Chapter 043

21K 319 12
                                    

Travis's POV

Napaawang ang bibig ko nung bigla syang bumaba at padabog na umalis sa harap ko. E anong magagawa ko? Ang weird naman kasi ng gusto nya.

"Misty!" Tawag ko mula sa higaan. Ginulo ko ang buhok ko bago sya sundan. Kung di ko lang mahal malamang nasabunutan ko na'to ng bonggang bongga.

Di nya'ko pinansin kaya lalo kong binilisan ang paglalakad para mahabol sya. Jusko,naloloka ako sa mga pinagga-gawa nya.

"Misty naman.. away na naman ba?" Nagsusumamong tanong ko. Natigilan sya sabay taas kilay.

"So gusto mo ng away?" Mapanghamon na sabi nya. Mabilis akong umiling with matching X sign.

"Anong away bang sinasabi mo? Di tayo nag-aaway oh. Siguro--" natigilan sya at nanatiling nakatitig. Nagsimula na namang magtubig ang mata nya na nagpakaba saken.

"S--siguro nag-awa kayo ng kabit mo ano? Ano?! Sabihin mo! Nag-away kayo tapos--tapos nadulas ka kasi n--nasabi mo saken. Ano?! Sumagot ka!" Nagtakip sya ng mukha at humagulhol. Napahilamos na naman ako ng mukha at pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.

"Alam mo Misty! Naiisip ko na ang sarap mong sabunutan. Alam mo yun? Kaso di ko magawa,di kita kayang saktan" natigil sya sa pag-iyak at tinignan ako. Tumayo sya at pinunasan ang luha nya.

"Ano? Nagsasawa ka na? Gusto mong makipaghiwalay? Sige pagbibigyan kita" maglalakad sana sya paalis nung bigla kong hinila ang kamay nya.

"Eto naman. Joki lang e. Masyado to" malanding sabi ko sabay yakap sa kanya. Kumalas sya at sinamaan ako ng tingin.

"Napipikon ka na diba? So para di ka mapikon,makipaghiwalay ka na saken tapos.." niyakap ko ulit sya at muli na naman syang kumalas. Jusko!

"Sige. Hahandaan kita ng gusto mo" napakamot nalang ako ng batok. Parang naging heart ang mata nya na parang hindi nagalit saken.

"Ngayon lang ha" sabi ko. Tumango sya sabay angkla sa braso ko. Ano pa bang magagawa ko?

"Isa pa!" Pa-cute na sabi nya habang inaabot saken ang plato. Lumunok muna ako bago gumawa ulit. Ubos nya ang isang pack ng Tasty.

"Misty tama na. Nakailan ka na oh,mabigat ka na nyan" paalala ko habang iniispread ang ketchup. Pinapakain pa nga nya'ko kaso nag-refuse ako.

"E bakit ba? Sexy pa din ako diba?" Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Baka mabato pa'ko ng babasagin na plato.

Inilapag ko sa kanya ang pagkain na agad nya ring nilantakan. Tumalikod ako at binuksan ang ref. Tumambad saken ang basket ng manggang hilaw at tupperware na puro alamang. Sa bandang pinto naman,puro ketchup ang laman. Give me strength!

"Walang makain" bulong ko sabay dukot sa cellphone ko. Seryoso kong hinahanap ang number nung fast food na pago-orderan ko nung biglang nag-ring ang phone ko.

"Anaknang" bulalas ko sabay salo sa phone. Nakita ko ang  pangalan ni James na nagpataas ng kilay ko.

"Problema mo?"

[Kakatawag pa lang problema agad ang bungad mo? Wow tol ha! I appreciate,really]

Tinignan ko nalang si Misty at sumenyas na lalabas muna. Tumango naman sya kaya lumabas na'ko.

"Ano bang kailangan mo?"

[Di ka papasok?]

"Hindi,bakit?"

[Okay]

Aba't gago to ah!

"Ginagago mo ba--"

[Chill dude. Nandito kasi si Pen ngayon,gusto ka nyang makausap]

Nangunot agad ang noo ko sa sinabi nya. At ano namang pag-uusapan namin ni Pen?

"E pano asawa ko?"

[Itapon mo dejoke. Matanda na asawa mo,di na elementary yan. Mag-paalam ka lang tapos na. Dalian mo,ako naiistorbo e]

Binaba ko kaagad ang phone bago ko ibulsa. Papasok na sana ako nung biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa anv message.

From: James panot

Gagu ka pare! Who are you para babaan ako ng phone? Aba't bastos ka ah! Pumunta ka sa office ASAP!

Binulsa ko nalang ulit ang phone ko at pumasok. Nadatnan ko si Misty na nakatago banda sa kusina. I smiled at her at saka lumapit.

"Dito ka muna pwede? May pupuntahan lang ako" malumanay na sabi ko. Tumango naman sya kaya nagsimula na'kong magbihis. Pinalitan ko ang whitw polo na suot ko sana pagpasok at nagsuot ng blue polo. Tinapatan ko lang yun ng pants sabay ayos ng kaunti sa buhok ko. Lumabas ako ng kwarto at nilapitan ulit sya.

"Wag kang lalabas nang hindi nagpapaalam. Babalik din ako" hinalikan ko ang noo nya at nagsimulang umalis.

----

Mabilis akong naglakad paakyat sa office. Ngini-ngitian ko lang ang mga bumabati saken. Pag-baba ko,nadatnan ko si James na halatang naiinip.

"Malapit na siguro sya Pen" lumapit nalang ako at tinapik ang braso nya.

"Holy!-- uy. Buti andito ka na,mag-usap na kayo. Istorbo kayo" hinayaan ko nalang syang umalis at dire-diretso sa office ko. Sumunod naman sya at sya na mismo ang nagsara ng pinto.

"Hi" bungad nya. Di ko sya pinansin at umupo sa swivel chair. Bitch! Too fab for you.

"Kung nandito ka lang para sabihin saken yan,pwes lumayas ka na. Pihitin mo lang door knob tapos bye" nginitian nya lang ako at di umimik. Nagtaka naman ako sa kilos at galaw nya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Mukha syang nagulat pero agad nyaring binawi.

"Yeah. Okay lang. Gusto ko lang sana humingi ng tawad. Alam kong di pa sapat ang sorry pero gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo'ko" umiling nalang ako at pumikit.

"No need Pen. Kalimutan mo nalang lahat ng nangyari saten okay na" nakita ko ang sigla sa mga mata nya na agad ding napalitan ng lungkot.

"Masakit pero tinanggap ko na hindi ako ang mahal mo. Sana sumaya ka pa lalo sa piling nya" ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya..

"Masayang masaya ako Pen. Masaya ako dahil nandyan si Misty sa tabi ko. Sana maging masaya ka din" tumango sya at agad na binawi ang kamay nya. Tumayo ako para lumapit at yakapin sya.

"Wag magpapa-stress inday. Waley ng fafa kapag haggard ang pes" narinig ko ang hagikhik nya sabay kalas sa yakap.

"Oo na ateng. Osya,una na'ko.. kailangan ko kasing umalis para sa batang dinadala ko" nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi nya.

"Ano? Juntis ka? Sinong amahin?" Hinampas nya ang braso ko sabay tawa.

"Si Johnny. Yung kaklase naten nung High school? Yung crush mo noon,sya ang ama ng dinadala ko ngayon" napatingin ako sa tyan nya na hindi naman masyadong umbok pero tumaba sya.

"Bangis mo ha! Johnny agad?" Ngumiti nalang sya sa sinabi ko.

"Anyare?" Tanong ko. Napayuko sya sabay kamot ulo.

"Aksidente e. Kahapon ko lang nalaman at kahapon nya rin nalaman. Ang landi ko ano?" Nakita ko na naman ang pagpunas nya ng luha. Nginusuan ko sya na ikinatigil nya.

"Wag ka ngang umiyak. Paninindigan ka naman diba? Mahal mo ba?" Isang iling ang natanggap ko.

"Mahal ka?" Halos pabulong na sabi ko. Unti-unti syang tumango.

"E mahal ka naman pala e,anong iniiyak mo dyan?" Umiling nalang sya sabay ngiti.

"Una na talaga ako. Salamat sa oras  mo ha,magaan na pakiramdam ko. Kunyari nalang galit ka saken haha. Osya,bye" kumaway ako at sinundan sya ng tingin. Huminga ako ng malalim bago ngumiti.

xoxoxoxo

Ayos ba? Malapit na talaga tayo sa ending.

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant