"Y-you can stay in Aki's r-room. It's okay" nakayuko kong sabi at pinaglalaruan ang mga daliri.

Takot din akong tingnan si Zykiel sa mga sandaling iyon dahil baka makita ko na naman ang mga nanunuya niyang mga ngiti at tingin. Hindi ko alam kung para saan. Pero sa lahat ng interactions namin kanina at kung ganun na lang siya kung makareact, masasabi kong ang babaw naman ng kaligayahan niya. O baka naman ganun lang talaga ako para sa kanya. Patawa.

"You sure?" He suddenly asked while looking at me sideways.

Tinitimbang ang ekspresyon ko. Okay lang naman talaga sa akin. Isa pa, ang mommy niya ang nagbantay kay Aki kanina habang wala kaming dalawa. Bilang psasalamat ko na rin iyon dahil tila natutuwa ito sa anak ko.

Tumango ako at binigyang daan ang mommy niya. Napaangat ako ng tingin at muli kong nakita ang mainit na ngiti nito sa akin. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya.

"I am Ella. You can call me Tita Ella" tila nabasa naman nito ang nasa isip ko.

"I'm El--"

"Elaina Stephanie Villariguez. I know darling"

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Zykiel na kanina pa ako hindi nilulubayan ng malalamig niyang mga titig. Mahigpit na pinag-aaralan ang tagpo namin ng kanyang ina.

Sinabi niya sa mommy niya ang pangalan ko? Ano ang mga pinag-uusapan nila tungkol sa akin?

"Good night, son," nabalik ang tingin ko sa babae.

Hinalikan nito si Zykiel sa pisngi kaya napayuko ako. I miss my mom. Kung sana nandito lang siya. Sana may kakampi ako maliban kay Manang Tess. I was halted from my stupid self-pitying when she also kissed me on my right cheek.

"Good night, iha" hindi ako nakakibo.

Muli niyang tinapunan ng huling tingin si Zykiel saka kami iniwang dalawa. Bumalik na sa kwarto ni Aki. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa ni Zykiel habang nananatiling nakatayo sa hallway. Siya ay nanatili pa ring malamig na nakatitig sa akin. Ako naman ay hindi pa rin maproseso ang mga nangyayari.

Nakakalito. Ang gulo!

"If you want to check on Aki, go on now so you can rest"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang dami dami niyang dapat na ipaliwanag sa akin bukas. Hinding hindi ko siya titigilan hangga't hindi nasasagot ang bawat tanong na tumatakbo sa utak ko.

"What?" he probed.

Iniripan ko siya at tinalikuran.

"Kausapin mo ako kung tagalog ka na. Amerikanong hilaw."

Nagmamartsa akong pumasok ng kwarto ko. Bago ko pa maisara ng tuluyan ang pinto ay rinig na rinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. Siraulo talaga.

Sa sobrang pagod ay hindi na ako nakapaglinis ng katawan. Dumiretso na ako sa kama at humilata. Agad naman akong dinalaw ng antok. Bukas ko na lang bibisitahin si Aki dahil sigurado naman ako na ayos lang siya. Ayaw ko na rin siyang gisingin pa kung sakaling tulog na. Besides, ayaw kong maiwan mag-isa kasama ang mommy niya sa iisang lugar.



KANINA pa ako pagulong gulong pero hindi pa rin ako muling makatulog. Nagising ako dahil na naman sa isang panaginip. Panaginip na si Stephan ang laman. Panaginip na noo'y magandang alaala ngunit ngayo'y isa nang bangungot para sa akin. Dahil gising na gising ang diwa ko ay hindi mapigilang maglilikot ang isipan ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa iisang bubong kaming apat. Come to think of it again. The rapist, the rape victim, the offspring, and the rapist's mom under the same roof. Pinagsama kaming apat pero ang kalmado ng buong bahay. Nananatili sa iba't ibang sulok. Ang mas nakakatawa, magkasama si Aki at ang lola niya sa iisang kwarto. At isa pa, ayaw ng anak ko ang nagshe-share ng kwarto.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now