CHAPTER 12

18 0 0
                                    

CHAPTER 12

Tiffany's POV

Naglalakad lakad ako ngayon dito sa may shore. Last beach resort na to na pupuntahan namin ngayon. Nakakapagod din pala.

Sa bawat destination namin, hindi ako mapalagay. Lagi ko kasing naaalala yung nakita ko. Yung kay Ate Stephy?

Kung sakaling tama yung hinala ko, kawawa si Kuya mga pre! Aba! Syempre di ako papayag na mangyari yun. Aalamin ko muna lahat lahat bago ko sasabihin ke Kuya.

"Tara na daw!" sigaw ni Kuya

Naglakad ako ng paunti unti. Ayoko pang umuwi.

"Ang bagal! Pakibilisan daw!" sigaw nanaman ni Kuya. High blood?

"Wait lang! Ineenjoy ko pa yung tubig sa dagat e wag ka nga!" sigaw ko pabalik.

"May tubig naman sa bahay! Magpakalunod ka pa kung gusto mo." sabi niya.

"Iba naman yung tubig na nawasa sa tubig dagat! Maalat yung tubig dagat!" panunumbat ko.

"Atleast parehong tubig! Edi lagyan mong asin yung nawasa."

"Corny neto." ayun na lang nasabi ko. Simula talaga nung nakilala niya si Ate Stephy e, kumorny!

*
*yaaaawn*

We're homeeee! *0* Pagod na pagod na kaming lahat. Apaka layo kasi nung last resort. Ang sakit pa sa tenga dahil dun sa pressure.

Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nagdinner na kami kanina dun sa stop-over namin. Time check: 10:45 p.m. I'm exhausted na tologo. Naghilamos na ako sa banyo. Wala na ho ako sa wisyo.

After maghilamos, nahiga nako. It's so cooomfy! (Insert conyo tone haha)

I'm gonna sleep na--

"Huh? Bakit?"
"Basta, ayoko na. Tapusin na natin 'to"
"Ayoko! Hindi pwede!"

WHAT THE? Boses yern ni Kuya! Tsaka ni Ate Stephy! Don't tell me tama nga yung hinala ko? Oh please.

Hinanap ko kung san nanggagaling yung boses. And aha! Nasa bakuran namin. Talagang sa tago para hindi makita?

I leaned closer para mas marinig ng malinaw.

"Sorry. Pero ginamit lang talaga kita." sabi ni Ate Stephy. Awtsu brad!

"What?" sabi naman ni Kuya. Malumanay yung boses niya. Malungkot yung mukha niya, konti na lang tutulo na luha niya. First time to mga tol!

So, dahil nga first time to, kinuha ko agad yung dslr ko. Kagad kong kinuhanan ng picture si Kuya.

* flaaaash

"Wtf? Teejhay?! Bat andito ka?!" gulat na tanong ni Kuya.

I'm dead. Goodbye world. Shushunga shunga kasi ako. Di ko namalayang naka on pala yung flash. Tatangetangengot kasi! Napasabunot na lang ako. Bwisit bwisit!

Hindi nako sumagot sa tanong ni Kuya, instead nag✌ na lang ako habang papalayo sa kanila. Sheeeeeti! Magtatago na ko neto.

Hingal na hingal ako pagkapasok ko sa kwarto. Nilock ko agad yung pinto. Para safe sa ratrat ni Kuya.

Di ko na mapapakinggan yung usapan nila niyan. Huhu. Y u gotta be so tanga kasi Teejhay? Ha? ha?!

Nagtakip na lang ako ng unan atsaka na natulog. Walang wala na talaga ako sa wisyo.

*

It's Saturdaaaay na. Kanina pako gising actually. Wala si Kuya, ewan kung asan. Sina Mama and Papa naman, nasa Bora, may business meet up. So, it means, ako lang an mga maids.

Here it goes. Boring again. Oo nga pala, hindi na dito nakatira sina Cris and Drei, nakauwi na pala yung parents nila.

Speaking of Drei, arghh! Sino ba talaga yung naghatid sakin dito sa bahay? Ang sabi kasi ni Mama, si Kuya daw. Pero no! Si Drei yung nakita ko. Imposibleng si Kuya yun promise! Malayo itsura. Gwapo Kuya ko, pangit si Drei✌

"Hoy Tiffanyyy!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa labas.

"Wut?" pa cool kong sabi ng harapin ko siya. As usual, it's Cris. My poodle bestfriend. Nakakasawa na po mukha nito pramis.

"Wala lang. Namiss ko lang bahay niyo haha." sabi niya. Psh.

"Ang boring nga dito e! Ano ba pwedeng gawin?" bored kong sabi.

"Basketball tayo!" masiglang sabi ni Cris.

"Saan naman?"

"Sa basurahan. Try natin." Pilosopo niyang sagot.

"Aba, aba! Tinatanong ka ng maayos. Sumagot ka ng maayos!"

"Sorry na bHowSZxc. Sa court ho kasi." Kaya pala naka jersey to. Para ready. Nagpalit muna ako ng dami then kinuha yung bola ng basketball dun sa bodega.

*

Shoot! Three points! Em ze geleng hehe.

"Time out muna! Pagod na ko!" sigaw ni Cris habang nag tatime out sign. Weak pala to haha.

"Cris, let's go." may nagsalita. Cold. Pagkaharap ko, wala na si Cris. Woooo.

"Tiff! I'm hereeee! Sinundo nako ni Kuya! Babuuush! Next time na lang uleeee!" Sigaw niya mula sa malayo. Aning talaga yung poodle na yun e.

Naalala ko nanaman si Drei. My mind will explode na.

Story of My High School LifeWhere stories live. Discover now