chapter three

Depuis le début
                                    

nang makalapit na ako sa lalaki, mas lalong kumabog ang dibdib ko, ngayon ko lang natitigan ito ng mas malapitan simula nung araw na dinala siya dito, madugo ang mukha at may mga bubog. pero ngayon ay malinis na ang mukha nito. ibang-iba na aura nito, at talagang napakagwapo. kamukha kamukha ito ni kurt. makakapal na kilay matangos na ilong at napakagandang labi na kung titignan mo ay parang napakalambot at parang masarap halikan. hindi pa ako nakaranasan na mahalikan, pero bakit nararamdaman ko ito ngayon ? pagkatapos kong pagsawain ang mga mata ko sa pagmamasid sa mukha ng lalaking ito ay siya namang biglang tingin ng mga mata ko sa katawan nito. tila ba may sariling buhay ang mga mata ko na tumingin dito, at sa maraming pagkakataon napalunok na naman ako sa pagkakatingin ko rito. napakalaki ng braso nito. namumutok ang mga biceps na taglay nito. at dahil sa manipis ang hospital dress, bakat na bakat ang abs nito, tila ba parang sinasadya nito na patigasin ang mga iyon para tuluyang manigas sa paningin ko. at ng biglang bumaba ang mga mata ko, ganun nalamang ang panlalaki ng mga mata ko tila ba nabuhay ang dugo kp at umakyat sa mukha ko dahilan para mamula ang mukha ko. damang dama ko ang init sa mga pisngi ko at sa ganitong pagkakataon alam kong pulang pula na ako.

napaatras ako dahil sa nararamdaman ko ngayon, parang nanghihina ang mga tuhod ko at parang ano mang oras ay babagsak na ako. hindi ko alam. ano? bakit? parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. hindi ko maintindihan ang init na nararamdaman ko sa katawan ko ngayon, tumalikod ako para maalis sa paningin ko ang adonis na nasa harapan ko ngayon.

pagtalikod ko, huminga ako ng malalim, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, at habang naglalakad papunta sa aparador ng silid na ito para kunin kung nasaan ang mga gamit nito, ay nararamdaman ko ang panginginig ng mga kalamnan ko. hindi ko mawari sa kung anong dahilan, gutom na ba? tanong ko sa sarili ko habang kinukuha ko ang hospital dress nito na ipampapalit ko sakanya. nang mukaha ko na ang pakay ko, naglakad ulit palapit sakanya, bago gawin ang bagay na ayaw ko ay chineck ko muna ang dextrose nito inikot ko ang isang bagay dun para matignan kung tama lang ba ang pagdaloy nito nang masigurado kong okay ito , ay tinignan ko naman ang mga gamot na kelangan kong isak-isak dun., at nang maisaksak ko na ang mga gamot, kinuha ko naman ang termometro at maingat iniligay sa kilikili nito. ilang sandali lamang ay siya namang pagtunog nito kinuha ko iyon at tinignan, 38.9 ang nakalagay. at isinulat ko ito sa nasabing record. mabango kaya ang kilikili nito ? out of the blue na biglang tanong ko sa sarili ko. at para masagot ang tanong ko ang siya namang pag-amoy ko nito. ang bango lalaking lalaki ang amoy. at tila nagumpisa na namang maginit ang mukha ko . napailing ako bigla ng mahimasmasan ako, ano bang nangyayari saakin bakit ganito? sanay na naman ako sa mga gwapong pasyente, kung minsan pa nga mga artista pa ang mga pasyente ko. bakit ngayon? ibang iba ang nararamdaman ko. nang makabalik ako sa sarili ko ay siya namang pagkuha ko ng VP nito. kinuha ko ang mga gagamitin ko, at naupo sa tabi nito. dumampi ang balat ko sa braso nito at tila parang may kuryente ang dumaloy saaking katawan ng madikit ang katawan ko sa bahaging katawan nito. nagrelax ako, at parang ako ang kailangan na ma VP, nang makaayos na ako ng pag-upo dahan dahan kong binuhat ang mga braso nito, mabigat ito . dahil sa tulog ito, marahan kong binuhat ito at dinala sa mga binti ko., at ginawa ko na ang dapat kong gawin. nang tapos na ako ay isinulat ko ulit ito sa record nito ang resulta. normal naman. nang matapos kong gawin yun ay hindi ko pa rin inaalis ang braso nito na nakapatong sa binti ko. at pinagmasdan ulit ang mukha nito. tila mahimbing na anghel na natutulog ito, napakaamo ng mukha.

"okay kana man ah ? ang gwapo mo naman. bakit ka nagawang lokohin ng asawa mo?" biglang sabi ko. hindi kalakasan ngunit alam kong maririnig parin nito ng lalaki kung gising ito.

"kung ako sa asawa mo hindi na ako maghahanap pa ng iba eh. kung ako nga siguro ang asawa mo, ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo, pero siguro . sa kabila ng kakasigan mo ay siyang sinama ng ugali mo? kaya ka pinagpalit ng asawa mo"

Love is Blind (StraightXtrans)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant