Chapter 028

18.2K 416 6
                                    

Misty's POV

Napuno nang tawanan ang buong hapag kainan. Nakikitawa nalang din ako dahil sa kakulitan ng pamilyang Dane.

"Mom! Matagal na yun,bakit nyo ba inuungkat?!" Pabirong singhal ni Ate Love sabay irap sa nanay nya. Natawa si Mommy sabay hampas ng pabiro kay Ken na wala namang kinalaman sa nangyari.

"Bakit ba? E sa epic nung proposal nyo e" muli na naman silang nagtawanan. Napapailing nalang si Travis habang kumakain.

"Alam nyo,ang ingay nyong mag-ina.. mas maganda kung parehas kayong lalagyan ng packaging tape sa bibig" paismid na suhestiyon ni Daddy sabay subo nang kanin. Susubo pa sana ng isa si Daddy nung hinampas sya ni Mommy.

"Pakialam mo? Palibhasa kasi nag-mana sa'yo yung dalawa at si Love lang ang nagmana saken" napa-pout si Mommy  sabay tingin kala Ken at Travis.

"Kawawa naman pala ang anak mo,sa'yo pa nagmana? Tsk tsk-- Ouch!" Hinaing ni Daddy sabay hawak sa tagiliran nya na kinurot yata si Mommy.

Kung buo lang sana ang pamilya ko,siguro ganito rin kami kasaya. Napangiti ako ng mapait sabay iling. Masaya ang pamilya nila tapos ako malungkot?

"Bru ayos ka lang?" Tinapik ni Travis ang hita ko na ikinagulat ko. Tumango ako at binigyan sya ng assured na ngiti. Tumango nalang sya sabay baling sa pagkain. Minsan nagtataka ako kay Travis,may times kasi na bakla sya at times naman na lalaki sya. Hay! Ang gulo!

"Anyways,I have something to tell you Travis" naging seryoso si Ate na ikinataka ko. Tinignan ko si Travis at nakita ko ang pagka-curious nya.

"Darating na si Lolo sa makalawa,be ready.. gusto nya nang makita ang asawa mo" nanlaki ang mata ko at muntikan na'kong masamid sa sinabi nya. Ang aga naman yata?

"Okay,ako bahala" simpleng sabi ni Travis. Nakita ko ang pagka-kabado nya kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Siguro kailangan nyo lang magpaka-disente sa harap ni Lolo,you know him too much Travis" unti-unting tumango si Travis at yumuko. Di ko alam kung ano ang isyu nila ng lolo nya but I can feel na malaki iyon at personal.

----

Kasalukuyan akong nakaupo dito malapit sa Veranda. Mamaya lang uuwi na kami sa condo unit namen,mas mabuti narin yun.. namiss ko din ang tumira doon e.

"Kinakabahan ka ba?" Biglang sulpot ni Travis sabay tapik ng balikat ko. Tinignan ko lang sya at di sumagot.

"Gash! Kinakabahan na din tuloy ako,huhubels.. laslas na tayo bangs" natawa nalang ako dahil alam kong nililibang nya lang utako ko.

"Gaano ba sya ka-strikto Travis?" Napaiwas ng tingin si Travis at sumandal. Sinundan ko lang sya ng tingin. masyado siguro syang strikto kaya nanahimik si Travis.

"O--okay lang kung ayaw mong sabihin. Mukha yatang strikto nga talaga sya" ngumiti ako nang may alinlangan. Oh geez na may cheese,kinakabahan ako ng bunggang bungga.

"Sa tingin mo Travis,magugustuhan nya kaya ako?" Biglaang tanong ko. Gulat syang napatingin saken at kinunot ang noo.

"Anong sinasabe mo? Kung yung ibang tao nga nagugustuhan ka si Lolo pa kaya?" Sabi nya sabay ngiti. Tumango nalang ako at huminga ng malalim. Baka sa makalawa makikita nyo na'kong gumagala sa lansangan dahil-- di ko alam,wala namang connect ang sinabi ko.

"Just keep calm,magiging okay din ang lahat.. pagkatapos nito,ikakasal ulit tayo diba?" Sweet na tanong nya sabay lapit saken at haplos ng buhok ko. Tinignan nya iyon at saka ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Anong shampoo ginamit mo? Langya,meron ba sa grocery mall yan?" Natawa nalang ako sabay hampas sa braso nya. Adik talaga.

Nag-pout sya at sabay lapit. Niyakap nya'ko at hinalikan ang balikat ko.

"Magiging okay din ang lahat.. kumapit ka lang"

xoxoxoxo

Nagbabalik XD kamusta? Yieeeh ♥♥ malapit na'tong matapos *pout* salamay sa suporta (advance na'to XD)

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Where stories live. Discover now