Pagkatapos ni ate sa kanya ako nalipat.

Tapos sumunod sina Shai, Gelo, Lancell tapos si maam lourdes.

"Sya lang ba? Kami ba wala?" Tanong naman ni shai.

Hahaha

Lumapit naman din ako sa kanya at saka ko na rin sya niyakap.

Pagkatapos noon isa isa ko na silang niyakap lahat.

Ito ang first time na nayakap ko sila.

Gelo: "Grabe pag babae talaga ang tagal at ang higpit ng yakap mo"

Lancell: "hahaha tapos satin saglit lang no."

Lindsay: "syempre mas matagal namin sya hindi nakasama. Kami kaya ang nauna sa inyo"

Shai: " tsaka syempre para-paraan na rin. Hahaha crush na crush ko talaga itong si zon eh"

Gelo: "ako ba hindi moko crush?"

Shai: "ehh? In your dreams!"

Lancell: "hahaha basted agad pare"

Ang saya saya nilang tignan.

Teka!

Magkakakilala na sila?

Tsaka..

"Sandali hmm bakit pala kayo narito lahat? Ate? Maam lourdes?" Tanong ko sabay tingin kina maam lourdes at ate.

Ate: "Dinadalaw ka namin"

Oo nga pala, ang kaluluwa ng mga taong namayapa na ay pwedeng pumunta dito sa dream world.

Yun ay kung gugustuhin nila.

Maam lourdes: "Kukumustahin ko rin sana ang anak ko sayo"

Si.. si gracia.

Napayuko naman ako sa sinabi ni maam lourdes.

"Uhmm.. maam kasi.."

Pano ko ba sasabihin sa kanya na iiwan ko na si gracia.

Na mamamatay na ako sa real world at hindi ko na ma po-protektahan ang anak nya!

Maam: "Umiyak ba sya sa pag alis mo?"

O_O

Napatingin naman ako kay maam sa narinig ko.

Ate: "Zon.. alam namin na aalisin na ang life support mo sa real world"

A-alam nila?

Pero panong—

Gelo: "At nandito kami ngayon para makita ang pagalis mo."

Lindsay: "At pagbalik mo"

Shai: "pag alis mo dito sa dream world ah"

In My Dreams (Completed)Where stories live. Discover now