CHAPTER 7: Kabuteng Andrei

57 1 1
                                    

CHAPTER 7: Kabuteng Andrei

T.G.I.S. Yeahhh! My favorite day. XD Ay mali! Erase erase! Ayoko sa Sabado, boring. Mwehehe. As usual, punung- puno ng kaboring-an dito sa bahay. Ano pa nga ba diba? ._.

Bakit ba pag Sabado ang boring? :3 Yung iba nag viviva pag Saturday. Di ko magets yung punto nila, amboring kaya pag Sabado-- wait! Di ako nakapag detention kahapon! 0.0 I'm going to die. ><

*tok tok!

"Pasok." matamlay kong sabi. Nakakawala sa mood yung boredom. ._.

"Anyare sa yo ha? :3" tanong ni Kuya. Aba! Aba! BLOOMING ang lolo nyo! XD Kfly. Kaw na may lovelife.

"Di ako nakapag detention." sabi ko. Hinila hila pa kase ako. -.-

"Ede mabuti! Ayaw mo nun? Walang hirap." sabi niya. Mukhang proud na proud pa sa sariling sagot. x)) Binatukan ko siya.

"Tangeee! Common sense naman o! Lalo akong mapapagalitan neto e. Hinila hila pa kase ako." sabi ko.

"...."

"Ay ge. Tumahimik ka na lang. Yayaman ka dyan." badtrip kong sagot.

"Init ulo. Gawa ka na lang ng loombands, para di ka mabore." sabi ni Kuya atsaka na lumabas ng pinto, malamang,

[Insert lightbulb]

Tamaaaa! Loombands ang sagot sa aking dalangin. XD

Kinuha ko yung mga loombands ko tsaka loops. Pati naren yung hook na mukhang pantulok. XD Sinimulan ko ng gumawa. Ano kayang magandang kulay? *0*

Gawa dito. Gawa doon. Sungkit dito, sungkit doon. Ang dami ko nang nagawa. ._. Ano to? Pwede na kong magbusiness. XD

Pssh. Ang daming impluwensya ng mga kaklase ko saken. >< Loombands ang unang una dyan syempre, sunod na lang yung pagiging baliw. Inborn na saken yun.

Ang daming loombands. Sino gusto? Taas paa! Kani-kanino ko naman ibibigay to? Okaya suotin ko na lang kaya silang lahat? Adik ko. :3

Lumabas muna ako ng kwarto. Baka pumuti buhok ko pag nagstay pa ko dun. Mwehehe.

Sa loob ng 2weeks nameng pagsasama ng mga kaklase ko, supah close na kame! Tinde nuh?? Ganyan talaga. XD Mga baliw kami e. Birds with the same feather flocks together nga diba? :P

Pumunta muna ako ng kusina, lalamon muna. Gutom na mga alaga kong dragon sa tyan. Hehehe. ^_^ Kung mapapansin nyo po, medyo lumolobo na ang lola nyo. Ganto ba talaga impluwensya ng mga kaklase ko? :3 Bad sila! Dejoke.

*toot toot

Tunog po yan ng phone ko. Pagpasensyahan nyo na po si Author. Bulok sa sound effects. x) Sino naman kaya yang nagtext? At syempre, chineck ko. Ay hindi, kinross ko ganon? XD Yah! Corny ko. Sobra.

[ 1 message received

From: Lissel

Uy Teejhay! Punta raw tayo sa school dati! Bisitahin daw naten si Ma'am. Nag aaya mga kaklase naten. ]

Si Lissel pala. :3 Kaklase ko dati. At the same time, bestfriend ko. :) Yeeii. Ngayon ba kami pupunta? Aba e! Walang klase ngayon! Di pede!

[ To: Lissel

E, wala namang klase ngayon ah? Sa Monday ba? :3 ]

Mas maganda nang malinaw diba? Kesa malabo. Mahirap na. Baka maging ultralabo tulad nung kaklase kong nakasalamin na kalog na sabog. Jokeee. (Peace tayo dito Jasper! :P) Okay. Tumunog nanaman phone ko.

[ 1 message received

From: Lissel

Yeah. Kung gusto mo pumunta ka mag isa dun. Dalawin mo si Sadako your friend. ]

Adik to. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ko naging bestfriend yan huh? XD Di ko nga lang sya schoolmate ngayong first year, lumipat na kase sila ng bahay. Medyo malayo kaya, lamna. :/

At dahil sa kasipagan ko, diko na siya nireply-an. Hehe. Ang bait ko nuh? ^_^v

Pagkatapos kong kumain, naghugas nako ng pinggan. See? Sipag ko! XD Pagkatapos kong maghugas ng pinggaan, pumasok na ko ulit sa kwarto. Hate na hate ko talaga sabado. ._. Nakakabagot. Lang magawa. :3

Kinuha ko na lang yung netbook ko then nag epbe. Pagka log in na pagka log in ko ng fb ko, ang daming messages. o.O Syempre, galing sa groupchat nameng mga magkakaklase ko. Sabi senyo e! Close kami! XD Pero pag sa school mga snobber yan. Galing nila nuh? Hehehe-- Si Andrea. Naka online.

Naalala ko nanaman. -.- Eto nanaman ako. Hay! Ang hirap magpanggap na masaya. Ano ba kaseng magagawa ng isang tulad ko laban kay Andrea? Maganda siya, mabait, matalino. Saan ka pa diba? Nasa kanya na lahat! E ako? Nganga! Puro kabwisetan sa buhay ang dala kay Kuya. Hay. E kung kausapin ko kaya si simsimi? :3 Ewagna! Puro pamimilosopo lang naman alam nun. E sino ba dapat? Tata Lino ganun? ><

Bumaba na lang ulit ako. Pagkababa, dumiretso ako sa may sala. Andun sina Ate Stephy tska Kuya. Ang sweet nila. Nakaka umay. Pweee. At dahil sa di kanais nais na scenario sa may living room, lumabas na lang ako ng bahay. Maglilibot-libot na lang ako dito. Makakalanghap pako ng sariwang hangin diba? Hanuba?! ._.

Habang naglalakad-lakad ako, nahagip ko yung isang pogi-- este halimaw na nilalang. Sino pa ba? Ede si Drei! Sa dinami dami ng mga taong makikita ko, bat sya pa? Di ba pedeng si Stephen-- ay wag. No no no no. Okaya si Andrea-- wag din. NO WAY! Mabuti na rin sigurong si Drei na lang nakita ko. :3

Anyways, di ko naman siya pinansin. Umupo lang ako sa may swing ng playground. :3 Anbang magandang gawin? Tsk. Stephen naman kase. ._.

"Tigilan mo yang kadramahan mo Bruha! Umayos ka!" sigaw ni--

"Drei?!" taka kong tanong. Ba't andito tong mokong na to? Teka, bat basa mga pisngi ko? :3 Umuulan ba? Tumingala ako para tignan yung langit pero, cloudy day ngayon. Walang araw kaya presko. Wag mong sabihing--

"Hindi, hindi si Drei to. Tange lang? Oo. Umiiyak ka. Napaka drama kase. Tss." sabi niya. Nakalahad naman yung kamay nyang may panyo.

"Naaadik ka ba? :3 Anong meron sa panyo mo?" taka kong tanong.

"Pagong naman oh!" sabi niya tsaka pinunasan yung mata ko tsaka cheeks. Ghad. Ang init ng pisngi ko. :3 Kaya naman, tinulak ko siya. Dahilan kaya siya napaupo sa sahig. Wow. Lakas ko. XD

"Ano ba?! Lumayo ka nga sakin!" sigaw ko. May sariling utak na bibig ko. Ayos to. At dahil sa inis ko. Ewan ko ba kung bakit. Bigla na lang akong tumakbo. Mabilis. Literal. Feeling ko tuloy ako si The Flash. Napunta ako sa sulok ng subd. sa may ilog. Umupo ako dun sa isang malaking bato. Ang lamig ng simoy ng hangin dito. Nakakagaan ng feeling. Nakapikit kong dinadama yung hangin ng.... to be continued.

-------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hi guys! Sorry sa slow update. Hehe. Nagstart na kase yung klase. Ineenjoy ko lang yung pasok. XD At dahil sa request ng kaklase ko na mag update ako, ayan. Kahit maikli MUNA. Di pa yan yung kabuuan ng Chapter 7. :) Thank you so much sa mga nagbabasa ng SOMHSL! Nyaa! Kahit sabaw. XD God bless! Ingat sa pagpasok! :*

'ELASTA_G

Story of My High School LifeWhere stories live. Discover now