bodyguard

113 12 2
                                    

Darius

"Anong kailangan mo kay Nhat?" bigla itong tumalon sabay nagpakawala ng malakas na sipa, tumama iyon sa panga ko at nabuwal ako sa tindi ng atake nya, base sa galaw ni Aday halatang bihasa din ito sa pakikipag-laban.

Agad akong bumangon at dinura ang dugo sa bibig ko. Kahit payat ang katawan nya ay malakas syang sumuntok at sumipa.

"Ano namang paki mo sa gagawin ko?" imbis na sagutin ang tanong ko ay bigla syang sumugod at sunod-sunod na nagpakawala ng suntok, sinangga ko naman ito gamit ang mga kamay ko.

Mabilis gumalaw si Merry Jean kaya nakakatama pa rin sya, akala ko magpapakawala lang sya ng uppercut kaya inatras ko ang mukha ko ng kaonti pero bigla nyang niliko ang kamay nya at baba ko ang inasinta nito, siko ang ginamit nyang pang-atake.

Tsk. Muay Thai.

Napapaatras ako sa bawat suntok niya. Kamay pa lang ang ginagamit nito pero nasusugatan na ko. Hindi sya basta-basta sumusuntok, tumatalon pa ito bilang bwelo kaya naman mas malakas ang pwersa 'pag tumatama sa braso't mukha ko. Pakiramdam ko ay mapipilayan na ko sa kanya.

Mabilis syang nagpakawala ng atake pero nailagan ko ito, agad kong hinawakan ang kamay nya at pinilipit ito sa kanyang likuran. Hindi naman sya makakilos sa sakit.

Nagpupumiglas ito kaya mas lalo kong pinilipit ang kamay nya dahilan para mapahiyaw ito.

"Agay! Agay! Bitawan mo nga ko!" reklamo nito.

"Sigurado akong may kaugnayan ka kay Nathalie, sumama ka sakin." hindi naman ito nanlaban. Tinanggal ko ang necktie ko at itinali iyon sa dalawang kamay nya. "Lakad." tinulak ko ito papunta sa isang kotse sa parking lot. Kinuha ko ang hairpin nya sa buhok at iyon ang ginamit ko para buksan ang kotse.

Pinasakay ko ito sa backseat at ako ang nag-drive. Habang nasa biyahe ay nag-salita na ito.

"I'm her personal bodyguard." panimula ni Aday. "Tauhan ako ni Ms. Elle and she told me to keep Nathalie safe."

Elle. Sya rin yung taong naghahanap samin ng ate ko.

"What's her connection to Elle?" tanong ko pa.

"Hindi ko alam. Inutusan lang akong bantayan sya. Elle trained us to protect our client, yun lang ang alam ko."

"What are you?"

"We are hired bodyguards at trabaho naming iligtas ang client namin laban sa inyong mga agent na walang ibang alam gawin kundi pumatay." napa-preno ako sa narinig at bumaling sa kanya. "You're a secret agent, aren't you?" dugtong nito.

"Ano pa bang alam mo?"

"Gusto mong malaman? Let me tell you something about Nathalie. She was preparing something for you, to fix everything and to apologize to you. She loves you..." natigilan ako sa sinabi nito. "... But I guess, you're not the right person for her dahil sinungaling ka." nag-panting ang tenga ko sa huling sinabi nya kaya mabilis kong kinuha ang extrang syringe sa bulsa ko at in-inject yon sa kanyang leeg. Hinintay kong makatulog ito bago mag-salita.

"Lahat ng tao sinungaling, Merry Jean."

***

"Bakit nandito si Ms. Aday?" tanong ni ate nang makarating ako sa bahay nito. Kinulong namin sila sa isang kwarto at hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang dalawa.

"Nakita nya ang mga nangyari." saad ko.

Tinali namin sila sa upuan at nilagyan ng tape ang kanilang bibig. Walang kahit anong gamit ang silid at tanging ilaw lang ang naroon.

Kumuha naman si ate ng itim na sako at itinakip iyon sa ulo nila.

"Ngayon, kailangan lang natin mag-hintay nang ilang oras bago natin tawagan ang mga magulang nya." tumango lang ako bilang pag-sang ayon.

Iniisip ko na lang na ginagawa ko 'to para pareho kaming maging malaya.

Pagka-tapos nito ay kakalimutan ko na sya at hindi na nya ko makikita pa.

Secret Identity Where stories live. Discover now