Chapter 62: My message.

1.7K 39 18
                                    

Chapter 62

Hindi nagtagal ay hinatid din ako nina Royce sa bahay. Nagulat ako nang bumaba rin sa sasakyan si Mommy Vanie. Pinatuloy ko sila sa bahay.

“Upo po muna kayo…” Ngayon lang nakarating sa’min si Mommy Vanie. Hindi ko alam kung kumportable ba siya dahil… compare sa bahay nila, walang wala itong sa’min.

Papunta na ko sa kusina nang hilahin ako ni Royce. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya bago umiling.

“Kukuha lang ako ng maiinom…”

“We’re fine, Hailey. Dito ka nalang, okay?”

“H-ha? Oh… sige.” Pinatabi niya ko sa kanya. Maya-maya ay nakangiting lumabas galing kusina si Lola. Binati agad siya ni Mommy Vanie. Nagbless kami ni Royce sa kanya.

Nang umupo ulit kami ay hindi pa rin binibitawan ni Royce ang kamay ko. Habang nag-uusap si Lola at Mommy Vanie, pinaglalaruan naman ni Royce ang kamay ko.

“May… problema ka ba, Royce?”

“Hmm?” Dinala niya ang kamay ko sa labi niya bago hinalikan ito. Nag-init agad ang pisngi ko. “Wala. Bakit?”

Umiling ako bago bumaling ulit kay na Lola. Natutuwa ako dahil nakikita kong masaya na ulit ang lola ko. Paminsan minsan ay naaabutan ko siyang nakatulala sa picture ni Lolo. Hindi naman maiiwasan ‘yon eh. Kahit ako, miss na miss ko na siya.

“Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyo dahil hindi niyo pinabayaan sina Skyla.” Ngumiti si Lola kay Mommy Vanie.

Naagaw ni Royce ang atensyon ko nang halikan niya ko sa pisngi para magpaalam na lalabas muna siya para sagutin ang tawag ng secretary niya. Mabilis akong tumango. Nakinig nalang ako sa usapan nina Lola.

“Naiinggit ako dahil kahit hindi kayo ang kanilang ina, hindi kayo nagkulang sa kanila. Dumating kasi sa point na sa sobrang depressed ko sa relasyon namin ng daddy ni Royce… binalak ko siyang iwan. Pabayaan na lang sa daddy niya.” Tumulo ang mga luha ni Mommy Vanie. Napatitig ako sa kanya. “Sobrang… sobrang bata pa ni Royce pero iniwan ko siya. Bumabalik lang ako kapag kailangan kong ayusin ang business namin dito sa Pilipinas.”

Gusto ko siyang yakapin at sabihing ayos lang ang lahat pero napanghinaan ako ng loob. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari dati.

“Arranged marriage lang kami ng daddy ni Royce. Natutunan ko siyang mahalin pero hindi niya nasuklian ‘yon. Nang dumating si Royce sa buhay namin, akala ko magiging ayos na ang lahat pero hindi pa rin. Dahil hindi ko kinaya lahat, iniwan ko siya sa Daddy niya.”

“Alam kong nasasaktan ko rin si Royce pero kapag bumabalik ako… sasalubungin niya ko ng yakap. Pinapaalala niya kung gaano niya ko kamahal. Dun ko lang narealize lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Sobrang mahal ko ang anak ko pero sarili ko pa rin ang iniisip ko. Napakawalang kwenta ko…” Ngumiti si Mommy Vanie sa kabila ng mga luha niya. “Kaya tinama ko lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Kahit hindi naayos ang relasyon namin ng daddy niya, kay Royce ko binuhos lahat ng oras at pagmamahal ko. Nagtatrabaho ako para sa kanya. Gusto ko ibigay sa kanya lahat lahat…”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon