Event

8.2K 380 21
                                    


Chapter 26:

Layana's POV:

Tingin ng tingin ang mga tao sa kanilang dalawa ni Jazz kahit kakapasok pa lang nila.

Nakikita niya ang mga tao doon na pormal na pormal ang mga itsura, lahat ng lalaki ay naka suot ng amerikana at halatang may kaya at sinasabi ang mga ito sa buhay.

"Don't be nervous... you're the most beautiful woman here" bahagya siyang namula nung naramdaman niya ang mainit na hininga ni Jazz sa may tenga niya nung bumulong ito.

Napatingin siya dito, ito na yata ang pinaka gwapong lalaki ngayon na nakita niya, bagay na bagay dito ang suot nitong amerikana, itim ang lahat ng nakikita niyang suot nito, maliban sa relo nito.

Agaw pansin ito, bukod pa sa napakatangkad nito ay ang galing ng pagkakadala nito sa sarili, pati ang tindig nito.

"H-hindi naman ako kinakabahan" sabi niya, may konting kaba oo, pero mas lamang ang pagkasabik niya dahil ito ang unang party na napuntahan niya.

At kasama niya ang lalaking mahal niya.

Oo, kanina lang nya naamin na mahal na niya. ito, at kanina ay naisip niyang dapat ay ipursige niyang mahulog ding ang loob nito sa kanya.

At sana nga, mahulog ang loob nito.

"Who's she?I never saw her before" narinig niyang bulung bulungan ng mga tao sa paligid.

"Isn't this the famous movie director?" sabi ng isang may edad na lalaki na may mga kasamang babae sa gilid nito.

"Oh...Mr. Viaz, glad to see you here, it's been a while" sabi ni Jazz dito at halatang sa mga salita ni Jazz ay sanay itong makipag usapa sa mga taong kagaya ng nasa harapan nila.

"Glad to see you here too, you're recuperating well after your accident I see...and who is this lovely woman?" sabi ng may edad na lalaking tinawag ni Jazz na Mr. Viaz at ngayon ay nakatingin sa kanya.

"This is Layana...my girlfriend" pakilala ni Jazz sa kanya at agad na dumagundong ang puso niya sa pakilala nitong kasintahan siya nito.

"Oh what a lovely lady, finally...someone caught your elusive heart" sabi nito at nakangiti sa kanila, ngumiti siya dito, at narinig niya ang tawa ni Jazz, at napatingin siya dito at nagulat siya sa nakitang parang bahagyang namumula ito?

O sa ilaw? May kulay pula kasing ilaw na mapusyaw.

At nung ibinalik niya ang tingin sa may edad na lalaking kaharap nila ay naagaw ang pansin niya sa mga babaeng nakapaligid dito, at doon...doon niya nakita na parang gusto na ng mga babae na kainin ng buo si Jazz sa mga pagkakatitig ng mga ito.

Agad na sumulak ang inis niya.

At naisip niyang mabuti a lang at tinanggap niya ang alok na trabaho ni Jazz, kung hindi ay hindi niya ito mababantayan, at hindi niya mapapa alis ang mga babaeng nakapaligid dito.

Pasimpleng ngumiti siya at kunwari ay inayos niya ang buhok at iniangat niya ang kamay na may singsing. at sigurado siya...natatamaan iyon ng ilaw.

Ipinapakita niyang siya...siya lang ang dapat makasama ni Jazz at makaramdam sana ang mga itong hindi na pwede si Jazz sa mga hayagang pagpapakita ng mga ito ng interes.

At natuwa siya ng bahagya nung nakita niyang sumama ang ekspresyon ng mga mukha ng babae.

Hindi ba nahihiya ang mga ito na may kasama ang itong lalaki pero kung makatingin kay Jazz eh parang wala lang?

Perfect Imperfections : JazzTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang