot ka?!" sigaw nya na nagpalundag sa puso ko,jusko nakakatakot sya. Napanganga na na

"s--sorry" yun nalang ang nasabi ko sabay kagat labi,sinuklay nya yung buhok nya at bumulong.

"sabihin mo nga saken Misty,nagtataksil ka ba?!" tanong nya nagpakunot ng noo ko.

"ano?!" bulyaw ko,hinabol nya ang hininga nya,napanganga na naman ako nung napansin ko ang pagkapula nya at dahil sa pawis na umaagos pababa sa matigas nyang dibdib.

"k--kasi nagsasawa ka na! ganyan naman kayong mga babae e,lalandin ng iba kapag may pinagsawaan,ganyan ka din diba? nilalandi mo si James kasi di kita kayang mahalin,naghahanap ka ng lalaking makakapuno ng sex plea--" di ko na sya pinatapos at agad ko syang sinampal,nagulat sya even me.

"wala kang karapatan na sabihan akong malandi at wala kang karapatan na isipin na pinagtataksilan kita! dahil kahit kailan hindi pumasok sa isipan ko yan!!" bulyaw ko pabalik sabay hampas sa kanya,umaatras lang sya at tinatanggap lahat ng sapak ko,ang totoo? nanananching ka lang yata Misty-- Aish! cut that!

marahas nyang iwinaksi ang kamay ko sabay talikod,napaupo ako at nagtakip ng mukha,ito na yung tanong na gusto kong malaman ang sagot.

"minahal mo ba'ko kahit isang beses lang Travis?" tanong ko,saglit syang natigilan at di sumagot imbis nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

napahagulhol ako at inunahan syang makapasok sa kwarto sabay hila sa maleta at tupi ng damit.

"a--anong ginagawa mo?" tanong nya,tinignan ko sya at agad din yun inalis sabay tuloy sa ginagawa.

"lalayas,ayoko na dito" simpleng sagot ko sabay lakad palabas,inaasahan ko ang pagpigil nya saken kaso mali ako.. binigyan nya'ko ng daan paalis kaya tumuloy nalang ako.

nagtakip ako ng bibig at nanghihina na lumabas sa unit.

ang sama mo Travis.

♥ ♥ ♥ ♥

Okay ang drama tama na.. huhubelth T^T nabura yung una kong pinaghirapan idraft T^T lintek talaga.. LQ ang lovers natin..

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon