CHAPTER 11

21 0 0
                                    

CHAPTER 11

Tiffany's POV

November na pala ngayon. Apaka bilis ng panahon no? Sembreak na rin namin. Kainip nga sa bahay e. Si Kuya lagi lang silang nagdedate ni Ate Stephy.

Kasalukuyan kami ngayong papunta sa Bataan. Mag iinquire kasi si Tito sa mga beach para sa kasal nila ng nobya niya.

Tahimik lang kaming lahat dito. Yung iba, tulog. Pano ba naman, mga excited pumunta ng Bataan. Tsk. Aga aga tuloy naming nagising. Kabadtrip mga tol! Nagpatugtog na lang ako para hindi masyadong nakakainip.

"Tsk! Ano ba yan! Ang ingay! Patayin nyo nga yan!" sigaw ni Kuya. Tsk. Kontrabida forevs.

"Ayoko nga! Nakakainip kaya! Matulog ka na lang!" sigaw ko pabalik. Alam nang badtrip ako e.

"Mag earphones ka kasi! Matulog ka na lang din para hindi ka naiinip." sabi niya.

"Nakalimutan ko kayang dalhin! Pano, nagmamadali kayo. Psh. Nainis mo pako kanina! Magdusa ka ngayon! Paparamdam ko sayo kung papano mo ko ininis." sabi ko.

*flashback

"Teejhay! Bangon!" sigaw ng isang boses ng lalaki.

"Ayoko pa! Sarap ng tulog ko e! Dun ka nga!" sigaw ko habang nakapikit.

Patulog na dapat ako ulit nang may malakas na tugtog na gumulantang sakin. Aba bwisit!

"Ano ba?! Kitang natutulog yung tao e!" sigaw ko. Humarap ako dun sa nagpatugtog ng malakas. Yung magaling ko palang Kuya -,-

"Mag ready ka na kasi! Kanina pa kita ginigising diyan e! Apaka tigas kasi ng ulo mo. Ayan tuloy!" sigaw niya pabalik. Tinignan ko yung cellphone ko kung anong oras na. Aba! Alas quatro palang mga pre!

"E alas quatro palang a? Ang dami pang oras para matulog o!" inis kong sabi. Alas otso palang naman kaming aalis e. Apaka excited neto--

"Ahmm, pedeng pakihinaan ho ng konti yung mga boses natin? May natutulog pa po kasi. Salamat." mahinahong sabi ni Cris. Oo nga pala, andito pa pala sila nung Kuya niya. Speaking of Kuya niya, siya ba talaga yung last week? Yung sumalo sakin? AY! Ewan. Wag ko na nga munang isipin yun.

Story of My High School LifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant