Meeting

12.9K 506 43
                                    

Chapter 5:

Jazz's POV:

He was staring at the woman in front of him.

He was speechless.

He gulped.

Her face look so beautiful, her brows are thick--

But it looks good on her...wow.

Her eyes are soft brown, and she had this thick and long eye lashes, her upturned nose...and her lips...it was full...and look so luscious...

It's like he was seeing an undiscovered high class model.

She look so exotic...and her golden skin...plus her long brown hair..

Wow..

"Sino ka?" she asked, he blinked fast at her voice, it was husky...

Sexy...

--

Layana's POV:

Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa kanya ang maitim na kulay ng mga mata nito.

Ewan niya kung bakit ang titig lang nito may nangyayari sa kanyang puso.

Tumigil ka nga diyan. sabi niya sa puso niya.

Hindi pwedeng ganito siya sa harap ng isang estranghero.

"P-patingin ng sugat mo" sabi niya at hindi niya alam kung bakit nauutal siya.

Ang laking tao talaga nito.

Habang papalapit siya ay halos dumagundong ang puso niya, kagabi kasi pwede siyang lumapit dito at medyo nahihiya siya, pero ngayon ewan niya parang hiyang hiya na siya.

"Who are you?" biglang tanong nito nung nakalapit siya at bago niya atubiling nailagay na ang kamay sa noo nito.

Napakurap siya.

Kita niyang iginala nito ang mga mata sa kanyang mga mata...pababa sa labi niya?

Labi ba niya ito nakatingin or imahinasyon lang niya?

Imahinasyon ko lang.

Tapos ay iginala nito ang mata sa paligid.

"Why am I here? And why my head hurts?" tanong nito ulit, napakurap siya, alam niya ang salita nito...nakaka intidi siya pero hindi siya nakakapagsalita ng salita nito.

Banyaga ba ito?

"N-natagpuan ka namin sa pampang at akala namin patay ka na--" natigil siya sa pagsasalita nung nakita niyang tila galit ito?

Tama ba ang nakikita niya?

"Someone tried to kill me then?" tanong nito, nagkibit balikat siya, sabagay kung siya malalaman na muntik ng mamatay at may nagtangka ay malamang magagalit siya.

"Hindi ko alam, basta kinuha kita sa pampang bago ka pa makuha ng mga ibang babae dito" sabi niya at muli niyang naalala ang mga babaeng galit sa kanya.

Natigilan ito at tapos ay tumingin sa kanya.

"Who are you?" tanong nito ng marahan sa kanya.

Natigilan siya sa boses nito, dahil ngayon lang niya napansin na ang lalim at ang laki ng boses nito.

"Layana..." mahinang sabi niya.

"Layana... it's so unique" sabi nito at itinago niya sa loob niya ang parang may kung anong bagay ang kumislot sa puso niya at sa pagkatao niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.

Hindi siya umimik.

"Where is this place?" tanong nito.

"Bahay ko" tipid niyang sabi habang kinakalma ang sarili sa titig nito...ewan niya kung bakit titig na titig ito sa kanya.

"I see...which part of the Philippine island is this--ah" sabi nito at sinapo ang ulo.

Agad siyang lumapit dito at inalalayan ito.

"Okay ka lang ba?" tanong niya at sinapo niya ng ulo nito dahil napahawak din ito doon.

"I--I was just dizzy..."sabi nito.

"Ang mabuti pa, humiga ka muna" sabi niya at inalalayan ito, at dahil nakahawak siya sa ulo nito at inaalalayan niya ito at hindi niya nakalkula ang bigat ng ulo nito ay pagkahiga nito ay napwersa siya at nawala siya ng balanse at hindi na niya napigilan ang pagkakasubsob niya.

Sa labi nito.

Napasinghap at nalalaki ang mga matang agad siyang tumayo at hinila ang pagkakaipit ng kamay niya sa ulo nito.

At wala sa loob na hinawakan niya ang labi niya.

Mabilis lang ang pagkakadikit pero ramdam niya ang init,...at kuryente.

Kagabi at malamig ang labi nito nung ibinibigay niya ang gamot nito,pati na din nung inililigtas niya ito.

Kakaiba ngayon...mainit ang labi nito.

Wala sa loob na napatingin siya sa labi nito.

Tapos ay.. dito, nakapikit na ito.

Ha?

Hindi kaya nito namalayan ang nangyari at sa hilo nito ay nakatulog na ito?

Ibig sabihin nito...hindi nito alam na nahalikan niya ito?

Buti naman pag ganoon.

Tinignan niya ito, malalim na ang paghinga nito, senyales na nakatulog na nga ito.

Inayos niya ang kumot nito, at namula siya ng bahagya dahil wala pala itong damit.

Binalikan niya ang damit nitong nilabhan niya para ilabas at matuyo na, nung bumalik siya sa loob ay sinilip niya ito parang tingnan kung tulog nga, nung nasigurado niya ay agad siyang nagluto ng kakainin nito, dahil may sakit ito at ilang oras na walang naging laman ang tiyan nito kungdi gamot at tubig ay dapat hindi mabigla ang tiyan nito kaya nagluto siya lugaw.

Pero umabot na ng hapon ay hindi pa din ito nagigising kaya naman ginising niya ito na humigop lang ng konting sabaw para naman malamnan ang tiyan nito.

Pigil niya ang huwag tingnan ito dahil ramdam niya ang bawat basa nito sa mga galaw niya.

At naiilang siya sa mga titig nito kaya mas mabuti na lang na huwag niyang tignan ito.

"Nahihilo ka pa ba?" mahinang tanong niya, nagpasalamat siya na nakakaintindi ito ng salita niya kahit na isa itong banyaga.

"Still dizzy...but I have a good nurse" sabi nito at napatingin siya dito at agad niyang iniwas ang mga mata dahil tama siya, nakatitig ito.

At pigil niyang huwag mamumla ang buong mukha niya sa ginagawa nitong pagtitig.

"Ano bang nangyari sa'yo?" nagpasalamat siya an hindi siya nautal.

Matagal itong tila nag isip tapos ay tumingin sa kanya.

Lumambot ang mukha nito at tila may naalala na maganda tapos ay tumalim ang mga mata...pero saglit lang iyon na baka nga imahinasyon niya.

"I--I don't...know"sabi nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"Teka...ano pa lang pangalan mo?" tanong niya, nakalimutan niyang itanong iyon dito nung nagising ito kanina.

Natigilan ito.

Tinitigan siya nito...ng matagal.

Kaya iniwas niya ang mga mata.

"Layana..." tawag nito sa pangalan niya.

Napatingin siya dito.

At nakita niya sapo nito ang ulo.

"I--I d-don't know...who am I?"

---

(A:N)

thanks sa pag antay, goodnight!

Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now