Chapter 54: Nami and Levi

1.5K 34 9
                                    

Chapter 54

Huminga ako ng malalim. Kung siya nga yon, siguro naman ay lalabas siya ng sasakyan niya para kausapin ako. Kaya sigurado akong hindi siya yon. Tama Hailey, hindi siya yon.

Nagkibit balikat ako bago dumiretso papunta sa bahay. Mabuti nalang at sa phone ko sinave ang mga number ng classmates ko dati. Madali kong makukuha ang mga number nila.

Kaso sa lahat ng mga kaibigan ko, kay Levi lang ang nag-ring. Worst, hindi niya pa sinasagot. Siguro ay susubukan ko ulit mamaya. Iisipin ko muna ang mga kailangan kong gawin.

Kinabukasan ay inayos ko agad ang mga requirements ko para maipasa na. Dumaan ulit ako sa Coffee Shop. Natuwa ako sa paraan ng pagtanggap nila sa’kin. Hindi na ko makapaghintay pa. Mag-eenjoy talaga ako sa pagtatrabaho doon.

Tinawagan ko ulit si Levi kinabukasan, pero wala pa rin akong napala. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinasagot ang phone niya.

“Ate, bakit ang konti naman ng pinamili mo?”

“Para supply lang natin ngayon, gusto mo ba mag-grocery tayo? Sama natin si Lola?”

“Sige, ate. Bihis lang ako. Sabihan ko na rin si Lola.”

Tumango ako kasabay ng pag-akyat niya sa kwarto. Maya-maya ay bumaba siya para tawagin si Lola na busy sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay namin.

“La! Grocery daw po tayo.”

Biglang napatingin si Lola kay Harley  bago ngumiti. “Kayo nalang ng ate mo, ipaghahanda ko nalang kayo ng pagkain pagbalik niyo.”

“Sigurado ka, La? Di mo kami mamimiss?” Tumawa lang si Lola sa sinabi ni Harley. Hindi naman nagtagal ay umalis din kami.

Nasa byahe na kami nang biglang nagsalita si Harley. “Ate, kung mag-mall kaya tayo? Malapit na birthday ni Lola, bili tayo regalo?”

“O-okay... pero bilisan lang natin ah? Walang kasama si Lola sa bahay.”

“Alright!”

Nang makarating kami sa mall ay agad niya kong inakbayan. Pinagtitinginan kami sa loob ng mall… I mean, yung kapatid ko lang pala. Kahit palagi kaming nag-aaway, hindi ko makakailang sobrang gwapo nga nitong kapatid ko. Matangkad pa. Halos balikat niya lang ako.

“Dito tayo.” Pumasok kami sa isang boutique ni Harley. Agad naman kaming in-assist. Halos matawa ako nang makitang nagpapa-cute pa sa kanya ang mga saleslady. Dahil medyo awkward kay Harley ay hinila na niya ko agad palabas.

“Loko loko ka, Harley.”

“Ate, alam kong gwapo ako—” Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay binatukan ko na siya agad. Tumatawa siyang lumayo sa’kin. Confident na confident siya sa itsura niya. Tss. “Dito tayo, Ate!”

Sa huli, damit ang binili namin kay Lola. Nagpunta rin agad kami sa Supermarket para mag-grocery. Hindi naman ganon kadami ang binili namin dahil tatlo lang naman kami nina Lola at isa pa, may mga binili na rin ako kahapon. Pagkatapos namin mamili, lumabas din agad kami. Nagulat pa ko nang medyo nagkakagulo sa labas. Madaming nakakalat na security guards. Naging busy din ang mga empleyado. Wala masyadong nakakapansin na customer dahil busy sila sa pamimili.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon