Tactics

10.8K 442 25
                                    


Chapter 8:

Layana's POV:

Napatili siya ng impit nung umangat na ang mga paa niya sa lupa.

"Jazz! Anong ginagawa mo!"Nanlalaki ang mga matang nilingon niya ito mula sa pagkakatalikod niya sa pabuhat nito, para siyang isang sako ng bigas sa pagkakabuhat nito.

"Jazz!" ulit niya pero hindi siya pinansin nito at napansin nyang nakuha na nila ang atensyon ng mga tao sa paligid, namula siya ng todo.

At alam niyang sa unang pagkakataon ay nakita ng mga tao sa paligid na natataranta at namumula siya sa hawak ng lalaking pasan pasan siya.

Tek bakit nga ba pasan pasan siya nito?

"Nakakahiya! Ibaba mo nga 'ko!" sabi niya at pilit na nagpupumiglas para makawala sa hawak nito pero hindi man lang natinag ang hawak nito sa mga hita niya.

Hindi ito umimik at patuloy ito sa mabilis na paglalakad.

"May sakit ka pa at hindi pa magaling kaya ibaba mo na ako! Ano ba!" tili niya at naiinis na , pakiramdam niya wala siyang laban, pero ewan niya pero sumisingit sa kanya na ang lakas maging babae ng pakiramdam sa ginawa nitong pagbuhat sa kanya?

Nasisiraan na ako.

Hanggang sa nakarating sila sa bahay niya ay doon lang siya ibinaba nito, nakasimangot na tinignan niya ito.

"Anong ginagawa mo?" sikmat niya dito, tinignan siya nito saglit at saka nito hinawakan ang kamay niya at iginiya siya nito papasok ng bahay at saka nito inilock iyon.

At doon na parang nawala ang lahat ng inis niya at napalitan iyon ng isang sensasyon? Dahil hawak pa rin ng malaking kamay nit ang kamay niya.

Mainit at malaki ang kamay nito.

Napalunok siya dahil hindi pa rin nito binibitiwan iyon.

Lalo na nung inilapit nito ang mukha sa kanya.

Kaya naman napaatras siya ng bahagya.

Napalunok siya dahil malapit ang mukha nito at kitang kita niya ang gwapong mukha nito.

Ang presensiya nito, ang katawn at mukha nitong malapit sa kanya at ang kamay nitong hawak hawak nito, iyon ang mga kombinasyonna nagpapayanig ng husto sa tibok ng puso niya.

At alama na alam niyang namumula ang buong mukha niya.

Nararamdaman niyang mainit ang leeg, pisngi at lees niya.

Nakagat niya ang ibabang labi.

At nakita niyang saglit na bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.

Ewan niya, pakiramdam niya nalulunod siya.

Pero iyong klase ng pagkalunod na parang gusto niyang tumagal?

Nung nagtama ang mga mata nila ay mababasa niya sa mga mata nito ang pag aalala.

Bakit?

"B-bakit ka ganyan makatingin?" sabi niya at pinagalitan niya ang sarili sa pagka utal niya.

"Stop receiving things from that man" sabi nito sa malumanay na boses.

Napakurap siya.

Bakit kaya?

"B-bakit?" tanong niya ewan niya kung bakit parang may gusto siyang marinig na dahilan nito.

Bumuntong hininga ito.

"I may not be remember anything about me, but I see a man who will do anything if you give him an attention, he will think you had given him any chance" sabi pa rin nito sa malumanay na boses.

Natigilan siya.

Ganoon ba ang ginawa niya kanina? Agad siyang nag isip, oo nga...dati nung binigyan siya nito ng kung ano ano ay tinanggap niya ang mga ibang binigay nito para hindi ito mapahiya sa ibang tao dahil nakikita ito ng iba kada magbibigay ito--

Napasinghap siya nung biglang naitaas ang mukha niya gamit ang kamay nito sa baba niya.

"Stop thinking other men when you're with me"sabi nito habang titig na titig sa mukha niya.

Napalunok naman siya.

Hindi niya alam kung bakit umaakto ito ngayon na sobrang nag aalala ito sa kanya gayong kakakilala lang nila?

"B-bakit?" tanong niya bago niya mapigilan ang sarili.

"Because I'm your friend" sabi nito ng diretso sa kanya.

At ewan niya parang may masakit sa loob niya pagkasabi nito na kaibigan ang tingin sa kanya.

"You're too innocent...And I want to protect you..." sabi nito at dahil nakatuon ang atensyon niya sa nararamdaman na parang sakit ay hindi niya narinig ang ibang sinabi nito.

"Ano 'yon?" takang tanong niya, prang may narinig siyang ito nalang daw ang mag aalaga sa kanya? O dinadaya siya ng pandinig?

Bumuntong hininga ito.

"I will be guarding you from those kind of men" sabi nito.

Kumunot naman ang noo niya.

Iniisip ba nitong hindi niya kaya ang sarili?

Ilang taon na siyang namumuhay ng mag isa, at kaya niyang alagaan ang sarili, at lalong kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

Pasimple niyang ipiniksi ang kamay na hawak nito at dumistansya sa katawan nito.

"Kaya ko ang sarili ko, ang gawin mo, magpagaling ka para makauwi ka na sa pamilya mo--"

"You can?" sabi nito pero wala siyang naririnig na pang uuyam doon, humarap siya dito at nakikita niyang malumanay pa rin ang ekspresyon nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Oo, bago ka man dumating ay kayang kaya ko ang sarili kahit na wala akong kasama sa bahay ko at--" natigil sya sa pagsasalita nung biglang lumapit ito at sa isang iglap ay hinawakan nito ang bewang niya at idinikit nito ang matigas nitong kalamnan sa kanya.

"A-an-anong gi-ginagawa mo!" natatarantang sabi niya at sinubukan niyang itulak ito pero hindi man lang niya nalagyan ng espasyo ang pagitan nila.

"I was testing if you really can...and I can see that you can't" paliwanag nito.

"Ano kamo!" biglang taas ng boses niya dahil parang minamaliit na talaga siya nito kung paano aalagaan ang sarili.

"Yes, Layana you can't, I was using minimal force, and you can't even push me away" sabi nito at namula ang mukha niya nung naalala niyang nakadikit pa rin ang katawan nito sa kanya.

"Minamaliit mo ba ako?" salubong ang kilay na tanong niya dito.

Saglit na kumunot ang noo nito at saka ito marahang umiling.

"I was trying to explain the strength of a woman..I mean yes women are strong..but you can't underestimate a desperate man when it needs something" paliwanag nito at natigilan siya at napaisip.

Totoo kaya? Pero kababata ang pinaguusapan nila?

Pero sabagay kahit na kababata niya ito hindi ibig sabihin na sobrang bait ito, at medyo makulit nga ito.

Napakurap siya nung parang may mainit na bagay na dumapo sa tenga niya?

Agad na napatingin siya dito at doon niya napansin na nakalapit na ang labi nito sa tenga niya.

"Listen up Layana, I will teach you how to protect yourself when desperate time comes" sabi nito at nung tinignan niya ang mga mata nito ay parang may ibang ibig sabihin pa iyon bukod sa nababasa niyang pag aalala.

"P-paano?" tanong niya at napasinghap siya nung biglang hinapit siya nito lalo at lalong nagdkit ang katawan nila at nagdikit ang mga dibdib nila.

"I will show you how"

--

(A:N)

hayp na hokage moves yan Jazz hahaha

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now