Napalunok ako at dahan-dahan napatingin kay Jun. Fudge. Pano nalang kaya pag may nakakita sa amin dito? Wala na akong nagawa kundi hayaan nalang sya sumandal sa balikat ko. Nagpatuloy na ulit ako sa pagbabasa pero di naman ako makafocus sa binabasa ko lalo na't nakasandal sya sa balikat ko at ramdam ko ang bawat pag-hinga nya. Napakagat ako sa aking labi at di na alam ang gagawin. Pero maya-maya ay narinig ko syang bumulong.

"Stephany..."

Stephany? Sino yun? Muli akong tumingin sa kanya. Baka siguro nananaginip si Jun. I wonder, sino kaya yung Stephany na binulong nya?

•·················•·················•

LEA.

Ng malagay ko na mga gamit ko sa loob ng locker ko ay sinara ko na agad iyon. Napahinga naman ako ng malalim at ilalabas na sana cellphone ko upang itext si Yuna pero may bigla nalang lumapit sa akin. Akala ko si Jeonghan o si Yuna yun pero pagtingala ko ay di ko maiwasan magulat ng may nakita akong isang lalaki. Pinagmasdan ko sya maigi at dun ko lang napagtanto na sya yung lalaki na nahuli ni Woozi nun sa cr; na nangtritrip sa akin. Di ko alam bakit bigla ako kinabahan kaya naman lumayo agad ako sa kanya.

"Ano kailangan mo?"

Tanong ko. Humakbang naman sya papalapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Di ko naman maiwasan mawirdohan sa mga tingin nya.

"Una sa lahat, gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko nun sa cr. Di ko sinasadya yun."

Sabi nya at ngumisi sa akin. Mas lalo naman ako nawirdohan sa kanya. Bakit sya ngumingisi at bakit nya ako kinakausap?? Napalunok naman ako at sinubukan magsalita.

"W-wag mo na sanang uulitin yun, no? M-mauuna na ako, pupuntahan ko pa kaibigan ko."

Sabi ko at nilagpasan sya. Pero bago pa ako makalayo sa kanya ay bigla nya nalang hinawakan tong braso ko dahilan para matigilan ako. Kaagad ako napalingon sa kanya at sinubukan ilayo braso ko pero naramdaman kong hinigpitan nya pagkakahawak nya sa aking braso. Dun na ako nagsimulang matakot.

"Teka lang, gusto ko ipakilala sarili ko sayo."

Sabi nya at muling ngumisi sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at pilit kumakawala sa kanya.

"B-bitawan mo ako!"

"Hindi ba pwede mag-usap muna tayo sandali?"

Tanong nya at humakbang papalapit sa akin. Puta ang weird nya! Ngumisi nanaman sya at nagulat ako ng bigla nya akong hilahin. Sinubukan kong kumawala ulit at mas lalo na tuloy akong natakot.

"Bitawan mo ako! Ayokong makipag-usap sayo! T-tulong!"

Sabi ko pero di sya nakinig at patuloy lang na hinihila ako. Naramdaman kong may namumuo ng luha sa gilid ng aking mata. Sa sobrang takot na baka kung anong gawin nitong lalaking to sa akin, gusto ko nalang maiyak. Mas lalo nyang hinigpitan pagkakahawak nya sa akin kaya di ko na maiwasan masaktan. Tumigil sya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Pag sinabi kong sumama ka sa akin, sasama ka. Ng dahil sayo, muntikan na akong tanggalin sa eskwelahan na to! Kaya kailangan mong bayaran ang ginawa mo!"

Sigaw nya. Hihilahin nya na sana ulit ako ng biglang may humawak sa kabilang braso ko at mabilis akong hinila palayo sa kanya. Gulat akong napatingin sa humila sa akin at nanlaki naman mga mata ko ng makita ko ulit si Woozi.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?"

Seryosong tanong ni Woozi dun sa lalaki. Inilagay naman ako ni Woozi sa likod nya at humarap dun sa lalaki.

"Ikaw nanaman?!"

Pasigaw na sabi nung lalaki. Walang sinabi si Woozi at bigla nalang sya lumapit dun sa lalaki. Mahigpit nya itong hinawakan sa kwelyo at napatakip ako sa bibig ng diretso nya itong sapakin. Agad napatumba yung lalaki.

"Bayaran ang ginawa nya? Eh gago ka pala eh. Ikaw na nga nambastos ikaw pa may ganang magalit. Dapat tuluyan ka na nila tinanggal dito."

Sabi ni Woozi. Tumayo naman yung lalaki mula sa pagkakatumba nya at sumugod kay Woozi pero mabilis na nakailag si Woozi at sinipa sa tyan yung lalaki. Ng matumba muli yung lalaki ay hinawakan nya ulit ito sa kwelyo at walang awat pinagsasapak. Kaagad ako lumapit kay Woozi at inawat sya.

"W-woozi tama na!"

Ng mahila ko na palayo si Woozi ay hingal na hingal sya habang pinagmamasdan yung lalaking bugbog sarado na ang mukha. Maya-maya ay may dumating na teacher at dinala sila sa office.

•·················•·················•

"Woozi ok ka lang?"

Tanong ko kay Woozi habang nakaupo kami sa upuan. Inalis naman ni Woozi yung yelo sa kanyang kamao. Di ko naman maiwasan maawa sa kanya dahil medyo namumula na mga kamao nya. Pagtapos ay napahinga sya ng malalim.

"Ok lang ako. Wag mo na ako alalahanin."

Sabi nya at muling ipinatong yung ice pack sa kamao nya. Nareport na namin ulit sa office yung lalaki at ngayon pinapatawag na ang kanyang magulang at tuluyan na syang i-eexpel sa eskwelahan na to. Napahinga naman ako ng malalim at sumandal sa pader. Pagtapos ay napatingin ako dun sa braso ko na medyo namumula ng onti, kung saan ako hinawakan ng mahigpit nung lalaki kanina.

Sa mga oras na yun naramdaman ko nanaman ang mga luha sa aking mata. Sobra akong natakot sa ginawa nya na akala ko may mangyayari sa akin. Napaka-hina kong tao di ko man lang madepensahan sarili ko. Paano nalang kaya kung di dumating si Woozi? Or walang makakita sa amin? Baka kung ano ng nagawa nung demonyong yun sa akin. Namalayan ko nalang na nagsitulo na yung luha sa aking mata. Di ko na napigilan maiyak.

Pero maya-maya ay bigla nalang hinawakan ni Woozi tong balikat ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at nakitang nakatingin sya ng diretso sa akin.

"Di ka na guguluhin nung lalaking yun. Tuluyan na syang aalisin dito kaya wag ka na matakot."

"S-salamat, Woozi.."

Yan nalang ang tanging nasabi ko. Sincere or not, I still appreciate him for saving me. At alam ko naawa lang sya sa akin kaya nya ako kinokomfort ng ganto. Kagaya nga ng sinabi nya sa akin nun, kahit sino naman na makakita sa akin ay gagawin rin yung ginawa nya. Masakit, pero ganun talaga.

There's nothing to feel special about this...

FANGIRL. Where stories live. Discover now