Memory

12.4K 425 16
                                    


Chapter 3:

Layana's POV:

Hindi niya alam pero parang nanginginig siya habang papalapit sa bulto ng isang malaking taong nakahiga sa dalampasigan, biglang nanariwa sa kanya ang isang eksena sa isip niya na akala niya ay maibabaon niya sa malalim na parte ng isip niya, pero sa ngayon na nakikita niya ang taong nakahiga ay biglang nanariwa ang sakit ng mawalan.

Mauulit ba ang nangyari dati?

...."buhay pa yata, Layana" iyon ang biglang narinig niya nung nakabalik ang diwa niya sa kasalukuyan.

"Padaan ako" sabi niya at agad na hinawakan ang leeg nito para tingnan ang pulso.

Meron pa. sabi niya sa isip at inilagay ang tenga sa dibdib nito, nararamdaman niya na sobrang hina pagtaas baba ng dibdib nito.

"Tabi kayo!"malakas niyang sabi para magkaroon ng espasyo para sa hangin, at saka niya binalikan ang lalaking sobrang putla, napakurap siya nung natitigan niya ito, ipinilig niya ang ulo at saka niya ipinagdikit ang mga kamay sa gitna ng dibdib nito at saka niya mabibilis na idindiin ang kamay at saka niya itiningala niya ang ulo nito at saka niya inipit ng mga daliri ang ilong nito at saka niya inilapit sa bibig niya ang bibig nitong malamig.

At saka niya binugahan ang hangin sa bibig nito.

Ilang beses niyang ginawa iyon at tagaktak na pawis niya, at nararamdaman niya ang pagod, pero hindi siya pwedeng sumuko.

Sa ikatlong set ng ginawa niyang pagbuga ng hangin ay biglang kandaubo ito ng sunod sunod at kita niyang lumabas ang madaming tubig sa ilong at bibig nito.

Naimulat nito ang mga mata ng ilang saglit at napakurap siya.

Iyon na yata ang pinaka maitim na matang nakita.

"Gising!" malakas niyang sabi nung ipinikit nito ang mga mata, agad niyang inilagay ang tenga sa dibdib nito pero narinig na niyang okay na ang tibok ng puso nito kahit medyo may kahinaan, mas malakas na 'yon ng bahagya keysa kanina.

"Kap? Okay na po siya--"

"Layana? Sa'yo muna siya para magamot" agad na putol nito sa sinasabi niya, natigilan naman siya at napatitig dto, at sa lalaking nakahiga.

"Bakit po sa akin?" takang tanong niya, hindi pwedeng kunin niya ang lalaki, una ay hindi niya kilala ang taong iyon, ikalawa ay babae siya, kahit na sabhin mong oo, hindi nito kayang manakit ngayon, paano pag okay na ito?

At medyo may kalayuan ang bahay niya.

"Ikaw lang ang may kakayahan na manggamot, wala pa ang mga doktor, sa sunod na buwan pa na--"

"Ayoko po" matigas niyang sabi, natigilan ang kapitan nila.

Bumuntong hninga ito.

"Kaya ba ng konsensya mo na mamatay siya?" tanong nito, natigilan siya.

"Kung ayaw po niya, kami nalang po" sabi ng ilang kababaihan, napatingin siya sa mga ito, kita sa mga mukha ng mga ito na kung pwede lang ay malalamon na nila ng buo ang lalaki.

Kilala niya ang mga ito, ang mga babaeng ito ay ang mga babaeng galit sa kanya...at naninira sa kanya sa lugar nila.

Nagtagis ang bagang niya at ewan niya kung bakit uminit ang ulo niya sa isipin na mapupunta ang lalaki sa mga malalanding kamay ng mga ito.

Mukhang mawawalan ng puri ang lalaki.

Bumuntong hininga siya.

"Sige, sa bahay ko...pero pag magaling na siya aalis na siya agad sa bahay ko at hindi niyo na ako mapipilit ang anumang bagay sa kanya" malamig niyang sabi.

Perfect Imperfections : JazzKde žijí příběhy. Začni objevovat