Chapter 039

16.4K 352 8
                                    

Misty's POV

Napahinga ako ng malalim at  nagsimula ulit sa paglalakad. Tama ba yung desisyon ko?

"Ay kalabaw!" Napatili ako dahil sa may biglang umakbay saken. Sinamaan ko yun ng tingin at sya namang taas nya nang dalawang kamay.

"Chill dude" inirapan ko nalang si Jonas at naglakad na. Katahimikan na naman. Lagi nalang ganito.

"Pwede ba Jonas. Kung galit ka saken wag mo na'kong pansinin." Asik ko sabay una sa lakad. Narinig ko ang mga yabag nya sabay tabi saken.

"Anong galit? Who's angry payatot ha?" Natawa nalang ako at nailing. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na katabi ko sya. Natigilan ako nung nakita ko si Janine na nakatayo sa harap namen.

"Ah..uhm Jonas una na'ko bye" nagmadali ako sa pag-alis. Di ko kaya yung titig na binibigay ni Janine. Di pa'ko nakakalayo nung may humawak sa braso ko.

"Wait" malamig na sabi ni Janine. Natigilan ako at halos maiyak na tinignan sya.

"M--may gagawin pa'ko" pabulong na sabi ko sabay simpleng kalas sa hawak nya. Hinawakan nya ito ulit at hinigpitan ang kapit.

"Ganituhan Misty? Di mo kami papansinin ganun?" Takang tanong nya. Di ko sya sinagot at ikinalas ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Una na talaga ako" tumalikod ako at nagmadali sa paglalakad.

"MISTY ANO BA?!" Bulyaw ni Janine. Natigilan ang mga taong nag-uusap at tinignan si Janine. Kuyom ang mga palad na lumapit saken. Natatakot ako sa hitsura nya.

"Mag-usap tayo" ma-awtoridad na sabi nya sabay hila saken. Wala akong nagawa kundi ang magpahila.

Di ko namalayan na natigil na kami sa isang bakanteng classroom. Pumasok kami doon at nanlaki ang mata ko dahil nanduon din sila Mei.

Pinaupo ako ni Janine sa upuan at saka hinarap. Sinarado naman ni Cherry ang pinto sabay tingin din saken. Yumuko nalang ako para tanggapin ang mga sasabihin nila.

"Waaaah! Misty! San ka nagpunta?!" Sabay-sabay nilang tili sabay yakap saken. Halos di ako makahinga dahil apat silang nakayakap saken. Oshit! Mga higante!

"H--hoy di ako makahinga" pahina ng pahina na sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Unti-unti silang bumitaw at teary eyed na hinarap ako.

"Hala. Ang da-drama nyo" puna ko sabay punas sa noo kong napawisan. Napasinghot si Janine sabay hawak sa kamay ko.

"San ka nagpunta? Nag-alala kami,akala namen na-kidnapp ka" natigilan agad ako sa sinabi nya. Ayokong sabihin ang lahat kasi ayaw ko silang mag-alala.

"May nangyari lang. Pasensya na ha" natigilan sila sabay tingin saken. Cherry smiled at me sabay hawak sa kamay ko.

"Alam ko na may malaki kang tinatago. C'mmon spill it" napayuko nalang ako. Sasabihin ko ba lahat?

"Alam na din namen na lumayas ka sa inyo" dugtong naman ni Chelsie. Ngumiti nalang ako at tumayo para mayakap sila.

At yun na nga. Nalaman na nila lahat lahat. Wala akong  dapat itago kasi kaibigan ko naman sila at  napagkakatiwalaan.

"Anong balak mo?" Tanong ni Mei. Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Balak kong sumunod sa Canada. Dun muna ako pansamantala. Magpapahangin at magpapalipas" tumango nalang sila at niyakap ako. Di ko naiwasang maiyak dahil kahit papano nararamdaman ko ang pagmamahal ng tunay na kabigan.

"Kapag may kailangan ka tawagan mo lang kami" agad na bilin ni Janine. Natawa nalang ako dahil ang aga ng habilin nya.

Matapos ang tatlong oras na kuwentuhan. Naisip namin na lumabas na,kinuha ko ang bag ko at tumayo. Bigla akong napahawak sa upuan dahil sa biglaang hilo na naramdaman ko.

Seducing My Gay Husband (EDITING)Where stories live. Discover now