"Ah.. Mm.. Ako rin e.." anang Jomar saka humarap kay Jose. "Walang nag-expect na mangyayari 'to.." nakangiting bumalik ang tingin niya kay Junel. "Hindi ka ba masaya sa bago nating master??"

"Hindi naman sa 'ganon.. Pero, nakakapanibago lang na dinidepende natin 'yung kaligtasan natin sa isang babaeng mortal.."

"So?? Isyu 'yon??" lumapit si Jomar kay Junel saka tinapik ang likod nito. "Come'on, hindi 'yon big deal.. You cannot judge a person by race nor gender! Sa huli, kahit ano pa ring husga natin sa isang tao hindi magbabago ang lahat ng may'ron siya. H'wag mong kwestiyonin ang pagiging under natin sa isang babaeng mortal.. Ang isipin mo nalang, at least wala na tayo kay Alpha!"

"Mm, tama!" pag-sang ayon naman ni Jose. "Ang tagal na nating hiniling na makahanap ng napaka-lakas na master, ngayong may'ron na, h'wag ng magreklamo pa.." tumingin ito sa kaniyang wristwatch. "Ano na?? Anong oras na, kailangan na nating kumain.."

"Sige, sige tara na.."

Naunang naglakad si Jose sa may pintuan. Nang buksan niya ito, hindi niya inaasahan na may isang nilalang na bubungad sa kanila. Parang nabalot ng yelo ang buo nilang katawan nang makilala ka-agad ang lalaking ito. Si Gerard, ang isa sa mga namamahala sa organisasyon na sila lang ang nakaka-alam. Isa ito sa pinag-tataguan nila simula 'nung makilala nila si Eugi, dahil isa ito sa mga nakalaban ni Ceref sa isang pustahan.

Mapula ang mga mata niyang nakatingin sa kanila. Tinitigan niya ang tatlo na hanggang ngayon ay parang nanghihina ang mga tuhod na gumalaw. Sa likod niya, may'rong mga bantay na nakahandang saktan ang tatlo kapag nagtangka itong sugurin siya. "Well, isn't it the Junel brothers??" naningkit ang mga mata niya habang hinahanap pa ang isa. Pabulong niyang binilang muli ang mga kaharap niya. "Where's the other asshole??"

Kahit na nahihirapan lumingon, bugso ng takot. Dahan-dahan pa ring nagpalitan ng tingin ang tatlo saka si Junel ang nagsalita. "H-Hindi na namin siya kasama.."

Nagtataka, sinubukan pa ring ngumisi ni Gerard. "He left your group?? Why though?"

Muling nagkatinginan ang tatlo, nagpapakiramdaman kung sino ang magpapaliwanag ng nangyari pero ni-isa sa kanila ay wala pa ring nagsasalita. Napalunok nalang si Jomar habang nag-iisip ng kaniyang sasabihin. Anong i-dadahilan niya? Na-nag travel na ito papuntang neptune? Na natalo sila ng isang mortal??

"Scared to speak? Let me change the question, how's your Alpha?"

UNRIVALED!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें