Unexpected

10.6K 404 23
                                    


Chapter 9:

Layana's POV:

Siya lang ba?

O parang maling ideya ang magpaturo siya ng kung paano ang gagawin kapag may ganitong sitwasyon na kailangan niyang ipagtanggol ang sarili?

Kabadong kabado siya at pakiramdam niya, sa tibok ng puso niya ngayon, hindi lang kaba ang nangyayari sa loob niya.

Pakiramdam niya hindi siya kakabahan kapag ibang tao?

Pero bakit kay Jazz eh ganito ang tibok ng puso niya?

At parang ang isip niya ay natutuliro?

Pwede kayang munang umatras?

Pero baka iisipin nitong hindi niya nga talaga kayang ipagtanggol ang sarili?

Nung tinignan niya ang ekspresyon nito at ang mga mata nito ay wala naman siyang ibang nakikita kungdi determinasyon? At wla siyang nakikitang anuman--

Hindi niya ako pagnanasaan okay. pirming sabi niya sa isip.

Tama, sa itsura nito, malamang mataas ang estado ng mga babaeng hanap nito.

Hindi katulad niya na walang gustong gawin ang maging mag isa at--

Natigilan siya.

Gusto ba niyang na may makasama na siya?

Agad na sumingit si Jazz sa isip niya.

Namula siya at agad na pina alis ang kung anumang naiisip niya.

Imposibleng magkaka gusto ito sa kanya.

Saka isa pa, kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

At mabait nga ito at tuturuan pa siya sa kung ano ang gagawin di'ba? Kaya dapat magpasalamat na lang siya at huwag niya bigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa nito.

Huminga siya ng malalim at saka niya tinatagan ang sarili na tignan ito ng diretso sa mga mata.

"Handa na ako" sabi niya dito.

At imahinasyon lang ba niya o parang iniwas nito ang mga mata at saka ito lumunok?

Hindi kaya mabaho ang hininga niya?

Nailang tuloy siya at gusto niyang amuyin ang hininga, nag sepilyo naman siya kanina pagtapos nito kanina.

"Okay, let's do the simplest one first, you need to know the stance..." sabi nito at saka siya binitiwan at saka ito pumwesto sa likod niya at nararamdaman niya ang init ng katawan nito doon.

"Put your one leg behind you, and don't just stand straight..be alert" sabi nito at saka itinaas ang mga kamay niya at napasinghap siya nung hinawakan nito ang hita niya.

Malakas ang tibok ng puso niya sa ginagawa nito.

Habang parang nabablangko na yata siya.

Nararamdaman niya kasi ang init ng malaking kamay nito sa hita niya.

"No, you have to bend the one leg behind you...like this, wait>" sabi nito at sunod sunod na lunok ang ginawa niya nung naramdaman niyang tumaas ang kamay nito at halos mahawakan na nito ang pang upo niya.

Napalunok siya at pakiramdam niya uminit ang paligid nung naramdaman niyang dumapo na nga ang kamay nito sa ilalim ng pisngi ng pang upo niya.

At nararamdaman niyang namumula na ang buong mukha niya.

"Excuse me...okay, right there" sabi nito matapos nitong maiposisyon ang mga paa at kamay niya.

Iniyuko niya ang ulo para maitago ang pamumula ng mukha.

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now