Surprise!

90 6 13
                                    

UNKNOWN

Akala siguro ng magkapatid na Heisen ay di ko alam ang mga pinag-gagawa nila. Nakuha pa talaga nilang mag-lihim sa agency. Hindi alam ng dalawa na sa simula pa lang ay minamanmanan ko na ang bawat kilos nila.

"Nandito na kami sa lokasyon. Anong sunod naming gagawin?" tanong ng isa kong tauhan.

"Stay at your area agent Alfa, wait for my next instruction" tugon ko habang mabilis na ini-scan ang blueprint ng bahay ni agent Cassy sa computer. Chineck ko kung ilan sila sa loob at mayroong apat na pulang dot na nag-appear sa blueprint, iyon ang nagsisilbing icon nila. Base sa pwesto ng mga pulang dot ay nasa sala ang eksaktong lokasyon ng mga ito.

Mayroon ring mga asul na dot na nagsisilbi namang icon ng mga tauhan ko. Nagkalat ang mga ito sa palibot ng bahay.

Kahit may access pa kami sa satellite ay hindi naman talaga namin alam ang nangyayari sa loob. Kaya hindi rin namin alam ang mga pinag-uusapan nila.

Naalarma ako nang may dalawang pulang dot na biglang nag-appear sa screen at kumikilos ito papasok sa bahay.

Sino naman kaya ang mga 'yon?

"Let's enter the house together." anunsyo ko sa kanila. Lumabas ako sa kotse at mabilis na sumenyas sa iba pang mga agents.

Naka-park lang ako sa mismong harap ng bahay nila. Masyadong naging kampante ang mga ito kaya siguro hindi na sila nag-ingat. Palibhasa'y malapit na nilang matapos ang misyon kaya ganon.

Alam ko namang magtatagumpay ang mag-kapatid lalo na't ginamit nila ang anak mismo ng mafia.

*

Nagmamadali kaming kumilos at sinigurong hindi makakalikha nang anumang ingay. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril at agad na nag-instruct sa iba pang mga agents.

"Agent Alfa, agent Quebec and agent Zeke sa backdoor kayo, kami nila agent Charlie at agent Xerxes ang bahala sa main door."

"Copy"

Nang makapasok sa loob ay agad kaming nag-tungo sa sala. And there, I saw the Heisen siblings together with Victoria, Phoenix and their daughter. May isa pang babae pero hindi ko ito kilala.

Sa sobrang gulat nang makita ako ay napatayo pa ang mga ito. The feeling is mutual though, hindi ko inaasahang makita sila rito.

"Iris?!" bulalas ni Phoenix.

"Surprise B*tch!" nakangising saad ko  bago senyasan ang mga agents para barilin ang lahat ng naroon. Pampatulog lang naman ang balang nakalagay, wala pa akong balak patayin ang mag-ina ni Phoenix- sa ngayon.

And besides, may isa akong salita at dahil nagawa naman ng mag-kapatid ang misyon. Congrats! Malaya na sila. Tapos na ang kontrata. Mawawalan na sila ng koneksyon sa agency.

Marunong naman akong tumupad sa usapan.

"Bring them to our hideout" utos ko sa mga tauhan nang umepekto ang gamot at mawalan ng malay ang mga ito.

***

"Any news?" tanong ko kay agent Quebec nang makapasok sa loob ng laboratory.

"Unconscious pa rin ang mag-kapatid Iris. Naging irregular din ang heart beat nila. Are you sure that they're gonna make it?" he worriedly ask. Napairap naman ako sa kanya.

"Did you follow all the procedure?" tumango naman sya. "Then it's done."

Bumaling ako sa mag-kapatid. Halos isang linggo na rin silang walang malay matapos ang procedure. They're both wearing an oxygen mask dahil halos bumigay ang katawan ng mga ito sa ipinagawa ko kay Quebec.

"Kapag naging stable na ang lagay nila, send them to a private hospital and give these documents to their doctor." iniabot ko sa kanya ang mga papeles. Nakapaloob 'don ang bagong sertipiko ng mag-kapatid.

Kapag nagising sila ay magagamit na nilang muli ang mga tunay nilang pangalan. Makakapag-simula na sila ng bagong buhay.

Ginawan ko na rin sila ng bank account at dineposit ko na lahat ng perang kakailanganin nila.

"If I finish my mission, will you also do the same procedure to me?" agent Quebec suddenly asked. I smirk at him.

"It's better to take the procedure than to die right?" hindi na ito umimik.

Sa loob ng isang linggo ay tinutukan ko lang ang mag-kapatid na Heisen. Ilang beses rin sigurong ni-revive ang mga ito dahil sa ipinagawa ko. Halos ayaw na ring ituloy ni Quebec ang procedure but I told him that it's part of his mission kaya wala na itong nagawa.

Ikinulong ko naman ng magkakasama ang pamilya ni Phoenix at binukod ko ng silid ang kaklase ng anak nilang si Jean.

Iniisip ko pa kung anong pwede kong gawin kay Nathalie. Gusto ko kasing bigyan ng magandang palabas ang mag-asawa, at ang bida ay ang  mismong anak nila.

Lumabas ako ng lab at pumunta sa kinaroroonan ni Chivalry. And yes, I was the one who captured him. I was that person. The owner of the Z agency and that stupid microchip.

"Your children didn't fail to amaze me Chivalry." napapangiting saad ko. "Did you know that they accomplish their mission? I believe that they're gonna make it. Nahuli nila si Phoenix nang walang kahirap-hirap." he glared at me and for the first time, after a decade he speak again.

"What are you going to do with my children? Are you going to-" hindi na nito naituloy dahil ako na ang tumapos sa sasabihin nya.

"Sorry but I already did."

Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon