Nakarating na din pala sa kanya ang pangyayari.

“Patawad kung nanguna ako. Ito marahil ang silbi ng kakayahan ko, ang itama ang mali.” Taimtim akong tumitig sa mga mata niya. Pero sadyang makapangyarihan si Anulfo, hindi niya ako hinahayaan na basahin siya. Na makita ang sagot sa mga katanungan ko.

“Matagal kong tinago ang anak ko Olivia. Pinili kong ihimlay muna siya para hindi siya matunton ng kahit sinong magpapahamak sa kanya. Nagising siya sa henerasyon na ito at kuntento ako at kampante dahil wala siyang maalala. Pero…ito marahil ang kagustuhan ni Bathala. Ang makilala ng… anak ko ang tunay niyang pagkatao.”

Natigil ako sandali ng marinig ko ang pangalan na nasa isip niya.

Tama ang pakiramdam ko. May mali sa mga nangyayari.

“Alam mo naman kung bakit ko siya tinago diba?” tanong niya sa akin

“Oo, dahil kay Gregory” sagot ko.

“At hanggang ngayon hindi siya ligtas Olivia….”

End of Olivia’s POV

Ira’s POV

Nakatitig lang ako sa kisame ng maramdaman ko ang init mula sa braso ko dahil sa sinag ng araw mula sa bintana.

Hindi ako tumitingin sa bintana dahil alam kong may tao dun. Nararamdaman ko siya.

Nakita niya pag iyak ko kagabi, nasaksihan niya ang loser na Ira.

Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Wala pa rin akong maintindihan. Hindi ko alam kung anong mga papaniwalaan ko. Ang sinabi ni Olivia at Madonna, ang lolo ko na sinasabi nilang tunay kong ama at ang…mga nakikita ko.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now