CHATPER 1: ALPHA<3

109 3 0
                                    

CHAPTER 1: ALPHA<3

Tiffany's POV

"GISING NA! TIFFANY BABY!"

*yawwwn! *mulat mata* ^_^

Maganda ba yung ringtone ko? Boses yan ng crush ko e. Inedit ko lang yung sinabi niya. Hehehe. ^.^v

Nag-ready na 'ko para sa pagpasok ko. Gosh! I'm so excited! Eto na yung araw na pinakahihintay ko! *0* Thank youuuu Lord!

***

Ligo dito, bihis doon. Yesss! I'm all set! Bumaba na ko sa kusina at dinatnan sina Mama at Kuya na kumakain na ng almusal.

"Good morning, Nak! Kain ka na! :)" si mama yan. Caring, loving, lahat na nasa kanya, kaya mahal na mahal ko yang si Mama.

"Hoy Panget! Kain ka na! Malate pa tayo niyan e!" si Kuya Troy yan. =___= Masungit na mabait? E basta! Di ko maexplain! Pero mahal ko yan! ;)

"Good morning po Mama! Kuya! Uso mag "good morning'. :3" sabi ko.

"Di uso sa 'kin yun. Sa inyo lang." poker faced na sinabi ni Kuya.

Nako! Kahit kelan talaga. -.- Umupo na lang ako, sa upuan malamang. Hehe. Tsaka kumain ng breakfast.

"Oy TJ! Bilis bilisan mo yang pagkain mo ha? Punta na 'ko sa kotse. Hintayin na lang kita 'dun." K. Siya na nagmamadali.

"E, Kuya naman oh! Anong oras palang! =____= Geh. Pangit mo!" Sama ko ba? XD Ganyan naman talaga kami ni Kuya. Masanay na kayo. Haha!

At ayun nga po, binilisan ko yung pagkain, mahirap na, baka maiwan pa ni Boss Troy. Nilagay ko na yung pinagkainan ko sa lababo at nagsipilyo na. Nagkiss na ko kay mama at pumasok na ng sasakyan.

"Kuya, excited na 'kong pumasok. ^_^" masayang sabi ko.

"Wala akong pakelam." kelan ba magkakaroon ng emosyon mukha neto? Tss.

"E! Basta! Kuya, mababait ba mga studyante dun sa Lowland? :D" tanong ko.

"Depende sa mukha mo, baka ma-bully ka dun, tignan mo mukha mo oh? Mukha kang manang!" sabi ni Kuya. He's so mean T^T

"Nakks! Hiyang hiya ako sa mukha mo ah?! xD" banat ko. =P

"Talagang mahiya ka! POGI 'to pre!" sabi niya sabay kindat.

"Woooh! Pengeng mapa! =P" sabi ko. Ano ka ngayon? Ha? Ha? XD

"Pssh! Inggit ka lang sa kin! Tsk! Haha! O andito na tayo." sabi ni Kuya.

"Hindi ako naiinggit sa PANGIT mong mukha. GANDA na netong mukha ko e! ;)" sabi ko sabay kindat din. Kala mo ah? =P Bumaba na ko sa kotse.

Ang laki din pala netong Lowland University. Nga pala, first time ko dito, si Kuya naman 4th year high school na siya dito sa Lowland. Pagkatungtong palang namin sa gate ni Kuya, andaming mga babaeng agad na lumapit sa kanya. Oo nga pala, famous siya dito, MVP kasi siya ng varsity nila. Sabi nga daw nila and swerte ko kasi "Kuya" ko si Troy Reyes. E sinong magiging suwerte kung puro asar at pang ookray matatanggap mo dyan? Wala diba? XD

Nung nagsialis na yung mga higad, oops! Lemme correct, nung nagsialis na yung mga girls, lumapit na sakin si Kuya tsaka ako pinagkakaladkad. =__= Anproblema neto?!

"Hoy! Masakit yun Kuyaaaa! T^T" daing ko. Tignan nyo tuloy 'tong braso ko oh! May pasha na. :(

"Wag ka ngang mag drama dyan! Di mo bagay! Gusto mong ipa-bully kita?" sama talaga neto. T^T

"Gusto mong sumbong kita dun? ;)" Wahahaha! =P sabay turo ko dun sa isang babaeng nakaupo dun sa may bench sa garden ng school.

"H-ha? A-anong sumbong? Hehe. ^_^" parang biglang naging maamong pusa 'to ngayon. Parang kanina lion e! WEAKNESS: Ate Stephy. Yep. Crush nya. =P Kapatid naman ni Ate Stephy yung crush ko. *0* Aye! Lande. XD Jk.

Story of My High School LifeWhere stories live. Discover now