CHAPTER 20

7 0 0
                                    

TIFFANY'S POV

Kakadating ko lang sa school ngayon. Medyo late nga ako ngayon kasi sa hospital pa 'ko galing. Sinamahan kong magbantay si mama. 1 week nang naka confine si papa ngayon. Inoperahan na siya pero need pa rin daw niyang mag undergo ng tests. Dapat pala tulungan kong mag-review si papa para mapasa niya yung test no? Hihi. Mahirap siguro yung itetest niya, lalo na sa math. Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Cris.

"TIFFANY!" salubong sa akin ni Cris.

7:30 am na kaya inaya ko na siyang pumasok. Eto namang si Cris e sa ibang direksyon pumupunta. Malelate kami neto e. Grabe, inaantok pa siguro to.

"Hoy di naman dyan yung daan papuntang room a? Sa right wing kaya yung room natin! Pwede namang mamayang uwian natin libutin itong school a?" napatigil ako saglit sa pagsasalita "Wag mong sabihing balak mong mag-cut ng klase Cris? Nako, bad yun!"

Napakunot naman yung noo niya. Hindi niya ba na gets yung sinabi ko? Siguro nga inaantok pa 'to.

"Mag cut ng klase? AKO? Tsaka diba dito tayo sa left wing nagtetake ng exam?" takang sabi niya.

"Exam?" mas lalong takang sagot ko. Hala! Akala ko si papa lang mag-uundergo ng test, ako din pala?

"Oo, E-X-A-M. Exam natin ngayon diba? Malapit na mag time Tiff tara na baka ma-late pa tayo!"

Exam day daw ngayon? Wala namang nagbalita sa akin. Tsaka di pa 'ko nagrereview! Pano na 'to? Huhuhuhu

"TIFFANY JANE!" sigaw ni Cris na nag-echo pa sa corridor

"O-oh?"

"Tara na sabi! Malelate na tayo!"

"Pero Cris, di pa ko nakakapagreview! 'Pano na 'to?"

"Ay oo nga pala di ka na-inform! Nasa clinic ka nga pala nung in-announce! Di bale okay lang yan. Stocked knowledge my dear!" sabi niya sabay kindat. Eww.

Kaya ko 'to! Aja aja! Fighting!

*

"Huhuhu Crisssss! Feeling ko babagsak ako sa Math huhuhu. Ikaw naman kasi! Bat di mo ko ininform na exam na pala ngayon?"

"Nakalimutan ko kasi e." Nagka amnesia ba si Cris kaya niya nakalimutan?

"Cris, nagka-amnesia ka ba?" tanong ko ng may pag-aalala.

"Ako? Amnesia? Hindi no!"

"Sige nga, anong pangalan ng kuya ko?"

"Ay jusko. Yung totoo--

"Sagutin moooooo"

"Tss fine. Troy!"

"Ay ang galing. Eto next question. Ano pangalan ng kuya mo?"

"The heck Tiff? Mukha ba talaga akong nagka amnesia? Aning ka na ba ha?"

"Chinecheck ko lang! Eto naman e init ng ulo!"

-

CRIS'S POV

Nakakaloka tong si Tiffany. Epekto ba 'to nung pinainom sa kanya nung babae last week? Yun din yung pinaghihinalaan naming dahilan kung bakit na-clinic si Tiffany last week. Patay talaga sakin yung babaeng yun pag nalaman ko kung sino siya.

Tahimik lang kaming kumakain dito sa canteen. Buti nga tumigil na sa kakadaldal tong babaeng to e. Napaka hyper ngayong araw.

"Hi guys!" si Stephen pala.

Ngumiti siya sa akin. Dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ugh. Lagi na lang ganito pag nginingitian niya ako. What's with his smile?

"*ehem* matunaw si Stephen niyan ha!" nang-aasar na sabi ni Tiff. Kaagad naman akong napaiwas ng tingin. Hay nako! Panira ng momentum.

"So, kamusta na kayo?" -Stephen

"Nako alam mo ba phen, nagka amnesia si Cris! Buti nga naaalala niya pa tayo e!" -Tiff

Huh? Apaka kulit talaga neto! Ilang beses ko naman nang sinabi sa kaniyang wala akong amnesia e.

"Totoo ba Cris? Grabe! Kilala mo pa ba ako?" nanlalaking mata na tanong ni Stephen. Anak ng tinola. Ang cute pa rin pala niya kahit malaki yung mata hehe. Bat ganon? Kahit anong anggulo gwapo pa rin siya? Haaaaay. Ang ganda pa ng kutis. Mas smooth pa ata kaysa sa akin---- WTH

"Tiff, mukhang tama ka nga. Nagka amnesia na si Cris, hindi sumagot sa tanong ko e. Baka hindi na niya ako kilala! Huhuhuhu Crissssss! Ako 'to si Stephen! Best friend mo!" sabi niya with matching teary eyes. Konti na lang talaga mapapagkamalan ko na 'tong bakla kung di ko lang siya gusto-- wait what did I just say?

"Hoy! Wala akong amnesia no! Masyado kayo." sabi ko tsaka sumubo ng carbonara.

"E bat di ka sumagot kanina nung tinanong kita?" -Stephen

"Hindi ba pwedeng pre-occupied lang yung utak ko?" -Me

"At sino namang umo-occupy sa utak mo?" sabi ni Tiffany habang may nakakalokong tingin at ngiti ang ibinigay nila sakin ni Stephen.

"Si Ste-- i mean yung steak! Oo tama! Yung steak! Ay sakto! Pork steak pala ulam mo S-stephen? P-penga ha?" sabi ko sabay kuha ng kapirasong steak sa plato ni Stephen. Nakanang! Saan ko ba napulot yung palusot ko na yun?

Nagtinginan na lang sila Stephen at Tiff tsaka sabay na nagkibit balikat. Hindi ba kapani-paniwala yung palusot ko?

-

TIFFANY'S POV

Tapos na kaming mag-lunch ngayon nila Cris. Hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya. Ewan ko sa babaeng yun! Hinihintay ko lang si Cris dito sa labas ng banyo. Apaka tagal! May exam pa kami sa iba naming subject e!

"Let's go na girl!" sabi niya sabay hatak sa akin.

Pumunta na kami sa room na pagte-testan namin. Atsaka kumuha na ng exam.

Nang matapos na kaming magsagot, pinuntahan namin si Stephen.

"Stepheeeen!" sigaw ko habang patakbo papunta sa kaniya. Kasama niya pala si Chris. Cool! Apat na kami ngayon!

"Sama muna siya sa atin guys ha?" sabi ni Stephen

Natahimik ata si Cris ngayon? Anyare?

"Ahmm, oo naman! Hehe! Chris, eto nga pala si Cris! Hahahaha Cris eto naman si Chris" pagpapakilala ko sa dalawa. Medyo ka close ko naman na si Chris kaya di ko na kailangan magpakilala pa.

Naka-smile si Chris at ready nang makipag shake hands pero biglang tumakbo palayo sa amin si Cris. Nako! Baka maligaw siya! Diba nagka-amnesia siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Story of My High School LifeWhere stories live. Discover now