CHAPTER 19

5 0 0
                                    

TIFFANY'S POV

"Ay eto na, malapit na siyang magising"

"Omg Tiff.Gising!"

"What happened to her ba?"

"Shh guys! Baka maingayan sa'tin!"

Ang ingay naman! Sino ba tong mga to! Minulat ko na yung mata k—

"WAAAAAAAAAAAA!"

"AAAAAAAAAAAAH!"

"NYAAAAAAAAAAAA!"

"KYAAAAAAAAAAAAH!"

Sabay sabay naming sigaw nila Cris, Jaimee, Aloth and Iane.

"HOY ANO BA--" saway ni D-Drei?

Tumingin dito banda si Drei ng nanlaki yung mata. Napalaki din tuloy mata ko. Then umiwas siya ng tingin. Umiwas na rin ako.

"E kasi naman si Tiff! Kung makasigaw!" sabi ni Cris.

"E pano ba naman! Apaka lapit ng mukha niyo sa mukha ko! Konti na lang e, magkapalit na tayong apat ng mukha!" sabi ko. Bat ba andito ako sa clinic? Anyare? Tsaka bat nandito si Drei?

"Ayaw mo nun, de naging dyosa ka na kung nagkapalit tayo ng mukha" –Jaimee

"Kapaaaaaal!" sabay sabay naming sabi sa kanya.

"K" –Jaimee

Naka-higa si Drei sa kabilang kama. Next to mine. Naalala ko na pala yung nangyari kanina. Yung nahimatay ako. Well, di ko talaga alam kung bakit ako nahimatay.

Buti pala nasa clinic din tong si Drei? Nahimatay din? May sakit kaya siya?

"Hoy Tiff, okay ka na ba?" sabi ni Cris

"Oo, tara?" aya ko.

Napalingon ako ulit sa side ko, nakita ko si Drei na nakapikit. Natutulog na ata. Parang ayoko tuloy umalis sa clinic—AY HINDI! ERASE ERASEEE!

"Ayieeeee" sabay sabay na sabi nilang tatlo.

"Anyare sa inyo? Na-aaning lang?" sabi ko.

"Hay nako. Nasa 'in denial stage' pa rin si Tiff. Tara na nga guys!" sabi ni Cris.

In denial daw? Huh? Di ko gets.

Tumayo na 'ko tsaka kinuha ko na yung bag ko. Tinignan ko yung wrist watch ko. 5pm na. Grabe? Ilang oras ako natulog?

Umalis na kami sa clinic. Naiwan si Drei dun. Ngayon ko lang siya ulit nakita after nung nagshopping kami nila Cris.

DREI'S POV

(Eto yung scene nung nasa clinic pa si Tiffany. Walang nagbabantay sa kanya kasi may klase pa yung mga friends niya)

Papunta sana ako sa canteen, pero napalingon ako sa may clinic. Nandun si Tiffany. Nakahiga.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko pero nagkunwari-kunwarian akong may sakit.

"Miss, pwede bang pahiga muna?"

"A-ahh sige lang!" sabi nung nurse. Nagbe-beautiful eyes pa. Tsk. Iba talaga 'pag gwapo no?

Humiga ako dun sa katabing bed ni Tiffany. Ang amo niya palang tignan 'pag natutulog.

Ilang araw ko rin siyang di nakikita a? Iniiwasan ba niya 'ko? O ayaw niya lang akong makita? Naiilang ba siya or what? Hay.

Ilang minuto ko rin siyang tinitignan. Parang may glue yung mukha niya. Di ko maalis yung tingin ko. What's wrong with me?

"KUYA?!"

Sh*t si Cris! Bigla akong humiga ng maayos.

"Oh?" cool kong sabi.

"May sakit ka? May masakit ba sayo?" sabi niya ng nag aalala. Kasama niya yung friends niya. Di ko kilala e. Lumapit siya sa akin tsaka niya hinipo yung noo ko. Tinitignan siguro kung may lagnat ako or something.

"Wala ka naming sakit or lagnat a? Bat nandito ka sa clinic-- *napatingin sa pwesto ni Tiffany* oohhh. I smell something fishy fishy."

"Tss. Hindi yun yung reason kung bakit ako nandito no. Sumakit lang ulo ko kanina. Mainit kasi. Hot ko kasi." Palusot ko.

"Hay nako kuya! Sakin ka pa nagsinungaling? Nako nako." Sabi niya. May pailing-iling pa siyang nalalaman.

"Ewan ko sayo." Sabi ko saka na pumikit

*bulong bulong

Ano ba binubulong bulong netong tatlong to? Ang ingay! Di ba nila nakikita na may nagpapahinga?

"WAAAAAAAAAAAA!"

"AAAAAAAAAAAAH!"

"NYAAAAAAAAAAAA!"

"KYAAAAAAAAAAAAH!"

ANG INGAY! NAKAKARINDI! NAPUNO NA 'KO.

"HOY ANO BA—" ay sh*t naka-gising na si Tiffany.

Nagka eye-to-eye contact kami mga 20 seconds. Umiwas na lang ako ng tingin. Awkward kasi. Nahiga na lang ako ulit tsaka ipinikit yung mata ko. Nakinig lang ako sa usapan nila.

"Ayieeeee" sabay sabay na sabi nila. Ang ingay talaga.

"Anyare sa inyo? Na-aaning lang?" sabi ni Tiffany.

"Hay nako. Nasa 'in denial stage' pa rin si Tiff. Tara na nga guys!" sabi ni Cris.

In denial? Si Tiffany? Hay. Bahala na nga sila. Matutulog muna ako ulit.

Story of My High School LifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt