Hi

614 57 15
                                    

Darius

Tahimik akong umupo sa bandang likuran ng silid katabi ang bintana kung saan matatanaw ang malawak na field. Walang estudyante ang nagtatangkang umupo sa pwestong ito at kung meron man ay agad ding umaalis 'pag nakikita ako.

Pabagsak kong nilagay ang bag ko sa bakanteng upuan para ipamukha sa kanila na ayoko ng katabi. Sandali silang napabaling sakin pero bumalik rin agad sa kani-kanilang mundo.

Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko para mabawasan ang ingay na naririnig ko sa silid. Inihilig ko ang ulo ko sa bintana para magpahinga.

*

Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman kong tumahimik ang paligid. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napansing naka-upo na ang mga estudyante.

Dumating na pala ang prof namin sa English.

Hindi ko man lang namalayang naka-idlip pala ko.

"Good morning!" pag-bati nito.

"Good morning Ma'am" bati ng ilan.

"I think you heard about this already, but today is her first day here." panimula ng prof, walang gana naman akong humalumbaba at inaantok na tumingin sa harapan.

"She's an exchange student from Seoul and she will stay at the university until the end of the semester." dugtong pa nito.

Tinutukoy nya siguro yung babaeng usap-usapan nitong mga nakaraang linggo.

Tsk.

Hindi na naman bago sa university ang mga exchange student, katunayan nga kung ililista ang mga dayuhang nag-aral dito, nasa pang-ilang libo na sya.

"Please come in and introduce yourself miss."

Nakangiti namang pumasok ang naturang estudyante.

Lahat ata ng tao sa klase ay biglang nawalan ng dila dahil sa tindi ng katahimikan.

Psh.

Wala namang bago.

Maputi sya at mukha syang pusa tulad ng inaasahan ko.

"Hi, I'm Nathalie Jung. Masaya kong makilala kayo." tumungo pa ito at muling ngumiti.

Humikab ako bago umayos ng upo.

Fluent naman pala sya sa English at Tagalog. Marahil isa sa magulang nya ay Pinoy.

Narinig ko pa ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko at pagka-mangha nila. Hindi sila makapaniwala na marunong sya ng parehong lenggwahe.

Tsk. Parang yun lang.

Big deal na agad sa kanila.

"You may take your seat Ms. Jung" saad ng prof.

Pwede naman syang umupo kahit saan. Marami ring estudyante ang nag-aalok na tumabi sa kanya pero sa kasamaang palad ako ang napag-tripan nya.

"Hi. Can I sit here?" tukoy nya sa upuan kung san nakalagay ang bag ko. Hindi ako nag-salita at hindi ko rin inalis ang bag sa upuan.

"Ms. Jung I think that's not a good idea. Mr. Vigo doesn't want a seatmate." paliwanag ng prof namin. "You can seat beside Ms. Aday for a while-" alok nito pero agad na nag-reklamo si Merry Jean o mas tinatawag na Aday ng prof.

"Ma'am ba't sa akin? Hindi man pud ako listo mag-english ma'am. No me ma'am. Touch me not!"  pag-tanggi niya. Nagtawanan ang buong klase dahil sa puntong  bisaya nito. May sense of humor naman talaga sya at hindi sya pikon.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Nathalie bago nya ulit ituon ang atensyon sakin. Inalis nya ang bag ko sa upuan at inilagay nya ito sa bandang unahan.

Tiningnan ko lang sya.

Tsk.

Nananahimik ako dito, ba't nya ba ko ginugulo?

"I'm gonna sit here whether you like it or not." iba din kumpyansa ng babaeng 'to ah. Hinayaan ko na lang sya at tinuon ang pansin sa prof namin. Akala nya siguro pumayag na akong makatabi 'tong pusa na to dahil nag-umpisa na syang mag-turo.

Ayoko lang mag-salita, iniisip ko palang na sawayin 'tong pusang 'to napapagod na agad ako.

Maya-maya ay naramdaman kong may kumakalabit sakin. Hindi ko sya pinansin at nagitla ako nang bigla nyang sundutin ang tagiliran ko.

Tsk. Malakas ang kiliti ko sa parteng 'yon.

Tiningnan ko sya ng masama pero agad ko ring kinalma ang sarili ko.

Aish. Bat ba kasi ang kulit ng babaeng 'to?

"Can you talk?" hindi ako umimik "Ha! I knew it" bigla nya kong binigyan ng ballpen at notebook. "Since you're mute you can write down your thoughts here" inosenteng saad nya

Tsk. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ko sa sinabi nya pero seryoso? Nang-aasar ba sya?

"C'mon try it. A simple 'Hi' won't hurt" nag-sulat pa talaga sya ng word na 'Hi' sa notebook at pinakita sa'kin.

Tsk. Ang kulit naman ng pusang 'to.

"Look it's easy. Basic!" ngiting-ngiti pa sya habang pinapakita sakin ang gawa.

Akala mo ay iyon ang pinaka-magandang imbensyon sa buong mundo.

Tsk.

Ayoko sanang mag-aksaya ng laway sa babaeng 'to pero napipikon na talaga ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko para matakpan ang nararamdaman ko.

Ayokong mapansin nyang naiinis ako, gusto kong isipin nyang wala akong pakialam, na hindi ako naa-apektuhan sa kakulitan nya.

Kaya naman, tumingin ako ng seryoso sa kanya, walang ganang humalumbaba bago ako nag-salita.

"Hi."

Secret Identity Where stories live. Discover now