• CHAPTER 24 "Payback!"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga! Oo nga! Pasalamat nga tayo at hindi niya tayo pinag-travel sa ibang planeta 'nung tinago natin 'yung sapatos niya e. Umuwi siya ng naka-rubber shoes 'nung araw na 'yun.." usisa ni Jose.

"Oo nga e.. Tayo ang may kasalanan bakit siya nagalit 'nun.. Si Alpha kasi e-speaking of that wicked Alpha, I think may issue siya kay Queen.." si Junel.

"Isyu?? What do you mean??" takang tanong ni Jomar.

"Anong what do you mean!? Nalimutan mo na bang siya ang nag-utos sa 'tin na patayin si Queen! Siya ang nagsabi sa 'tin na bugbugin siya doon sa rooftop! Tapos sinabi pa niya sa 'tin na mortal lang 'yun! Nagsinungaling siya!"

"Nga pala.." napa-face palm si Jomar saka humarap sa dalawa. "Pero sa tingin ko magandang opportunity na rin 'yun sa 'tin para mawala sa pamamahala niya. Ang buong akala ko pa naman napakabait ni Alpha, dahil marami na siyang bagay na nagawa para sa 'tin.. Pero, pakitang tao lang pala siya.. Tsk!" napapailing nalang siya habang naalala ang mga bagay at pangyayari 'nong mga araw na nasa ilalim pa sila ng pamamahala ni Ceref.

Hindi nila maitatanggi na ilang beses na ring iniligtas ni Ceref ang mga buhay nila. Dahil doon mabilis na nahulog ang loob nila sa bampira. Kahit pa nakuha lang sila ni Ceref sa isang pustahan kung saan nanalo pa ito laban sa malaking organisasyon. Natalo nito ang isa sa mga kinatatakutan nilang lider. Labis silang nagalak nang malaman na sila ang ibibigay na premyo para sa pustahan na ito, pero simula nang malaman nila ang tunay na intensyon ng kanilang Alpha ay nagising sila sa katotohanan.

"Jo, inaasahan niyo bang mangyayari 'to?" bigla ay tanong ni Junel habang nakatingin sa kawalan.

"Inaasahan ang alin?" takang tanong ni Jomar.

"Lahat ng 'to.."

"Huh..? 'Di ko maintindihan.."

"Na babagsak tayo sa isang mortal.."

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon