Chapter 037

15.7K 334 33
                                    

Misty's POV

Nakaupo lang ako sa kama habang tinatakpan ang mukha ko. It's  been three days simula nung iwan ko si Travis. Sariwa parin saken ang masakit na karanasang pinadanas ko sa kanya.

*knock knock*

Napatingin ako sa pinto noong may kumatok. Unti-unti yung bumukas at bumungad si Mama na nag-aalangan pa.

"Can I?" Tanong nya. Tumango ako at sya namang pasok nya. Umupo sya agad sa paanan ko at hinawakan ang kamay ko.

"Let me explain" malumanay na sabi nya. Tumango ako at hinayaan sya sa pagsasalita.

"Totoo lahat ng sinabi nung Papa mo. May kambal ka Misty,may ate ka. Four years old kayo non,nagkahiwalay kami ng papa mo dahil sa parents ko. Bukod sa kasalanan ng nanay ni Travis ay may isa pang dahilan kung bakit gali ang papa mo sa  pamilya  nya. " nanahimik saglit si Mama at unti-unting pumikit.

"Galit din sya sa tatay ni Travis dahil si Stephanie dapat ang pakakasalan nya at hindi ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Ibig sabihin--

"May relasyon si Tita at Papa noon?" Bulalas ko. Tumango si Mama sabay punas sa luha nya.

"Yeah. Highschool kami nung nagsimula ang pag-iibigan nila. May gusto ako sa papa mo noon pero tinago ko iyon dahil narin sa gusto kong maayos ang pagkakaibigan namin. Di ko rin alam nung mga panahon na yun na ang tatay pala ni Travis ay may gusto din kay Steph" tinitigan ko lang si Mama at hinintay ang sasabihin nya. Napabuntong hininga ako dahil sa pagtahimik nya.

"Gumawa ng paraan si Jack na paghiwalayin silang dalawa. Binuntis nya si Steph at si Love ang naging bunga nun. Kami naman ng papa mo,wala nang nagawa kundi ang hayaan nalang sila. Ako ang naging sandalan ng tatay mo nung panahong warak sya. " natawa pa si Mama nang kaunti pero binalik din ang pagka-seryoso.

"Masyadong mababaw magalit ang tatay mo. Naalala ko na nangako sya na maghihiganti sya kay Jack pero di naman nya nagawa. Hanggang sa lumipas ang taon,nagustuhan ako ng papa mo nang hindi alam ng magulang ko. Tumakas kami at namuhay kasama ang mababait na pamilya ng tatay mo. Dun kayo nabuo Misty" tinignan nya'ko na ikinaiwas ko ng tingin. Hinawakan nya ang pisngi ko at iniharap sa kanya.

"Alam mo ba kung gaano kami kasaya ng tatay nyo nung dumating kayo? Sobrang saya Misty,ang nasa isip lang namen ay okay na ang lahat. Wala nang problema. Nag-iba lang nung nahanap kami ng magulang ko"

"Ayaw ni Papa sa tatay mo dahil sila ang dahilan kung bakit bumagsak at naibenta ang kompanya namen. Malaki na kayo noon.. nasa apat na taong gulang. Natatawa nga'ko kasi mas close kayo sa tatay nyo compare saken. " natigilan na naman si Mama na ikinataka ko.

"Ma,bakit ka ba natitigilan?" Halos pabulyaw na tanong ko. She got back to her senses bago ulit magsalita.

"Noong araw na pinaghiwalay kami. Yun ang araw na namatay ang kambal mo. Nandun ka nung araw na yun,umiiyak at di alam kung anong gagawin. Matapos nung insidente,halos hindi ka na namin makausap at mapakain. Tuwing nakakakita ka ng dugo,nagtata-talon ka at pinaghahahagis ang mga gamit. Para kang baliw alam mo ba yun? Kaya mas pinili kong iiwas ka sa madudugong bagay. " ngumiti si Mama at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Nagpapasalamat nadin ako nung na-aksidente o let saya na nadisgrasya ka. Kasama mo ang tito mo habang papuntang mall. Nabundol ang kotse at ikaw halos ang napuruhan. Tulad nga nung sinabi ng doktor,pili lang ang naaalala mo. At simula nun,di mo na naaalala ang mga nangyari noong bata ka pa. Maski ang kambal mo hindi mo na matandaan dahil sa nangyari." Napanganga nalang ako at napapatango sa sinasabi ni Mama. Kaya pala hindi ko alam na may kambal ako kasi di ko sya madalas maisip.

"Pero ma! Bakit tinago mo saken ang totoo na may kambal ako?" Tanong ko. Humarap muna sya saken bago sumagot.

"Dahil natakot ako na baka bumalik ka sa dating ikaw. Yung Misty na natatakot at parang nababaliw" tumango nalang din ako sa sagot nya. Talaga ngang malaki ang galit ni Papa sa pamilyang Dane. Ano kayang nararamdaman nya?

Lalabas na sana si mama nung may hindi pa pala ako natatanong. Si King!

"E mama!" Pahabol ko sabay harang sa kanya sa pinto. Tinignan nya'ko bago ako nagsalita.

"Sino si King? Bakit nag-ampon si Papa?"

"Si King ang tinuring na anak-anakan ng papa mo. Inampon nya  si King para mapunan ang pangungulila nya sa anak. Oh ano okay na?" Ngumiti ako at hinayaan syang makalabas. Napabuntong hininga na naman ako sabay dapa sa kama.

"Ay Palaka!" Sigaw ko nung may lumipad na kung ano mula sa bintana. Nagtaka ako dahil sa short brown envelope sya. Kinuha ko ito at tinignan ang laman..

Halos manlumo ako dahil sa litrato. Nabitawan ko ang sobre at napatakip ng bibig. Muli na namang tumulo ang luha sa mata kong kanina lang namahinga.

Sakit ang namuo sa dibdib ko. Bawat lipat ko sa litrato para akong sinaksak. Nanginginig man,nagawa kong ibalik ang litrato sa sobre. Napatakip ako ng mata sabay hagulhol.

Ang bilis naman nyang sumaya. Sabagay,iniwan ko sya e kaya maghahanap sya nang pwedeng magpuno sa pagmamahal na inaasam nya.

Tumayo nalang ako at itinago ang mga litrato.

Litrato nilang dalawa ni Pen na kapwa't hubad na natutulog sa kama.

xoxoxoxo

Ang sakit ng ulo ko shet >...<

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt