mata

156 26 9
                                    

Darius

Nang maluto ang pagkain namin ay naghanap kami ng mapu-puwestuhan ni Nathalie. Sa di kalayua'y nakakita kami ng bakanteng mesa.

Agad kaming umupo at nilantakan ang isaw at adidas na binili namin.

"Akala ko 'di kumakain ng adidas ang mga Korean." komento ko. May napanood lang kasi ako dati na isang show nila kung saan parang diring-diri yung mga koreana sa paa ng manok.

"I guess I'm different." kibit balikat nitong sagot. Kung sabagay matakaw nga pala 'tong pusang 'to kaya lahat siguro ng pagkain tinitikman.

"Okay lang sayo kumain ng ganto?" I mean hindi kaya mabigla tyan nya kasi diba mayaman 'to? Baka sumakit tyan nya sa gantong pagkain.

"Okay lang. Masarap naman e. I think mas masarap pag may rice? What do you think?" komento nya. Tumayo naman ako para sana ibili sya ng kanin pero bigla nya kong pinigilan. "Wait. Where are you going?"

"Ibibili kita ng rice" saad ko dito.

"Oh." agad syang umiwas ng tingin at napa-ubo. Nahiya pa. Gusto rin naman. Psh.

Bumili ako ng apat na rice sa isa sa mga stall at sinamahan ko na rin ng tatlong bote ng tubig. Para sa kanya lahat 'yan, mamaya makulangan e.

Matakaw pa naman 'yon.

Inabot ko sa kanya ang mga pinamili ko at agad naman syang nag-pasalamat.

"Thank you" mahinang saad nito, o bat di sya makatingin? Kelan pa natutong mahiya 'to? Tsaka bat namumula sya? Naiinitan ba sya?

"Hindi ka nga pala sanay sa mainit na lugar 'no? Malamig nga pala sa Korea." bumalik ako sa pagkaka-upo kasabay naman nito ang pag-angat ng mukha nya.

"Hmm?" tikom ang bibig nito dahil ngumunguya.

"Namumula ka kasi." komento ko, bigla syang nabulunan kaya agad kong inabot ang tubig sa kanya. Madali naman nya itong ininom. "Okay ka lang?" tanong ko pa.

Mabilis syang tumango at hindi na bumalik sa pagkain. Inilagay nya na lang ito lahat sa isang plastic.

"I'll just eat this at home."

Tumango lang ako sabay sabi ng "Okay"

"Thanks for the treat by the way. I enjoy the food." bat parang nagpa-paalam na agad sya? Wala pang isang oras kaming magka-sama ah.

Baka na-bored?

Tsk.

"Uuwi ka na?" hindi ko alam pero nalulungkot ako. Ang bilis naman. Libre lang ba talaga yung gusto nya? Samantalang sa school, kung guluhin nya buong araw ko wagas. Ngayon, wala pang isang oras parang wala ng gana.

Hindi sya umimik kaya nag-salita ulit ako. "Boring ba kong kasama?"

"No! Of course not!" agad nyang sagot. "Look, you're not boring to be with okay? You don't know how much you make me happy kahit makita lang kita ng ilang segundo. I swear your mere presence brings happiness to me-  Oh crap!" tinakpan nya ang bibig nya na para bang may nasabi syang mali. Nanlalaki ang mata nitong tumingin sakin at madaling lumakad paalis.

Wala sa sariling napalingon ako sa pinuntahan nya.

Ano daw?

Anong sabi nya?

Nang mapagtanto kong baka umuwi na ito ay agad akong tumayo at agad ko syang hinabol.

"Wait lang Alie!" masyadong mahaba ang name nya kaya Alie na lang.

Hinawakan ko agad ang kamay nito nang maabutan ko sya. "San ka ba pupunta?" tanong ko. Hindi pa rin sya tumitingin sakin kaya iniharap ko ito at sinubukang hulihin ang mga mata nya.

"Q-quit staring." utal nitong saad sabay hinga ng malalim. Ano bang problema nya. "Please stop staring." pumikit pa ito.

"Ano bang nangyayari Alie?" bigla nyang minulat ang mata nya at tumitig sakin.

What the?

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Tila nakakabingi rin ang kabog nito. Pero hindi ako umiwas ng tingin, kahit naiilang ako ay hinayaan ko ang sariling malunod sa mga mata nya.

Gantong-ganto din yung sa contest.

"Did you feel it too?" seryoso nyang tanong, hindi ko namalayang hinahabol ko na pala ang hininga ko at parang mauubusan na ko ng hangin.

Ito rin ba ang nangyayari sa kanya? Ganto rin ba ang nararamdaman nya?

Ano ba to?

Bakit ba ko nagkakaganto?

"Nevermind." nagkibit-balikat sya at parang bumalik sa dating makulit na pusa. "Let's go there" turo nito sa isang bench sa plaza at hinila ako.

Nang makarating ay umupo sya dahilan para mabitawan ang kamay ko. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Can I ask you something?" simula nya sa usapan. Nag kibit balikat lang ako "Where's your parents? Are you living with them?" nakatingin lang ito sa mga batang naglalaro kaya naman malaya ko syang napagmamasdan.

"My mom died when I was 10, and my dad is still missing." lumingon sya sakin at halata ang pagkabigla sa mukha nya.

"Sorry, I didn't know-" umiling ako kaya natahimik sya.

"Okay lang." nakangiting sagot ko. Napabaling ako sa kamay nito at wala sa sariling natanong kung pwede ko ba itong hawakan.

"Pardon?" marahil di rin sya makapaniwala sa tanong ko. Pero ayoko na kasing bawiin. Kaya papanindigan ko na lang.

"Ang sabi ko..."

Iniangat ko ang tingin sa kanya.

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?"

Secret Identity Where stories live. Discover now