Chapter 36: Why, Dana?

2.5K 39 7
                                    

Chapter 36

Sa huli, nanalo pa rin ang COE. Nakakaiyak isipin dahil lalong dumami ang fans ni Roye. Tumayo ako bago naglakad paalis. Hindi ko kayang layuan si Royce. Para fair sa kanilang lahat, lalayuan ko rin si Dana. Parehas sila. Hahayaan ko munang makapag-isip ako nang maayos. Ayokong maging unfair sa kahit sino.

“Saan ka pupunta, ate?”

“Uuwi na, Harley.”

Sa gate 1 na ko dumaan dahil dun na rin naman ako malapit. Naramdaman ko ang pag-akbay sa’kin ng kapatid ko. Dahil tulala pa rin ako, siya ang umalalay sa’kin. Hindi ko na halos na sumakay kami ng jeep para makauwi. Nagulat nalang ako nang nasa tapat na pala kami ng bahay.

“Dito ka muna ate, bibili lang ako ng icecream.”

“Ice cream?” Kumunot ang nook o.

“Yep. Sabi kasi ni Kuya Levi bilhan daw kita ng ice cream. Look oh. Binigyan niya pa kong pera.”

“Bakit mo tinanggap?!”

“Sira ka ba, Skyla Hailey? Natural pera yon!” Lumabas siya agad ng bahay bago ko pa siya mabato ng sapatos.

Nang makita ko si lola na nakatayo malapit sa kusina ay lumapit agad ako para magbless.

“May gagawin ka ba bukas, Hailey?”

“Wala po, La. Bakit po?”

“Pwede ba kong magpasama sa hospital?”

“La?” Nanlaki ang mata ko. Ngumiti agad sa’kin si lola. Mukhang naunawaan niya ang kabang naramdaman ko.

“Ayos lang ako, hija. Nitong nakaraan lang ay medyo sumisikip ang dibdib ko. Siguro ay dahil na rin sa katandaan. Gusto ko lang makasigurado. Masasamahan mo ba ako?”

“Opo, La!” Tumango ako bago lumapit sa kanya. Niyakap ko agad si lola. Hinaplos niya ang buhok ko.

“Thank you, Hailey…”

Tumaas ako sa kwarto ko pagkatapos. Natulog agad ako sa kwarto. Paggising ko madilim na. May note pang nakalagay sa table.

Inubos ko na ice cream mo. - Harley Pogi.

Napailing ako. Luko-luko talaga kahit kailan ‘tong si Harley. Tumingin ako sa orasan. 11pm. Hindi ko akalain na makakatulog ako nang ganon katagal. Geez! Sinilip ko ang kwarto ng kapatid ko. Mahimbing na rin siyang natutulog. Sigurado akong sina lola ay ganon rin. Bumaba ako sa kusina para tignan kung inubos na talaga niya. Napangiti ako nung makitang meron pa siyang tinira para sa’kin.

Binuksan ko ang tv. Nanood lang ako habang inuubos ang ice cream na binili ng kapatid ko para sa’kin.

“B-bakit gising ka pa?” Napatingin ako sa hagdan nung marinig kong magsalita ang kapatid ko. “Matulog ka na!”

Inirapan ko siya bago pinagpatuloy ang pagkain. Nilapitan niya agad ako at hinawakan sa balikat.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon