bakit?

129 14 3
                                    

Darius

Ayoko na sanang pumasok sa school dahil ayoko na ring makita si Nathalie. Lalo lang akong mahihirapang gawin ang trabaho namin kung palagi ko syang nakakasama.

Hangga't maari ay gusto ko syang iwasan.

Iyon ang pinili kong gawin dahil hindi ko sya kayang gamitin.

Hindi ko na kayang manatiling kaibigan nya.

Alam kong kamumuhian nya lang ako. Alam kong pagsisisihan nyang nakilala ang tulad ko sa mundo.

Wala akong magawa sa sitwasyon, hindi ko kayang baguhin ang takbo ng isip ng kapatid ko sa planong pag-dakip sa kanya.

Kaya hanggang maaga pa aalisin ko na sya sa buhay ko. Aalisin ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

Inilatag ko kay ate ang mga iba pang paraan na naisip ko para lang 'di madamay si Nathalie pero lahat ng iyon ay nahanapan nya ng mga butas.

Sinabi ko sa kanya na magpakilala na lang kami kay Victoria at sabihing sa Z agency kami nagtatrabaho para makakuha ng impormasyon kay Phoenix, ngunit nangatwiran ito na baka kalaban na namin sya dahil hindi ito bumalik sa agency.

Nakapagtataka pa na mabuti ang lagay nito kaya nagkaroon ng kaisipan si ate na ginagamit ni Phoenix ang dating agent.

Walang malinaw na dahilan ang agency kung bakit nila gustong madakip at mapatay ang Mafia. Ang tanging alam lang namin ay ginagamit nito ang mga bata para kumita ng pera.

Marahil may iba pang bagay na nagawa si Phoenix bukod sa illegal na gawain, marahil iyon rin ang dahilan kung bakit gustong-gusto syang mahuli ng agency.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang sagot.

"Hi Darius!" nakangiting bati ni Nathalie at umupo sa tabi ko. "Thank you nga pala sa pag-sama sakin sa orphanage nung sabado."

Hindi ako umimik at sinalpak ang earphone sa'king tenga. Nakita ko ang pagka-dismaya sa mukha nito.

Wala ba syang alam sa nangyari? Sigurado akong narinig nya ang mga putok ng baril. Isa pa, kung alam ng ama nya na may nagmamasid sa kanila hindi ba't pipiliin nitong umalis sa bansa? Pero ba't nandito pa rin sya?

Baka nga tama si ate.

Ginagamit si Victoria ng Mafia at pati na rin ang asawa't anak nito ay kasabwat.

Baka pain rin nila si Nathalie at alam nyang mga espiya kami kaya ganun na lang siguro ang pagnanais nitong makuha ang loob ko.

Tsk. Kaya pala.

Siguro nga hindi dapat ako agad nagtiwala.

Naramdaman kong kinalabit ako nito pero hindi ko sya tinapunan ng pansin. Humalumbaba lang ako at tumingin sa bintana.

Kahit posible ang mga bagay na iniisip ko, wala pa rin akong sapat na pruweba.

Sana talaga ay mahanap na namin si Dad para masagot na ang mga tanong namin, para malaman namin ang totoong rason.

Habang tumatagal ay lalo lang dumadami ang mga katanungan. Lalo lang dumadami ang mga taong nasasangkot at hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan.

Naramdaman kong may nilapag na papel sa desk ko si Alie.

'Are you okay?' ang nakasulat.

Sorry Alie gusto kong sabihin pero mas pinili kong manahimik at padabog na tumayo't umalis sa room.

Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at hinagis ito sa kung saan.

Madali akong nagtungo sa rooftop ng school at doon ko binuhos ang galit na nararamdaman ko.

Napasigaw na lang ako at napaupo nang mapagod.

Punong-puno ako ng pagdududa.

Pero kahit ganon ay hindi ko pa rin sya kayang tiisin. Gusto ko pa rin syang pansinin, gusto ko pa rin syang kausapin.

Iniisip ko na inosente pa rin sya at walang alam sa sitwasyong meron sya.

Bakit ba nangyayari 'to?

Bakit kailangang sya pa?

Mabilis akong tumingala at kumurap para pigilan ang pag-tulo ng luha ko.

Bakit ngayon ko pa nalaman ang totoo nyang pagkatao?

Bakit ngayon pa kung kailan sigurado na ko?

Kung kailan mahal ko na sya.

Secret Identity Where stories live. Discover now