Mahinahon na ang boses niya. Hindi katulad kahapon na kulang na lang ay bulyawan niya ako. Though ganito naman talaga ang pagkakakilala ko sa kanya. He's a chill type of guy. Mahaba ang pasensiya niya at malakas ang kontrol sa sarili.

Sasagutin ko na sana siya sa kanina niyang sinabi, pero hindi ko nagawa kasi biglang bumukas ang pinto nitong restaurant at taranta akong napalingon doon. Tumalon ang puso ko sa kaba, akala ko nasundan ako ni Allen.

"Bakit?" tanong agad sa 'kin nitong si Zian.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Alam mo ba kung anong pwedeng gawin sa 'kin ng asawa ko kapag nalaman niyang nakipagkita ako sa 'yo ngayon?"

"Ano, sasaktan ka niya? So sinasaktan ka nga talaga niya?"

Hindi ulit ako nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin at iniba ang usapan. "I can't stay long. Pag-usapan na natin kung anong gusto mong pag-usapan."

"Kumain muna tayo."

"Zian, hindi ako pwedeng magtagal. Tumakas lang ako sa bahay."

"Fine." Bumuntong-hininga siya sabay tinabi ang mga menu na nasa mesa. Tapos tinitigan niya ako nang malalim. "Bakit hindi ka sumunod sa 'kin sa Amerika?"

Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na 'yon ang unang itatanong niya sa 'kin.

"Hinintay kita ro'n," patuloy niya. "Nagkasundo tayo dati, 'di ba? Sabi natin lilipad tayo papuntang Amerika sa oras na malaman na ni Allen ang tungkol sa 'tin. Bakit hindi ka tumupad?"

"Alam mo na dapat ang sagot diyan. It's for the best. Kailangan kong piliin si Allen at manatili sa tabi niya dahil 'yon ang tama."

"At hindi mo man lang ako nagawang tawagan para sabihing hindi ka makakasunod?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam ang contact number mo ro'n."

"That's impossible. I remember I told Leila to give it to you."

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "How could I call you? Alam mo naman pala kung anong lagay ko sa asawa ko. Halos patayin na niya ako noong mahuli niya tayo. Sa tingin mo ba magagawa pa kitang tawagan?"

Bigla siyang napakuyom ng kamao. "Sinabi nga sa 'kin ni Leila lahat ng ginawa sa 'yo ni Allen. Gago talaga 'yon. He'll pay for what he did to you and to me." Tinignan niya ulit ako nang matalas. "Alam mo ba kung anong ginawa sa 'kin ng asawa mo? Binaliktad niya 'ko. Pinakulong niya 'ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Iba talaga ang nagagawa ng pera, ano?"

"You can't blame him. Sobrang laki naman kasi talaga ng kasalanan natin sa kanya. Buti na nga lang at 'yon lang ang ginawa niya sa 'yo. You know Allen so well. Kaya niyang gumawa ng mas higit pa ro'n kung gugustuhin niya."

"Hindi mo man lang ako naisipang ipagtanggol, o kahit puntahan man lang sa mga hearing ko."

"I can't. Pinaghihigpitan ako ni Allen."

"Sana naman hindi mo ko basta pinabayaan."

Hindi na naman ako nakasagot kasi napalingon na naman ako sa biglang bumukas na pinto.

"Relax, Vanessa," sabi niya na sa 'kin. "Kanina ka pa tingin nang tingin diyan sa pinto. Kung iniisip mong makikita tayo ng asawa mo rito, hindi 'yon mangyayari."

Napahinga ako nang malalim. "Hindi ako mapakali. Baka malaman 'to ni Allen."

Ngumisi siya. Parang natatawa siya sa sinabi ko. "Takot ka na sa kanya ngayon, ah. Samantalang dati, wala lang sa 'yo kung niloloko mo siya."

Nanlaki ang mga mata ko! Pero pinili ko pa ring kumalma. "Oo, takot na 'ko ngayon. And it's your fault."

Ang bilis nawala ng sarkastikong ngiti niya at napasalubong agad siya ng mga kilay. "Bakit mo ko sinisisi? 'Di ba may kasalanan ka rin? Pumayag kang makipagrelasyon sa 'kin."

"Oo na. At pinagsisihan kong ginawa ko 'yon."

Nanigas ang panga niya. "Nagsisi ka kasi nahuli tayo ng asawa mo. E paano kung hindi niya tayo nakita, ano na tayo? Tayo pa rin ba hanggang ngayon?"

"I don't think so."

"Sinungaling. Alam kong sa 'kin ka pa rin hanggang ngayon kung hindi lang tayo nahuli ni Allen."

"Tama na."

"Totoo naman kasi, 'di ba? Kaya nga ayokong bitiwan ka. Kasi naniniwala pa rin ako sa lahat ng mga sinabi mo sa 'kin dati. Ang dami mong pinangako sa 'kin, Van."

Napapikit na ako nang madiin. "Zian, you really can't get it. Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na wala na tayo? Matagal nang tapos ang sa atin, pero ang dating ngayon, parang pinipilit mo pa rin tayo. It's been a year. Nawala ka na sa buhay ko pati sa utak ko. Pinaikot ko na ang mundo ko kay Allen. Kay Allen lang. Sa pagbabalik mo, ginulo mo lang ulit ako e."

"Wow. And now I'm the antagonist in you and that asshole's love story just because I came back?"

"It's not that. What I meant was, I'm already okay. Kaunting pagtitiis pa at alam kong magiging maayos din kami ni Allen."

"You're already okay? Well I'm not, Vanessa. Ano, gano'n na lang talaga 'yon? Umasa ako na pwede tayo, tapos no'ng nagkahulihan na ay bigla mo na akong kinalimutan? Iniwan mo 'ko sa ere. Hindi mo man lang ako pinaglaban, ah?"

"Will you please come to your senses? Our relationship was wrong. Wala akong karapatan na ipaglaban ka dahil maling-mali 'yong tayo."

"So, wala lang pala talaga ako? Ginawa mo lang akong panakip butas?"

Kumirot ang dibdib ko.

Ayoko sana talaga 'tong sabihin kasi alam kong mas lalo lang siyang masasaktan, pero mukhang kailangan ko nang gawin para matauhan na siya.

Pinilit kong tapangan ang pananalita ko. "Yes. I didn't love you. I just used you, Zian."

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin 'tong mesa! Nakuha tuloy noon ang atensiyon ng ibang mga customers dito sa loob ng restaurant. Napatingin silang lahat sa table namin.

Pinandilatan ko na lang siya ng mata. "Ano ka ba, wag ka ngang gumawa ng eksena rito."

"Wag ka rin kasing magsinungaling. Hindi mo ko minahal?"

"Oo, hindi kita minahal. Kaya please, lubayan mo na ako."

Ngumisi siya. "Paano kung ayoko?" Inabot niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. "Hindi ako titigil, Vanessa. Kukunin kita sa asawa mo."

• • •

A Wife's CryWhere stories live. Discover now